Shocks...
Kate's POV
"Hanggang ngayon wala parin si Nazi?" kunot noo at nakasimangot na sabi ni Cloe. Nakapalumbaba ito ng dalawang kamay.
Nandito na kasi kami sa room at malapit nang dumating yung next teacher namin. Ang sabi namin kay Nazi na bilisan niya dahil kahapon marami siyang nalaktawan na mga subjects. Mabuti nalang at walang pinapagawang group activity dahil zero talaga score niya, tss.
"Antay antay lan- -" naputol ang sasabihin ko ng magtilian ang mga kaklase ko.
'Kyaaaahhhh!!'
'Bat nandito si Prince Dwight waaaah!!'
'Pinunta niya ko ayiiee!!'Ilan lang sa mga naintindihan kong tilian. Nagtakip nalang ako ng tenga maging sina Thea at Cloe ay gayun din. Nakakabingi kasi sila.
"Quiet!" sigaw ni Prince Dwight kaya naman ang mga linta ay nagsitahimikan, psh.
"Nasan yung teacher?" sabi naman ni Lance.
Nandito silang apat pero nasaan si... Nazi? Hindi bat- -
"Where is that f*cking teacher?!" sigaw ni Prince Dwight na mas lalong ikinatahimik ng lahat.
Nakakatakot talagang sumigaw si Prince Dwight. Pero mas malala pa siya dati nung wala pa si Nazi. Hays.. Bat kaya ganoon ang epekto niya sa kanila noh? *sigh*
"W-wala pa p-po.. P-prince Dwight..." nakatayo at nakatungong sabi ng aming President na babae.
Tumingin si Prince Dwight sa kaniyang relo, "It's late, but why is she still not here?!" iritang sambit na naman niya.
Nasan ba si Nazi at anong ginagawa nila dito? Bakit nila hinahanap yung teacher namin? Anong pakay nila?
"Bakit wala si Nazi? Diba kasama lang nila?" tanong ni Cloe sa amin.
Nagkibit balikat nalang kami dahil miski kami ay hindi rin alam.
"Calm down, dre.. Tara na at- -" naputol ang sinasabi ni Dave ng biglang dumating ang aming teacher na nanlalaki ang mga mata.
Tss, yan kase laging late. Dali mo! Hahahhaha!
"G-g-good.. M-morning .. Po.. S-sir.." nakatungong sabi ng aming guro. May dala dala itong mga papel at netbook sa kaniyang braso. Isama mo narin yung isang libro para sa subject niya.
"Why are you so late?" kalmadong sabi ni Prince Dwight.
"A-ah.. A-ano po.. K-kasi- -"
"Good morning po Ma'am. Pagpasensyahan niyo po muna tong angry bird na to dahil medyo maluwag po ang turnilyo sa ulo kaya ganyan. Gusto lang po kasi nila na i excuse ako dahil may kailangan lang po kaming pag-usapan. Sandali lang naman po ako ih, babalik din po ako agad, hehe!" kumamot sa ulo si Nazi.
Wtf! Anong sabi niya? Angry bird na maluwag ang turnilyo sa ulo? Heck! Ganyan na ba talaga niya ka close sila Prince Dwight?!
"A-ah.. Nazi.. A-anong sinasabi mong angry bird na maluwag.. Ang.. Ano?"
"PFFFT! HAHAHAHAHHA!! HAHAHAHHAHA!!!" tawanan nina Josh, Dave at Lance sa sinabi ni Nazi. Late reaction ha?
"Siguro naman alam mo na kung anong dapat gawen? Sa susunod na mahuli pa kita late,.. Your fired!" saka na ito umalis kaladkad si Nazi.. Na naman?
Natigil rin sa pagtawa ang tatlo ng umalis na sina Prince Dwight. Sumunod na ito na hawak hawak pa ang tyan dahil sa pagtawa.
Pumasok naman si Maam na namumula dahil siguro sa hiya. Pfft! Ang akala ko ay terror teacher siya, pero pagdating ata sa may ari ng school, tiklop siya.. Tss..
Nazi's POV
Napatawa nalang ako ng patago dahil sa nakita kong reaction ni Angry bird sa sinabi ko. Pfft! Hahahaha! Hindi ko rin kasi alam kung bakit nasabi ko yon.
At ang terror teacher na yon.. Nagawa kong makapagsalita? Wow! Nag-iimprove na si ako! Hahahhaa! Palakpakan naman jan! Charot!
So eto na nga.. Nagpunta kami sa.. Saan nga ba to?
"Nasan tayo?" tanong ko habang nakaupo sa sofa.
Ako lang mag-isa dito sa mahabang sofa at sila ay sa tigi tigisa. Pinagtatalunan pa kasi nila kung sino daw katabi ko at sa huli ay hindi na ako pumayag na may tatabi sa akin.
Kabaduy naman ng pinagtatalunan nila, tss..
"We're here at our private room.." si angry bird ang sumagot.
"Ikaw ha! Namumuro ka na! Lagi mo nalang akong kinakaladkad! Akala mo ba hindi masakit sa pulsuhan? Lagi nga akong muntikan matalisod eh!" sigaw ko sa kaniya. Nagtinginan naman sila sa angry bird na to.
Btw. Nakaharap ako sa kanila.. May dalawa kasing sofa sa harap nitong ma habang sofa na inuupuan ko. Sina angry bird ay nakaupo sa isahang sofa at ganun din si Dave na katabi lang nung isang sofa. Si Josh naman ay doon sa gilid na inuupuan ni Angry bird. Yung sa may patungan ng braso? Basta ayun! At ganun din si Lance doon sa upuan ni Dave.
"I dont care." agad na sagot ni angry bird na syang ikinatiim bagang ko at naniningkitang mga matang tumitig sa kaniya.
"Remember you stole my- -" naputol ang sasabihin niya sa walang dahilan.
"What?" tanong ni Josh.
"N-nothing..." nakatungong sabi ni angry bird.
Wait... Ibig bang sabihin na..
"Hindi niyo pa alam na nagkiss kami ni angry bird?!" nanlalaking mga matang tanong ko.
Agad napatunghay si Angry bird at nanlalaki rin ang mga mata nito na tinignan ako.
"ANO?!!" gulat na sabi ng tatlo.
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster
Teen FictionNang dahil sa isang dare nagkagulo na ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkitakita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa isipan ko at iyon ay hindi ko alam kung maibabalik pa ba. Ako... Sila... Kaming lahat... Ay magkakak...