Announcement!
Dave's POV
"Mom, alis napo ako!" sigaw ko mula sa sala dahil nasa dining room pa siya. Isinakbit ko na ang bag ko at saka akmang paalis ng bigla siyang magsalita.
"Ay anak, ibaon mo to oh. Ginawa ko yan!" walang ganang tinignan ko yung sandwich niyang iniaabot sa akin.
"No need." at saka na siya nilagpasan.
Wala akong kahit na anong bagay ang tinatanggap mula sa kaniya. I hate my mom. I shoudn't call it Mom but ... I still love her as a son.
"Mag-ingat ka anak!" pahabol pang sabi nito ng malayo layo na ako sa bahay.
Don't call me anak!
Namuo nalang bigla ang kamao ko sa kanan habang nagtiim bagang. Nakapamulsa lang ang isa kong kamay habang naglalakad.
Your the one who killed my dad!
Sumakay na ako sa motor ko at isinusi ito. Harurot ang patakbo ko dahil wala namang mga dumadaang ibang sasakyan. Papunta ako ngayon kela Nazi para siya ay sunduin.
I am assigned with her. And that's make me feel good... Simula ng makilala ko si Nazi.. Nagliwanag na ulit ang paningin ko.. Naging masaya ako sa tuwing kasama namin siya..
At sigurado akong mapapasaya namin siya ngayon.. And that's our plan.
*broom* *broom!*
Lalo akong humarurot ng takbo dahil malapit na ako sa bahay nila Nazi. Kailangan ko kasi siyang maunahan dahil kung hindi. Patay! Sira ang plano!
Nang nakarating na ako ay ipinark ko na ang motor sa tabi ng bahay nila at sinilip ang gate nila kung nandon pa ba siya.
"Tao po!" kumatok ako sa gate. Agad namang may lumabas na matanda at dali daling nagpunta papalapit sa akin. Binuksan na nito ang gate at,
"Ano iyon, hijo?" tanong nito.
"Ahmm.. La, si Nazi po ba nanjan pa po?" agarang tanong ko at nagmano.
"Ay, hijo.. Oo nandito pa. Bakit? Teka, sino ka ba?" sinuring mabuti ni Lola ang mukha ko na ikinatawa ko.
"La, kaibigan po ako ni Nazi. Haha!" natatawang sambit ko dahil sa ginagawa ni Lola.
"Ahh.. Sige pasok ka. Pasensya na ah?" ngumiti ako.
"Ayos lang po, La ^^" at saka kami sabay na pumasok.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay nila at maayos naman. Teka lang.. Nasaan ang mga magulang niya?
"Hija! Dalian mong magbihis jan dahil may bisita ka!" sigaw ni Lola.
"Opo!" agad na sagot naman ni Nazi sa kwarto niya doon sa taas.
"Ahmm, La.. Tanong ko lang po, kayo lang po ba ang kasama ni Nazi dito?" tanong ko.
"Ah, oo hijo. Bakit?" napatikhim naman ako ng magtanong siya. Ah, bat ko nga ba natanong? -,-
"Ahh.. Yung mga magulang po ni Nazi?" nahihiya kong tanong.
"Ah yun ba? Wala na sila. Iniwan na nila si Nazi.." at saka ito naglakad papuntang ibang kwarto. Kusina ata.
But wait... Iniwan? Na nila si Nazi? Teka, anong ibig sabihin ni Lola don?
"Lola alis napo ak-!" naputol nalang ang isinisigaw ni Nazi sa kaniyang Lola habang siya ay bumababa ng hagdan ng makita ako.

BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster
Fiksi RemajaNang dahil sa isang dare nagkagulo na ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkitakita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa isipan ko at iyon ay hindi ko alam kung maibabalik pa ba. Ako... Sila... Kaming lahat... Ay magkakak...