Nang dahil sa isang dare nagkagulo na ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkitakita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa isipan ko at iyon ay hindi ko alam kung maibabalik pa ba.
Ako...
Sila...
Kaming lahat...
Ay magkakak...
"No. Your not done yet." a-ano?! Hindi pa tapos yun?! Anong ibig niyang sabihin? Alila niya?! Kapal!
"Ikaw ha! Namumuro ka na! Alam mo ba kung gaano kahirap maglinis ng isang restaurant ha?!" pagsigaw ko dito. Himala! Hindi na yata ako natakot...
"So?"
"He! Gutom na ako kaya tumabi ka jan!" Hinawi ko siya at nagmadaling maglakad.
"Kanina pa ako hindi kumakain! Ginugulo mo ako! Bwiset ka! Kung sinusubukan mo rin kayang gawin ang mga pahirap mo sakin noh?" Dada ko habang naglalakad. Ewan ko ba kung rinig niya. Bahala siya! Basta tapos na ang kaso ko!
"Bumalik ka dito! Isa!" Sigaw niya. Malayo layo na rin ako sa kaniya pero rinig ko parin sya.
"Bahala ka jan!"sigaw ko rin.
Mabilis akong naglalakad na parang panakbo narin. Nakatungo rin ako kasi ang dumi dumi na ng uniform ko para tumingala pa. Bwiset kasing angry bird na yun!
"Nazi!"
*puk!*
"Ah!" nahimas ko yung ulo ko ng bigla akong mabangga sa isang lalaki na bato ang katawa- - teka bato? Baka naman abs. Ayiiiee! Eh, nazi! Ano kaba?! Bad yan ha!
"S-sorry!" Pagpapaumanhin ko. Teka? Bat kilala ko neto? Hindi ko naman siya kilala tss. Saka pamilyar sya eh. Oo! Sya nga. Isa siya sa kaibigan ni angry bird. Tama! Edi si - -
"Ako nga pala si Lance Dawnson. Nakita mo ba si D wight?" napataas ang isang kilay ko.
"Hanapan ba ako ng mga angry bird? Ah- i mean ng tao?" pagsusungit ko. Hehe! Talagang ganun!
"Eh pero- ikaw lang kasama niya diba? Saka bat ang dungis mo na? Saan ka niya dinala? Kawawa ka naman.." pinagpag niya ang blouse ko at pati narin ang palda ko. Kumuha rin siya ng panyo at ipinunas sa pisngi ko.
"Ayan.. Sinaid ko lang ang dumi haha! Muka ka ng tao, Nazi! ^^" pang aasar nito na kung makangiti ay wala ng bukas. Ang singkit nya ha.
"Pwede naman ako na ang gumawa eh. Nag abala ka pa, tsk. Nandom yung angry- -" naputol ang sinasabi ko ng may biglang humila sa akin papunta sa kaniyang likod.
"Wag mo syang hahawakan! Madumi siya at ayaw mo sa madumi diba?" sabi ni.. Angry bird na hanggang ngayon ay hawak hawak ang pulsuhan ko.
"Haha! Pinunasan ko lang kasi ang dungis na. Yes, ayaw ko sa madumi pero tao siya, dude. Nagpapatawa ka ba?" natatawang sambit ni Lance. Nag-aaway ba sila?
"Tss."
"Aaaah!!" napasigaw nalang ako ng hilahin ulit ako ni Angry bird papasok na sa campus. Sheeems! Kanina pa niya ako hinihila ha! Naiinaman na sya! Dadalhin ko sya sa pugad niya eh para manahimik na! Tss!
"Gutom nako! Pwede ba? Kakain muna ako bago sumabak jan sa ipapagawa mo! Hoy! Angry bird! Maawa ka naman! Gutom na ko- -"
*krrrrruuuuuk*
Napatigil kami ng may biglang nag-ingay ng tunog na iyon. Walang iba lang naman kundi ang tyan ko.
"Oh diba? Gutom na ako. O baka naman gusto mong mamatay ako dito sa gutom?"
"Tss."
"Aaahh!" sigaw ko muli ng hilahin niya ako. Waaaaah! Gutom na talaga ako.
"Can you please shut your f*cking mouth?! Your so irritating!" pag-iingles niya. Psh. Kala mo naman hindi ko siya naintindihan -__-
"Guto- -"
Natigilan ako ng bigla kaming pumasok sa canteen. Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa akin. Ang mga tao naman sa canteen ay nakatingin sa amin- - sa akin lang pala. At ang sasama pa ng tingin. Eh? Baket?
'My gad! Si prince Dwight may new girl na!' 'Diba may nililigawan siya sa kabilang campus?' 'Yah, pero mukhang mapapalitan na-' 'Hindi pwede dahil mahal niya yun!' 'Oo nga, kaya yung girl ang may kasalanan nito!' 'Mang-aagaw siya!'
Aww.. Ako ba yon? Pinaparinggan nila ako.. T-T
"2 meal for us. Yung inoorder ko lagi." walang ganang sabi ni angry bird. Uy! 2 meal for US daw? Awiiiee! Meron akong pagkain! Awwee wee weee! Pero wag kang magpakasaya, Nazi dahil merong mga matang nakatingin sayo ng masasama. Hays! Ano na naman bang ginawa ko?!
Bakit kasi ayaw akong bitawan ng angry bird na to?!
"Pwede mo na siguro akong bitawan?"
"Ayoko. Tatakas ka lang eh."
"Aba! Tatakas? Ako? Eh ililibre mo nga ako eh, ano? Choosy pako? Tignan mo oh! Pinagbubulungan nako dahil kapit kapi mo daw ako!" nakanguso kong sabi.
"Fine- - make sure na hindi ka tatakas!"
"Yes, angry bird."
"Angry bird?! Anong sabi mo stealer?!"
"H-ha? W-wala! Hehe!"
"Tss."
Si LANCE DAWNSON me'bisprin! Charot!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.