Chapter 2

1.9K 110 9
                                    

The Gangster

Chapter 2

Halos hindi na ako makagalaw sa pwesto ko ng makatayo ako at makipagtitigan sa mga matang nakatitig sa akin ng masama. Tila gusto na akong bugbugin nito sa ginawa ko. 

Waaaaah! Jusko help me! 

"Nazi.. Kilala mo sya?" Tanong ni Dave sa tabi ko. Hindi ko siya binabalingan ng tingin dahil doon lang sa lalaking nakapula ako nakatingin. 

"How dare you?!" Gigil na sabi nito habang papalapit sa akin.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Sa lamig ng boses para akong namamatay. Charot! Pero huhu! Patay na ako! Anong gagawin ko! 'Takbo!' 'Takbo' yan ang mga nakikita ko sa bibig ng mga kaibigan ko na nasa likod. Tumakbo daw ako. Balak ko na nga sana eh. Pero hindi ako makagalaw. Waaaaaah!!

 "What are you doing here, Dave?" Malamig na sabi ng lalaking nakapula kay Dave. Ngayon ay nasa harap ko na ito na nakikipagtitigan parin sa akin. 

Ngayong malapit na siya.. Nakita ko ang mga brown niyang mata. Medyo makapal niyang pilikmata na ikinamangha ko. Dinaig pa ako, mga bess! De charot lang. 

"Why.. Did.. You.. Kiss.. Me?!" Word by word na sabi nito ng may diin. 

Napalunok ako. Ano bang sasabihin ko? Napatingin ako sa mga kaibigan ko na kagaya ko ay nininerbyos din. Kayo kasi ih! Huhu!

 "S-sorry.." 

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ngayong nanakaw mo na ang first kiss ko? Ano?!" Napapikit ako ng sumigaw ito.

 "I-its a.. D-dare.. S-sorry po!" Nakapikit na sabi ko. 

"Don't do this to a girl, dre." Napamulat ako ng magsalita si Dave. 

"How come, Dave. She stole my first kIss!" May diing sambit ng lalaking nakapula kay Dave. Ngayon ay nasa harapan ko na ito at naniningkitang mga matang nakatitig sa akin. 

"H-hindi ko rin naman.. A-ah.. A-ano.. Hindi ko rin naman.. I-instensyon nakawin ang first kiss mo eh! Ako rin naman.. Ako rin naman.. First kiss ko rin yun! Ginawa ko lang yung dare ko kasi kailangan.." Nakatungong sabi ko. 

"Really?" Nakangising sabi niya ng tignan ko. 

Tumango agad ako, "Did you know who I am?" Umiling agad ako. "Well, I'm a leader in a group of a gangster. My name is Dwight Bordeaux." Nakangising sabi nito na ikinanlaki ng mga mata ko.

 "G-gangster ka?!"  

When I Kiss A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon