Chapter 5

1.6K 91 4
                                    

It's a big deal

Chapter 5

Matapos niyang sabihin iyon kay Dave ay muli nami siyang nilapagsan. Hanggang ngayon ay kinakaladkad parin ako ng angry bird na to at hindi ko rin maiwasang hindi dumaing sa sobrang higpit ng kapit niya sa pulsuhan ko.

"S-saan mo ba ako dadalhin?" Utal na sabi ko.

"Shut the f*ck off! Hindi mo alam kung sino ang hinalikan mo! Basta basta ka nalang humahalik! Naturang babae ka hindi mo manlang naingatan nyang first kiss mo! At talagang ikaw pa ang humalik?" mahabang linatanya nito na sa dinadaanan lang namin nakatingin. Deretsa siyang nakatingin sa daan. Hindi niya ako binabalingan ng tingin.

"Mahal ko ang first kiss ko! Iningatan ko yon for 16 years! Tapos sasabihin mo yan?"

Tumigil kami.

"If they give you a dare like that. Don't do it. Simple! Its a simple thing, stealer!" Napapikit na naman ako sa sigaw niya. Nakakatakot talaga siyang magsalita.

"S-sorry na.." Nakapikit kong sabi.

"Bakit ba ang hilig mag sorry ng mga tao kung kailan nagawa na? Nangyari na. Baket? May magagawa ba ang sorry sa nagawa mo ha?!" sigaw ulit nito.

Minulat ko ng kaunti ang mata ko at nakita kong nasa labas na kami ng campus.

"W-wala.. Pero kaya nga nagsosorry para malaman mo na hindi ko iyon intensyon. Kailangan ko lang talagang magawa ang dare ng mga kaibigan ko para - -" hindi ko naituloy dahil nahihiya akong sabihin kung ano ang rason.

"What? For what?! Explain it to me!" sigaw na naman niya.

"Nahihiya ko mang sabihin.. Pero sasabihin ko na. Ginawa ko iyon dahil kailangan ko. Kailangan kong mabayaran ang mga utang ko sa school na to para maka graduate ako! Oo, mahirap lang kami! Mahirap pero nagsusumikap ako para umangat! Ginawa ko iyon dahil kung hindi... Baka hindi ako makapag aral. Masasayang lang lahat ng pagod ko kung mangyari yun!" lakas loob kongsabi.

"May nililigawan ako.. Meron.. Hindi ko pa sya napapasagot tapos ngayon hahalikan mo lang ako ng basta basta? How come, stealer! Sabihin mo! Madali lang ba yon para sayo ha?! Ang tanga tanga mo! Inilaan ko iyon para sa taong mahal ko.. Para sa kaniya.. Pero nawala ng dahil sayo!"

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Parang ang sakit lang pakinggan...

"P-pwede namang hindi s-sabihin diba?"

"It's a big deal for me, stealer... Kaya magbabayad ka!"  

When I Kiss A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon