After the Fight
Dwight's POV
Pabalik na ako ngayon sa school ko ng matapos ako sa pagmumuni sa garden. Napakacorny ng ipinunta ko don, tss.
Habang naglalakad ako.. May kung anong tumutusok sa dibdib ko. I dont know why but.. Nararamdaman ko na may mangyayaring masama.
Kaya binilisan ko ang paglakad ko hanggang sa manakbo na ako. Natigilan na lamang ako ng makita kong.. Ng makita kong... Nakikipaglaban si Stealer sa mga lalaki at walang hirap niya iyong napapatumba.
F*ck! She's amazing!
Lalapitan ko na sana sila ng makita kong bigla nalang yakapin ni Lance si Stealer. Agad akong napatiim bagang. D*mn! Bat ko nararamdaman to?!
Nanakbo ako at mabilis na hiniklat si Lance palayo kay stealer at medyo napalakas kaya napaupo sa sahig si Lance. Hindi ko alam pero nanggigigil ako sa ginawa niya.
"What are you doing, Lance?!" seryoso at may diing sabi ko. Nasa likod ko si Stealer na wala paring kibo ng nilingon ko.
"Lance!" sigaw nila Dave at Josh at mabilis na nilapitan si Lance at tinulungang makatayo.
"Dre, ang saket non ah!" pag daing ni Lance matapos tumayo.
"Don't you dare do it again!" biglang sigaw ko.
"Wooaah! Anyare sayo, dre? Niyakap ko lang? Yun lang? Pero iba ka kung maka react? What the heck?" sumbat ni Lance.
"Hep! Tama na! Ano? Pati ba naman dito mag-aaway kayo? Para kayong mga bata ah? Ano? Aso't pusa?" biglang singit ni Stealer at pumagitna sa amin.
"Ayos ka lang ba, Nazi?" itatanong ko na dapat yan sa kaniya kaso naunahan ako ni Dave.
"H-ha? Ah.. Opkors! I am! Ako pa? Tss. Basic!" nagsenyas pa ito ng basic sa kaniyang kamay na sobrang lapad ng ngiti. Sh*t! She's so beautiful, d*mn!
"Haha! Your so cool at that time. Pwedeng turuan mo kami kung pano yon? Hahahaha!" si Josh naman ang nagsalita.
I thought he's avoiding girls? But- - ugh! Im so insecure! Wtf!
"Akala ko ba gangster kayo? Hindi niyo alam? Tss! Patawa lang noh?" tumaas ang isang kilay nito.
"Dwight..." napatingin naman ako kay Dave.
"Lets talk inside not here. Baka magkaron pa ng mga malay ang mga walanghiyang yan." malamig na sabi ko at kinaladkad ulit si Stealer.
Im having fun with this situation! Haha! Sa tuwing kakaladkarin ko siya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Hoy, angry bird! Bitawan mo nga ako! Ah ah! Palagi mo nalang akong kinakaladkad ang sakit sakit na nga ng- -" tumigil kami.
"Anong gusto mo? Buhatin kita? Fine- -" gagawin ko na sana ng bigla siyang umatras. Napangisi ako.
"Ayoko! Pwede namang maglakad lang ng normal diba? Hindi yung may pakaladkad kaladkad ka pang effect jan! Tss." nauna na siyang naglakad. Nilingon ko ang tatlo kong kaibigan. Nakatingin lang sa akin na kunot ang noo.
"Siguraduhin mo lang na sasabihin mo ang lahat samin dahil kung hinde.. Makakatikim ka kay Nazi." seryoso siya nung una pero napangisi siya na natatawa sa uli. Yan si Lance. Nyemay!
Tinapik ako ni Josh. Si Dave naman ay tumigil sa harap ko.
"Balak sana naming puntahan yung nililigawan mo pero hindi na namin itutuloy kasi andito ka na eh. Kaya bilisan mo na at mag uusap tayong lahat. Kasama si Nazi." tinapik din ako nito sa balikat at nauna naring naglakad sumunod sa kanila.
Naiwan akong tulala. F*ck! Hindi ko alam kung bakit ganito na ang nararamdaman ko ngayon. Pero kailangan ko rin silang kausapin tungkol sa nangyari kanina. Anong pakay ng nga hinayupak na yon?
Sumunod na ako sa kanila matapos kong umiling sa aking naiisip.
Kung hindi ako hinalikan ni Stealer.. Baka hindi kami ganito ngayon.. Nararamdaman ko kasi na parang siglang sigla ang mga kaibigan ko kapag kasama siya.
Well, me too.. I feel it. Yeah, she's a part of us.. (Smiled)
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster
Teen FictionNang dahil sa isang dare nagkagulo na ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkitakita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa isipan ko at iyon ay hindi ko alam kung maibabalik pa ba. Ako... Sila... Kaming lahat... Ay magkakak...