Chapter 32

1.4K 65 29
                                    

Tattoo?

Nazi's POV

Inilagay ko muna yung librong binili ko doon sa may table at saka nagpunta sa kusina.

"Ano po bang ulam, La? ^^" masayang tanong ng kumag na uwak na to -,- .. Akala mo kaniyang bahay ah? Kapal niya! -__-

"Ay, hijo.. Kumakain ka ba ng sinigang? Nakakahiya naman sa iyo dahil ikay- -"

"Favorite ko po yun, La! Tara napo kain na tayo! ^^" sambit ulit nito na kitang kitang gutom na nga.

"Oh siya sige.. Teka nasaan naba si Nazi?" nagpalinga linga si Lola.

"Andito napo..." naglakad na ako papunta doon. Nasa may pinto lang kasi ako kaya hindi nila ako makita.

"Kain na.." sabi ni Lola.

Nagsandok na ako ng kanin at nilagyan ko rin ang pinggan ni Lola. Ibababa ko na sana ang bandehado ng biglang magsalita si angry bird.

"Eh ako? Hindi mo ba lalagyan?" nakangusong sabi nito.

Tss.. Ano siya walang kamay? -,-

Umirap muna ako sa kaniya at saka nilagyan ang pinggan niya. May araw karin saking uwak ka !

Habang tahimik kami sa pagkain ay bigla nalang ngsalita si Lola.

"Oo nga pala..Hija, hijo.."

"PO?" nagkatinginan kami ni angry bird ng magkasabay kaming nagsalita.

Bali nasa harap ko siya at nasa kaliwa ko si Lola. Yung parectangle na lamesa? Ayon..Nandon si Lola sa may width at kaming dalawa ni angry bird sa may length kung saan ay magkaharap kami. Nasa kaliwa ko si Lola at nasa kanan naman niya si angry bird.

"Ilang bwan na ba kayong magkarelasyon?"

Agad akong nasamid sa kinakain ko sa tinanong ni Lola.

*cough* *cough* *cough*

Agad akong inabutan ni angry bird ng tubig at dali dali ko naman iyong ininom. Jusmiyo marimar! My goodness sheems! Tanong ba yon?!

"P-po?" masamid samid ko pang tanong.

"Ang sabi ko.. Ilang bwan na kayong magkarelasyon?.. Nagtataka nga rin ako dahil ni hindi mo manlang sinabi na may nanliligaw pala sayo at sinagot mo agad!" sabi nito na ikinasalubong ng mga kilay ko.

"Po?!" gulat at kunot noo kong sigaw.

"A-ahh.. La.. P-pasensya napo kayo dahil medyo bingi lang si stealer kaya ganiyan.. Hindi kasi naghihinuli ilang bwan na ang nakakalipas.. Pft!" natatawang sabi ni angry bird.

"Ano?!" magkasalubong na mga kilay na sabi ko.

Anak ng- - ako?! Hindi ng hihinuli? Ilang bwan? Aba! What the sheems! Ugh! May araw karin saking uwak ka! Tandaan mo yan! -__-

"Hija.. Kumalma ka nga, akoy naririndi sa iyo eh!" sabi ulit ni Lola.

Sandali akong huminga ng malalim.. Hindi ko... Boy.. Friend... Si ... Angry bird!!!!

"Oh ano? Makakasagot ka na ba?" tanong ulit ni Lola.

"Lola..." pagsisimula ko. Napatingin ako kay angry bird na deretso lang ang kain at nakatitig sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin pero ngiting nakakaloko lang ang ibinalik nito. Sheeems! Wala ka sa sarili mong pugad na uwak ka ha!!!

"Oh?"

"Kaibigan ko lang po siya..." sabi ko at bumalin ng paningin sa kinakain ko. Napatingin nalang bigla ako kay angry bird dahil napatigil ito sa pagkain.

When I Kiss A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon