Faint
Nazi's POV
"I like your smooth lips..." laking gulat ko nalamang ng banggitin niya iyon at iminulat ko ng bahagya ang mga mata ko para makita siya.
At... At... P-papalapit siya sa ano? Sa mukha ko?! Waaaaah!
~kkok kkok kkok kkok sumeora🎶🎶~
Agad akong napamulat ng biglaan, ng tumunog ang cellphone ko at nakita ko rin ang panlalaki ng mga mata niya. Malapit na ang mukha niya sa mukha ko kung kayat kitang kita ko ang brown niyang mga mata- - pero sheems!
Tinulak ko siya, "A-anong ginagawa mo, angry bird?!" kunot noong tanong ko.
Nakita ko ang paglunok niya, "S-sorry... G-gigisingin lang naman kita eh. Kasi tulog ka na!" hindi makatinging sabi nito.
Tinanggal ko na yung seatbelt ko at binuksan narin ang pinto ng kotse at saka bumaba, "We're done, tapos na ang kaso ko sayo.. Thank you sa paghatid." isinara ko na yung pinto.
Tumalikod na ako doon at dumiretso na sa bahay. Hindi ko na nagawang lumingon pa dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Grrr! Ano to?!
"La, nandito napo ako.." walang ganang pagbati ko. Nagmano na ako ng makita ko si Lola.
"Oh hija, kamusta ang date niyo?"
"Ayos lang po- -"
*Thank you ha.. Pinasaya mo ang gabi ko..*
Napailing nalang ako ng umulit ang boses ni Angry bird sa isipan ko. Ugh! Ano ba toh?! Ang wierd!
"Sige at ika'y magpahinga na.. May pasok ka pa bukas.."
"Opo.." at saka na siya iniwan doon.
Rinig na rinig ko lahat ng sinabi niya.. Seryosong seryoso siya... Ano bang nakain ng uwak na yon?
Matapos kong makapagbihis ay agad na akong nahiga sa kama ko para matulog na.
Pero ilang segundo lang ang nakakalipas ay bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Nga pala, yung nagtext sakin kanina ay si Cloe lang naman. Nag goodnight lang at ngayon ay si... Si angry bird?
Teka, kakikita lang namin ah?
*Ang sarap mong kasama lalo na't kapag tumatawa ka..*
Napailing na naman ako ng bigla ulit sumagi ang ilang sinabi sa akin ni Angry bird. Waaaaah!! Ano nabang nangyayari sa akin?!
From: Angry bird🐦
Thank you for today... Goodnight.
Sus! May patext text pang nalalaman ang uwak na to. Pwede namang sabihin niya kanina. Tss- -
*I like your smooth lips...*
Waaaaah!! Ayoko na talaga!! Itutulog ko nalang to!!! T-T
-.-.-.-.-.-.-
"Huy Nazi!" iminulat ko yung mata ko habang naka facedown ako sa lamesa namin.
"Uhm?" antok kong sabi kay Cloe.
"Pag nakita ka ni Ma'am yari ka!" si Kate naman ang nagsalita.
"Ano bang pinaggagagawa mo kagabi at inaantok ka ngayon ha?" tanong ni Thea.
"Wala... Sadyang puyat lang talaga ako- -"
"Ms. Eisenhower? Do you have sick?" agad akong napatunghay ng magsalita ang aming terror teacher.
Waaaah! Dito nga pala ako nag-excuse. Panigurado akong gaganti toh! T-T juiceko! Help me!!!
"N-no I'm not, Ma'am..." nakatungong sabi ko. Nandito na si Ma'am sa tabi ng lamesa namin- I mean sa likod ni Cloe.
"So why are you not listening to my discussion? Your just simply sleeping here and that is unfair! Didn't you know that?" napalunok na ako ng sumigaw si Ma'am. Hanggang ngayon ay nakatu ngo parin ako at kinukutkot ang kuko ko.
"S-sorry po.." pagpapaumanhin ko pero hindi nya yata tinatanggap dahil nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin.
Waaaah! Paktay na ako! T-T
"Alam mo bang napahiya ako sa apat na Prince ng dahil sayo? Sinigawan nila ako dahil na late ako ng ilang minuto. Kung hindi ka sana nila i-e-excuse, edi sana hindi nila ako nahuling late!" napalunok ulit ako ng sumigaw siya.
Kasalanan ko bang mapagalitan ka? Eh ikaw lang naman tong laging late pumasok! Tch! Ako pa sinise -,-
"S-sorry po..." pagpapaumanhin ko ulit.
"I don't accept any sorry! Get out of my class! Now!!" agad akong napatayo sa malakas na sigaw ni Ma'am. Walang ano ano ay nanakbo na ako sa labas ng walang tinitignang sino man.
Nang makalabas na ako ay agad akong napasandal sa pader. Naupo ako habang yapos yapos ko ang dalawang tuhod ko.
Hindi ko kasalanan, Ma'am...
"Hindi ba't ipinagbabawal ang paglapit sa mga Prince? Bakit ang babaeng 'yon ay masyadong linta sa apat na 'yon?!" dinig kong sambit ni Ma'am. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
Tutal tapos na ang kaso ko kay Angry bird... Panahon na siguro para layuan ko na silang apat..
Tumayo na ako at pinahid ang luhang pumatak galing sa mga mata ko. Masyado akong nasasaktan sa mga pinagsasasabi ni Ma'am kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
"*sniff* K-kasalanan ko ba? *sniff* Hindi n-naman eh!" sambit ko sa sarili ko habang naglalakad sa hall way.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Masyado ng malabo ang paningin ko dahilan siguro sa maraming luhang nakabara sa mga mata ko.
"W-wala akong kasalanan!!" sigaw ko sinuntok ang bakal na nakakabit sa pathway.
Nakaramdam ako ng sakit pero hindi ko iyon ininda.
"Nazi!!" nilingon ko ang tumawag sa akin pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil malabo ang paningin ko.
Napaupo ako habang kapit kapit ko ang damit ko sa may parte ng dibdib. A-ang sakit ng puso k-ko..
"Nazi! Ayos ka lang?!" isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagtanong sa akin.
A-ang sakit ng puso ko. N-nahihirapan a-akong h-huminga.!
"Nazi! Dumudugo yung kamay mo! Ayos ka lang ba?! Anong nangyari?!"
"H-hindi a-ako m-makahinga- -"
At bigla nalang nag itim ang paningin ko..
"Nazi!"
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster
Teen FictionNang dahil sa isang dare nagkagulo na ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkitakita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa isipan ko at iyon ay hindi ko alam kung maibabalik pa ba. Ako... Sila... Kaming lahat... Ay magkakak...