Original work of Chai Ji Dan
Original Sound Track of ADVANCE BRAVELY in media corner..
Nakaugalian na isang beses sa isang taon ay may nagaganap na Free Fighting tournament sa pagitan ng Intsik at Amerikanong Pulis na ginaganap sa Beijing Stadium upang pagtibayin ang relasyon ng dalawang bansa.
"Kahapon nagkaroon ng elimination round, at pagkatapos ng napakaraming labanan napili na natin ang natitirang labing anim na kalahok na sasabak sa huling laban", sunod sunod na tinawag ng host ang mga pangalan ng natitirang labing- anim, "Joy, Zhou Huaqiang, Brown, Dai Gao, Xiao Yao, Andersen..."
(A/N: wag niyo na akong pag isipin sa pangalan nila, ganyan talaga yan)
Labing anim na nakaunipormeng pulis ang pumasok sa ring, Walong Intsik at walong Amerikano ang ngayon ay magkaharap, at nag bow sa isa't isa. Si Brown, isa sa mga kalahok , ay pinag aaralan ang kanyang katapat na si Xiao Yao mula paa hanggang ulo. Isang nakakalukong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang pinag aaralan niya ang pulis na katapat niya ngayon.
"Isang putok ng baril ang umalingawngaw na hudyat ng simula ng patimpalak, labanan ng lakas at galing sa pakikipaglaban at kung sino man ang nanatiling nakatayo sa bawat round ay lalaban ulit sa sunod na round hanggang sa isa na lang ang natitirang nakatayo at tatawaging kampyeon.
Sa labanan ding ito, sa pagitan ng mga pulis ng dalawang bansa ay pagtatagpo din nang silangan at kanlurang kultura at uri ng pakikipaglaban. Ang mga Intsik na kalahok ay umaatake gamit ang bagsik na galing sa kanilang paa upang matalo ang kanilang kalaban. Samantala ang mga Amerikano naman ay gumagamit ng kamay at kamao para sa malakas na pagsuntok . Pero sa lahat ng Amerikanong kalahok si Brown ang pinakamagaling sa kanila.
Ang unang laban ay sa pagitan ni Brown at Zhou Huaqiang.
Simula pa lamang ng labanan nagpakita agad ng kakaibang galing si Brown, binigyan niya lang ng isang malakas na sipa ang kanyang kalaban ay napatumba niya agad ito. Sa loob ng ilang minute nagpakita si Brown ng kakaibang istilo sa pakikipaglaban . Palakpakan lang ng manonoood ang maririnig mo sa manunuod at nakuha agad ni Brown ang kanyang unang panalo.
Makalipas ang pitong labanan, walong kalahok na lamang ang nanatiling nakatayo, tatlong Amerikano at Limang Intsik, at isa doon ay si Xiao Yao.
Sinimulan na ang ikalawang round, at pinili ng mga Chinese si Zhang Wenlong siya ang tinaguriang pambato ng Chinese police department siya ang tinaguriang pinakamagaling sa lahat ng kalahok sa pangkat nila na puwedeng ipang tapat kay Brown. Unang umatake si Zhang Wenlong, nagbigay siya ng napakalakas na sipa na tumama sa ulo ni Brown, pero hindi man lamang naapektuhan ang kanyang kalaban. Hinawakan ni Brown ang paa ni Zhang Wenlong at pinilipit niya ito hanggang sa bumagsak si Wenlong sa lupa. Pagkatapos ng ilang minutong pahinga , sinimulan ulit ang laban sa pagitan nilang dalawa, sa pagkakataong ito inalabas na ni Wenlong ang lahat ng kanyang lakas at galing sa pakikipaglaban, sunod sunod ang kanyang ginawang pag atake sa ulo ng kanyang katunggali pero katulad ng nangyari kanina wala pa ring epekto kay brown ang kanyang ginagawang pag atake. Sa kabilang banda walang awing pinagsisipa ni Brown ang binti ni Zhang Wenlong hanggang sa mabugbog ito at di na makatayo. Sa ikalawang round apat na lang ang natitira sa mga manlalaro si Brown, Xiao Yao at dalawa pang Chinese.
Sa ikatlong round, maswerte at di pa nagiging kalaban ni Xiao Yao si Brown. Habang nakikipaglaban si Brown nanunuod sa isang tabi naririnig niya ang ilang usapan ng mga katrabaho niya na di maganda sa kanyang pandinig.
"Napakalakas naman ng Amerikanong yan (Brown), lahat ng itinapat sa kanyang mga panlaban natin ay walang magawa".
"Lahat nang magagaling nating pambato ay natalo na niya sa kamalas malasan yung tatlong natira sa atin mukhang wala ding pag asang matalo siya".
BINABASA MO ANG
An Irresistible Force
AcciónFilipino Translation of "Advance Bravely" originally writen by Chai Jidan. Si Sergeant Xiao Yao ay isinilang sa mayamang pamilya , isang dating playboy na biglang na lamang nagbago. Yuan Zong ay isang dating sundalo na nagtayo ng isang Bodyguard T...