Plan?
Nazi's POV
Linggo na ngayon at may pasok na naman bukas.. -,- ano na naman kayang mangyayari sa school bukas noh?
"La.." nakahiga ako sa sofa at walang ginagawa kaya naisip kong usisain si Lola.
"Oh?" sagot nito habang nananahi at may salamin sa mata.
"Bakit po ganun?.." kunot noong tanong ko habang sa kisame nakatingin. Yakap yakap ko ang unan na nandito sa sofa.
"Ang alin?" sambit ni Lola habang patuloy parin sa pananahi.
"Bakit po wala na akong maalala pagkatapos nung mamatay sila mama't papa? Bakit po hindi ko na maisip kung anung ginawa ko nung nakita kong namatay sila?" tanong ko. Dati pa kasi nakatanim sa utak ko yon pero hindi ko talaga matanong tanong kay Lola..
Napatingin ako kay Lola ng matagal siyang nakasagot, kita ko ang pagbuntong hininga nito at saka napatigil sa pananahi.
"Tinatanong mo na ba talaga iyan ngayon?" kumunot ng bahagya ang noo ko sa tanong ni Lola. Imbis na sagot ang sabihin niya.. Eh nagbalik pa talaga ito ng tanong.. -,-
"Bakit po? May mangyayari po ba kapag tinanong ko at sinagot niyo?" takang tanong ko.
"Hija.. Hindi ba't pitong taong gulang ka noon noong mangyari ang eksenang iyon? Pero laking gulat ko na lamang muli ng itanong mo ulit yan.. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute mo.." sambit ulit nito kaya sa kisame ulit ako napatingin.
"Kapag po kasi nagbebirthday ako dati.. Namimiss ko sila.. Saka etong bagay nalang na po to ang natitirang alalang iniwan nila sa akin. Hindi ko alam kung regalo ba nila to o souvenir lang.."
*H-happy B-birthday..... A-nak...*
Muli akong napailing ng sumagi sa isip ko ang ilang sinabi sa akin ni Mama. Nakakalungkot lang kasi eh.. Nagbu-blurd na ang mga mukha nila sa alala ko.. Hindi ko alam kung bakit.
Naalala ko bigla yung tattoo ni Angry bird... Sheems! Ano bang meron don?!
"Hija.. Nawalan ka ng malay ng mga oras na yon.. May ibinigay sayo ang iyong ina at iyan yan hindi ba? Matapos niyang maibigay yan sa iyo... Bigla kang umiyak ng todo at doon ka nawalan ng malay. Pinuntahan kita sa hospital kung saan ka nila dinala.. Ang sabi ng doctor, na shock ka daw sa pangyayari kaya medyo nawala ang memorya mo malapit sa mga pangyayaring yon.. Kung anong taon yon.. Lahat ng memorya mo noong taong yon.. Nawala dahil medyo na shock ka.. Hindi ko nga alam sayo bakit bigla kang nanahimik na.. Tinatanong tanong kita noon, hija.. Pero hindi mo ako sinasagot.. Itatanong ko sana sayo kung may naaalala ka na.." mahabang paliwanag nito na ikinatahimik ko.
Napabangon ako at napalunok. "Po?! I-ibig sabihin.. M-may nabura sa alala ko dati?!" tumango si Lola habang nakatitig sa akin.
"Eh pero.. Paano ko na po yun maaalala ulit kung nung 7 years old pa po ako nawalan ng alaala, Lola?! Bakit hindi niyo po sinabi sa akin agad?! Lola naman ih!" napapadyak ako kahit nakaupo ako.
"Aba, hija! Ako ba'y nirereklamahuhan mo? Aba! Eh ikaw nga ang biglang walang kibo ey! Alam mo ba noong ika'y 8 years old? Para kang isang pipe! Lagi kang tahimik.. Lagi kang tulala. Dahil yon sa pangyayari. Inisip ko nga na sakit mo na iyon.." nagpatuloy na si Lola sa pananahi.
"Lola... Ilang taon po ako bago nagbago?"
"Noong nag dalaga ka na.. Simula no'n, medyo kinausap mo na ako.. At simula rin no'n naging masaya ka na at walang tinatanong.. Hindi ko alam kung bakit at inisip ko noon na baka naaalala mo na kung anong nangyari sa mga magulang mo no'n.. Naalala ko pa noong ika'y nagising sa hospital? Para ka talagang nagkaroon ng amnesia.. Natakot ako non, hija! Grabeng takot ang naramdaman ko! Pinag-alala mo akong bata ka!" sambit ni Lola na ikinangiwi ko.
"Ang naaalala ko lang po, La... Sinagasaan si Papa... At... B-binaril si Mama... N-noong eksaktong birthday ko...." hindi tuloy tuloy na sambit ko habang nakatungo.
Napaangat na laang ang ulo ko ng tabihan ako ni Lola. Niyakap niya ako at niyakap ko naman siya pabalik.
"Sabihin mo sa akin kapag nakaalala ka na, okay?" tumango tango ako sa tanong ni Lola habang nakayakap ako sa kaniya.
"Hindi ko po alam kung bakit ganoon nalang ang nangyari sa kanila... Ano bang ginawa nila Mama't Papa? Mababait naman po sila, diba?"
"Oo, hija... *sniff* nakakalungkot... Hija.. *sniff* h-hindi na kasi... *sniff* mabubuksan pa ang kaso ng mga magulang mo... Ilang taon narin kasi ang nakalipas.. Hindi ko sila naipaglaban.. Hindi ko naipaglaban ang kamatayan ng anak ko... Kaya pasensya, hija.. Laking pasensya ko sayo... *sniff* mahirap ng buksan pang muli ang kaso... Wala kasi tayong ebidensya..." kumalas ako sa pagka kayakap kay Lola.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" pinunasan ko ang mga luha ni Lola.
"Sarado na ang kaso, hija..." napatigil ako... Napatigil ako sa pagpunas sa mga luha ni Lola at napatitig sa kaniya.
Bumaba ang kamay ko... Tila nakakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.. S-sarado? Na... Ang kaso?
Pero..
"Pero alam kong makakagawa ka ng paraan, hija.. Diba?" napalunok ako kasabay ng pagkurap ko. Hindi ko alam ang isasagot..
Kailangan ko munang mahanap si kuya.. At sa ganoon.. Mabubuksan namin ang kaso nina Mama't Papa...
Sana lang may witness ako...
Dwight's POV
"Dre, nakahanda na para bukas.." sambit ni Lance. Tinanguan ko ito.
"I will call all the students in BSU to come in the court and wait for your announcement.." nakahalukipkip na sabi naman ni Josh. Tinanguan ko rin ito.
"And I will invite Nazi in the stage..." sambit ni Dave. Tinanguan ko rin ito ng may ngiti.
"I already report it to the Grandma and she say yes.. So it's mean.. There's no problem with our plan." sambit ko naman na ikinasabay sabay nila sa pagtango.
All plan has been set. Wait for tomorrow, Nazi...

BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster
Teen FictionNang dahil sa isang dare nagkagulo na ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkitakita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa isipan ko at iyon ay hindi ko alam kung maibabalik pa ba. Ako... Sila... Kaming lahat... Ay magkakak...