Ang regalong cookies

111 5 5
                                    

Watch the video at the media Section..  Song: Try by Pink

Original works of Chai Ji Dan

Kinabukasan sa opisina kung saan nagtatrabaho si Xiao Yao, pumunta si Xiao Yao sa katrabahong katabi niya para humingi ng pabor.

"Xiao Hui, wala ka bang pinagkakaabalahan ngayon?"

"Wala naman , bakit?"

"May tao akong gustong imbestigahan, puwede mo ba akong tulungan?" ang sabi naman ni Xiao Yao.

"Sino naman?"

"Si Yuan Zong , yung..."

"Si Yuan Zong na kapatid ba ni Yuan Ru ang tinutukoy mong Yuan Zong?" ang pagputol naman ni Xiao Hui sa sasabihin ni Xiao Yao

"Paano at bakit mo siya kilala?" ang interasadong tanong ni Xiao Yao sa kausap.

"Narinig ko kasi kay Yuan Ru, nagkukuwento siya ng tungkol sa kapatid niya pag pinupuntahan ka niya dito, bakit di ba niya sinasabi sa'yo?"

Sa totoo lang mas nakakausap pa ni Yuan Ru ang mga katrabaho ni Xiao Yao kesa sa kanya. Tuwing dumadalaw si Yuan Ru sa departamento ni Xiao Yao lagi siyang umaalis at sinasabing may importante siyang lakad, kaya naiiwan si Yuan Ru sa mga katrabaho niya.

"Si Yuan Zong ay dating kasapi ng Special Force sa military, pagkatapos niyang umalis sa military bumalik siya sa bayan nila para magtayo ng sarili niyang Bodyguard Company, naging sikat ang kompanyang iyon sa lugar nila. Lahat kasi ng mga nakakapagtapos sa training nila bilang bodyguard ay sobrang magaling, halos lahat ng bodyguards na napoproduce nila ay nagiging bodyguarad ng mga sikat na artista, at mga pulitiko."

Kaya pala ganun na lang kagagaling ang mga bodyguard na kasama ni Yuan Zong, pumasok na naman sa iaipan ni Xiao Yao ang nangyaring kahihiyan sa kanya sa pagdadala niya ng maraming bodyguard. Lalo namang kinabahan si Xiao Yao sa mga nalaman niya tungkol kay Yuan Zong. Ang mga nangyari kahapon ay naging malinaw na sa kanya. "Sana di na magkrus ang landas natin, at iisipin ko na lang na di ka dumating sa buhay ko."yan ang mga katagang hinihiling ni Xiao Yao sa isipan niya ng mga oras na yun.

Habang si Xiao Yao ay nangangamba ng tanghaling yun, si Yuan Ru naman sa kabilang banda ay nagkukuwento ng kung ano anong bagay tungkol kay Xiao Yao sa kapatid niyang si Yuan Zong para tanggapin niya ito bilang "Brother in law" o "Bayaw", at para na din tulungan siya ng kapatid mapasagot si Xiao Yao.

"Kuya alam mo ba kung anong ayaw ni Xiao Yao na itawag sa kanya ng ibang tao?"

Wala namang naging tugon si Yuan Zong sa sinasabi ng kapatid niya at patuloy pa ring kumakain ng noodles.

"Kamahalan", at tumawa si Yuan Ru ng malakas. "Yan ang sinabi ng mga katrabho niya sa opisina tungkol sa kanya, itawag mo lang yun sa kanya at magiging ganito yung mukha niya ." at binanat ni Yuan Ru ang kanyang pisngi at tinawanan ang sarili.

Tinitigan naman ng masama ni Yuan Zong ang kapatid na nakapagpatigil sa kabaliwan nito, at pinagpatuloy na lang ang pagkain sa madahang paraan. (A/n: parang kuya ko lang din si Yuan Zong laging seryoso sa buhay.)

Ilang segundo lang ang nakakalipas nagsalita na naman si Yuan Ru, "Kuya puwedeng humingi ng tulong, maliit lang naman itong ipapagawa ko sa'yo kumpara sa mga ibinibigay mo sa akin."

"Ano yun?!"

Tumalikod naman si Yuan Ru at inilabas niya mula sa kanyang leather bag ang isang napakagandang kahon, na dahan dahang inilagay niya sa harapan ni Yuan Zong.

"Mahilig si Xiao Yao sa matatamis na pagkain, kaya ipinag-bake ko siya ng mga cookies, puwede bang ibigay mo ito sa kanya? Kasi pag ako ang personal na nag abot sa kanya nito, hindi na naman niya tatanggapin, siguro pag ikaw na ang nagbigay sa kanya baka tanggapin niya, siguro pag nalaman niya kung gaano ako kagaling magluto, baka magustuhan niya din ako!" ang kinikilig na sabi ni Yuan Ru.

Kung ano ano na lang ang sinasabi ni Yuan Ru sa kapatid baka kasi di siya pagbigyan ni Yuan Zong sa hinihiling niya, pero kampanteng kampante naman na kinuha ni Yuan Zong ang maliit na kahon.

Sa halip na matuwa nagkaroon naman ng di magandang pakiramdam si Yuan Ru sa ginawa ng kapatid dahil ito ang unang beses na hindi ito nagdalawang isip na gawin ang mga hinihiling niya, "Kuya pakiusap wag mong gagalawin o babawasan ang laman niyan."

"Ah oo nga pala di ka kumakain ng matatamis na pagkain, sorry nakalimutan ko!"

Malamig naman ang ekspresyon na baon ni Yuan Zong na pumasok sa kotse niya bitbit ang kahon ng cookies . Di niya sinunod ang pakiusap ng kapatid niya kinain niya agad ang mga cookies at walang itinira, pagkatapos itinapon niya lang ang kahon at umalis na.

Papalubog pa lang ang araw ng lumaabas na sa opisina si Xiao Yao, nasisisyahan siya sa katotohanang walang sumusunod sa kanyang kotse at nakamasid na mga mata. Pero di din nagtagal may nakita siyang pamilyar na kotse sa di kalayuan na nakatigil sa tabing daan.

Nakita niya si Yuan Zong na nakasuot ng itim na sunglasses na nakaupo sa loob ng kotse nito. Pero kahit na di Makita ni Xiao Yao ang mata nito ramdam na ramdam pa rin niya ang mga titig nito sa kanya.

Nagpanggap si Xiao Yao na di niya nakita si Yuan Zong at nagmaneho na lang siya paalis pero nang simulang umabante ang kotse niya sumunod din ang kotse na naghihintay sa kanya. Sumindi naman ang tatlong apoy na nasa loob niya light-evil-demon nag painit ng kanyang ulo. Saan ba nanggaling ang nakakabwiset na ito? Nagbibiro ba ang tadhana sa akin? Bakit pa siya muling bumalik?

(A/n: sorry kung di ko maitranslate sa tagalog yung description about doon sa tatlong apoy, sinubukan talagang basahin ng pinsan ko ulit yung original novel pero nahirapan pa rin siyang itranslate yun into English base sa kanya yan lang yung character na nakalagay doon "light-evil-demon". Binasa ko din yung English trans. Pero di din nila kinayang itranslate yan. Pero ang mahalagang iparating ni Miss Chai Ji Dan dito eh Sobrang galit na galit si Xiao Yao.)

Sa di mapigilang galit, itinigil ni Xiao Yao ang minamanehong kotse sa may kanto, at tumigil din naman ang kotseng sumusunod sa kanya. Bumaba siya ng kanyang sasakyan at pumunta sa kinaroroonan ng kotseng sumusunod sa kanya. Kinatok niya ang bintana nito. Ibinaba naman ni Yuan Zong ang bintana niya at inabot agad ni Yuan Zong ang kahon kay Xiao Yao bago pa ito makapagsalita.

"Gusto ng kapatid ko na ibigay ito sa'yo."

Itinuon naman ni Xiao Yao ang kanyang mga kamay sa may bintana ng kotse ni Yuan Zong at inilapit niya ang kanyang mukha dito, "Tandaan mong mabuti ang sasabihin ko sa'yo at sana huling beses ko na itong ilalabas sa bibig ko, hindi ko tatanggapin ang kahit anong bagay na nanggaling sa kanya, at pakiusap kung puwede na itigil niyo na ang walang kuwentang pinaggagawa niyo!"

Sumagot naman si Yuan Zong "Mensahero lang ako."

Lalo namang nabuwesit si Xiao Yao at nagsilabasan lahat ng ugat niya sa kanyang ulo at nagbigay ng nagbabadyang tingin, "Sige kung talagang gusto mo akong sundan sige sumunod ka, para malaman natin kung sino sa atin ang may maraming oras, ikaw o ako?"

++++++++++++++++++++++++++

And that's it... sorry di ako nakapag update kahapon nag-gala kasi ako..

Votes and comments are highly appreciated..

An Irresistible ForceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon