Chapter 14

1.5K 91 7
                                    

Fight

Chapter 14

Josh's POV

"Sinabi ba talaga sayo ni Dwight yon?" ulit na tanong ko. Papunta kami ngayon sa labas dahil pupunta kami sa kabilang campus para kausapin si Ella.

"Oo eh.."

"Eh paano mo nasabing gagawin ka lang niyang laruan?" si Lance naman ang nagtanong.

Nakita namin ang pagkunot ni Nazi ng bahagya at saka ngumuso, "Hindi ko ba nasabi kay Dave na.."

"NA?" sabay sabay naming tanong.

"Na kunwari lang daw yun kasi may gagawin siya.." napataas ang isang kilay ko.

What the heck? Is he really nuts? Talagang hindi papayag si Nazi kung ganon ang gagawin ni Dwight, tss.

"Hindi mo nasabi yan sakin.." si Dave naman ang nag-usap.

"S-sa l-likod niyo.." agad kaming napaharap sa likuran namin ng makita naming may itinuturo si Nazi at nanlalaki pa ang mga mata nito.

F*ck!!

Dwight's POV

Nasa garden ako dito sa kabilang campus. Wala sa school ko. Hindi ko alam kung anong nag udyok sakin para dito mag stay. Wala naman dito sila Ella kaya pinili ko nalang din na mag stay dito at tahimik na nakasandal sa puno.

Nakataas ang tuhod ko at doon naman nakapatong ang siko ko habang unat unat ko ang braso ko. Yung isa ko namang kamay ay nasa baba lang at nagbubunot ng damo.

Hindi ako nakatingin sa damong binubunot ko. Kusa ko lang itong nabubunot habang malalim ang iniisip ko.

'How do I convince stealer?' usap ko sa isipan ko.

Walang pasok sila Ella ngayon dahil umaga palang. Morning session kami at sila ay Afternoon.

Akala ko siya na eh.. Akala ko siya na yung mapapangasawa ko.. Pero d*mn! Hindi eh! May mahal pala siyang iba!

Nagawa niya akong lokohin ng ganun ganun lang matapos akong magpakapagod ng dalawang taon sa kaniya? F*cking sh*t! Wala siyang konsensya!

'Tsup***'

Napangisi nalang ako na natatawa sa naalala ko. That was my first kiss. At sa stealer pa na yon mapupunta? F*ck! Masyado kong inalagaan ang first kiss ko pero hindi ko akalaing nanakawin niya yon..

I smiled.. Her lips is so smooth..

Napangisi na naman ako sa iniisip ko.

Nandoon ako sa restaurant ng ate ko nung ipinalinis ko yon. Oo, si Josh ang ipinabantay ko dahil sobrang makokonsensya ako kapag may nangyaring masama kay Stealer. Kaya sinabihan kong mabuti si Josh na wag siyang aalis doon hanggat hindi lumalabas si Stealer.

Hindi ko kasi akalain na malilinis niya agad yon. Akala ko aabutin siya ng gabi pero d*mn! Hinde! Ang lupit niya! Hanga ako sa kaniya..

Papasukin ko na sana yung loob non ng makita kong bumahing siya. Masyadong maalikabok doon at baka maging sanhi pa yon ng pagkasakit niya. Kaya nag-alala ako. I dont know but I care..

May plano ako.. *smirk*

Nazi's POV

Mabilis akong dinapuan ng kaba sa nakita ko. Mga lalaking nakasuot na black face mask at marami sila. Nasa labas na kami at malapit narin kami sa kabilang campus pero eto.. May nakasalubong kami. Great! Ang gandang salubong niyan! -,-

Napatingin ako kay Dave ng hawakan niya ako sa wrist at inilagay sa kaniyang likod. Hindi ito nakatingin sakin dahil nakatingin ito sa mga lalaking nakapalibot
sa amin.

"Wag kang bibitaw sakin, Nazi.." sambit ni Dave pero hindi siya nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa mga lalaking nakapalibot sa amin. Ang dami nila.. A-ano bang pakay nila?

"What's wrong mga dude? May party bang magaganap?" pagbibiro ni Lance at itoy nakangisi pa.

I remember one thing... Gangster nga pala sila at siyempre marami silang kaaway.

Ang tanga ko dahil sumama ako sa kanila T-T huhu! Help me!

"Ibigay niyo nalang yung babae sa amin at walang mangyayareng gulo.." usap ng isang lalaki.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. A-ako yun..

Napatingin sa akin sina Josh, Lance at Dave. Kita ko sa mukha nila ang pag-aalala. Mas lalong humigpit ang kapit sakin ni Dave dahilan para mapatingin ako dito.

"Labas siya dito mga pre! Bakit naman sinasama niyo?" sambit ni Dave.

"Dala namin ang ipinag utos ng boss namin at iyon ay kunin namin ang babaeng yan. Swerte nga niya dahil kasama niya kayo.." kita ko ang pagngisi nung lalaking yon kahit siya ay naka mask. Mahahalata mo naman yon sa kaniyang mukha dahil aangat ang cheek non kapag nangisi.

"At sa tingin niyo ba'y ibibigay namin sya sa inyo?" kalmadong sabi ni Josh.

A-ano bang kailangan nila sa akin?

"Alam naman naming hinde kaya nga nandito kami para labanan kayo, hahaahha!!" nagsitawanan silang lahat ng tumawa ang isa.

Psh, mga baliw! Takas mental amputs! -,-

"Think before you say, dude!" maangas na sabi ni Lance kaya nagulat nalang ako ng umabante siya at nagsisugudan sila.

Hindi ko ala m ang gagawin ko pero nakaisip ako ng paraan. May alam nga pala ako sa taekwando bakit hindi ko gamitin?

Bumitaw ako kay Dave na ikinatingin nito, "Dont worry, I can handle myself." ngumiti ako dito.

"Pero- -" hindi ko na siya pinakinggan dahil tumalikod na ako sa kaniya at..

"Hayaaaah!!" sigaw ko at sumabak ng sipa sa mukha ng isang unggoy na to.

Kaya lang naman sila nagmamask dahil pangit mukha nila, diba? Tss..

"Akala niyo bay makukuha niyo ko? No way!" sumipa na naman ako.

Lahat ng lumalapit sa akin ay ginamitan ko ng pagsipa. Umupo ako at doon umikot, dahilan para masipa ko sila sa kanilang mga paa at doon magbagsakan. Nang tumayo ako ay may dadagan sa akin lalaki kaya mabilis akong umiwas at boom! Dakpla sa sahig! Dali mo! Hahahahha!

Isa nalang.. Pinagpag ko ang kamay ko at nagstretch ng braso at ulo. Mukhang magsasaya ako sa isang to ah? Hahahaha!

"Ikaw!!!" sigaw niya at saka sumugod sa akin. Susuntok sana siya na walang kakonsensiya sensya dahil babae ako pero mabilis ko yung naiwasan ng umupo ako at mabilis na tumayo para sikmuraan siya gamit ang tuhod ko.

Napasigaw siya sa sakit, ginamit ko ang siko ko para sikuhin ang batok niya ng yumuko siya dahil nasikmuraan ako. Nang masiko ko na siya ay deretso dapa siya sa sahig.

"Tss.. Easy! Basic! Tsk tsk tsk tsk tsk!" sambit ko na malaki ang ngisi.

Tinignan ko naman sila Dave,Lance, at Josh na nakatitig sa akin. Wala silang kalaban?

"Wtf!" rinig kong sambit ni Josh.

"Hindi ko inasahan yon kay Nazi.." si Lance naman ang nagsalita.

"T*ngina ang galing niya!" sabi ni Dave na nakatingin rin sa akin.

Tulala sila sa.. Akin? Bakit? Hindi sila gumagalaw at dada lang ng dada.

"Woaaaah! Yan si Nazi!! Hahahahah!" sigaw ni Lance.

Lumapit sa akin si Lance na nananakbo. Agad niya akong niyakap at tinapik tapik sa likod.

"I salute you, Nazi.."

When I Kiss A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon