Chapter 10

1.6K 81 4
                                    

Saw the pain

Chapter 10

~Kkok kkok kkok kkok sumeora...~

Ugh! Sino ba yon?! Tawag ng tawag eh inaantok pa nga ako, psh. Ringtone ko kasi yun. Favorite korean song ko pati iyon kaya yun nalang ang iniringtone ko hahahha!

"Hello! Sino ba to at ang aga agang nang iistorbo?!" nakapikit ko pang sabi. Hindi ko na tinignan kung sino ito dahil tinatamad pa akong imulat ang aking mga mata.

(Hoy, stealer! Umayos ka nga! Para kang tanga, ha. Tandaan mo hindi pa tapos yung kaso mo sakin!) agad napamulat yung mga mata ko sa narinig ko.

"Angry bird? Ikaw ba yan?" tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko ang 'Unknown number'

"Paano mo nalaman number k- -" natigil ako sa pagtatanong biglang magring ulit ang phone ko at pagtingin ko ay may nagtext naman. Nabasa ko na nung nasa taas palang.

'From Cloe: Hi, Nazi. Udmowning hihi! Nga pala, kinuha sakin ni Prince Dwight no. Mo.'

The heck! Siya naman pala nagbigay -__-

(Oh, bakit ka natitigilan ja- -?)

"Ano ba kasing kailangan mo?!" Inip na sabi ko.

(A-ah.. A-ahmm- -)

"Ano?! May Pautal utal ka pang nalalaman jan. Ayaw pang sabihin! Iniistorbo mo ang maganda kong panaginip! Hays!" dabog ko.

Pumikit na ulit ako para matulog kahit nasa tenga ko pa ang cellphone..

(A-ano kasi.. Medyo.. Ah..)

"Zzzzz..."

(Ahmmm.. Stealer.. Ganito kasi,.. Magiging..)

"......."

(You'll be my girlfriend from now.)

"......"

(Hello? Hello, stealer? Hoy stealer!)

"......"

(F*ck! Bat moko tinulugan?!)

-End Call-

Dwight's POV (uy kay dwight na ayiiiiee! Hahhaha!)

[Eto muna yung nangyari kay Dwight kahapon.. Nung uwian na.]

Pinuntahan ko si Ella sa kabilang campus nang nananakbo lang ako. Araw araw ko siyang binibista dito. Oo, nasa kabilang campus pa siya kaya hingal na hingal akong nakarating dito.

Kilala na ako ng guard kaya ngingiti nalang ito kung darating ako. Kung hindi niya gagawin yon at titingin pa sya ng masama, baka patalsikin ko sya dito! Oo, kayako yon! Tss.

Malapit na ako sa room niya ng may biglang sumalubong sa aking mga babaeng hindi maiwasang hindi magsitilian. Tss. Nakakabingi sila, tsk!

"Ahhmm.. Excuse for Ella Mae Perez." sabi ko sa mga kaklase ni Ella. Walang teacher ngayon kaya bumisita ako. Uwian na samin pero dito may klase pa. Pero recess lang kaya madalas kong naabutang walang teacher at sabay kaming magrerecess ni Ella.

I'm so f*cking inlove with her! I don't know how, but I can feel. Hmm.. Mag wa-1 year ko narin siyang nililigawan pero hindi niya parin ako sinasagot dahil kailangan daw pagkagraduate niya. Sumang ayon naman ako. No problem.

"Ah.. Hihi! P-prince Dwight.. Hihi! W-wala.. Pfft! Wala si Ella dito. Hihi!" kinikilig na sabi ng isang babae sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Ha?" magkasalubong na mga kilay na sagot ko.

"Meron po kasing sumundong isang lalaki sa kaniya. Kinikilig pa nga po siya eh. Diba po nililigawan niyo sya? Nagtaka nga po kami nang may biglang ibang lalaki ang sumundo sa kaniya at sumama siya. Hindi po namin alam kung saan sila nagpunta." sunod sunod na sabi ng isang babae. Hindi na siya nautal dahil ito lagi ang tinatanong ko. Bigla lang sumabat ang isang babaeng yon na kinikilig pa, tss.

Pero- - wtf!

"Ano?! Sige sige.. Salamat." tinapik ko siya sa balikat niya at mabilis na nanakbo.

Mabilis akong nakababa ng building at agad na nagtungo sa canteen. Recess ngayon at baka doon sila naandoon. T*ngina! Baket?!

Pinasok ko ang canteen at nagpalinga linga. Wala sila dito. Nasaan sila?!

F*ck, Ella! Bakit moto ginagawa?!

Tinakbo ko ang mahabang corridor papuntang court, pero ng makarating ako ay wala. Napaisip ako. Baka sa garden. Oo! Sa garden.

Nanakbo ulit ako papunta doon at- -

"Hihi! Ano ba! Nakikiliti ako! Hahahaha!" -Ella.

"Please, don't.. Im gentle.." sambit ng lalaki.

Namuo bigla ang kamao ko at biglang namuo ang galit ko. Natigilan kasi ako ng makita ko silang naghahalikan sa puno.

Pareha silang nakatayo at si Ella ay nakasandal sa puno yung lalaki naman ang humahalik sa leeg at sa... Lips.

F*ck!!!

Kalmado akong naglakad papalapit sa kanila. Pero hindi parin sila tumitigil dahil abalang abala sila sa paghahalikan. Naniningkit ang mga mata ko na tinititigan sila. Malapit na ako.. Konti nalang.

"Hayop ka!!" hiniklat ko ang polo ng lalaki at saka ko ito buong pwersang inupakan. Napahiga ito sa lakas ng suntok ko. Hindi pa ako nakontento.

Kinuwelyuhan ko siya at saka nanggigigil na inupakan sa kaliwa niyang pisngi.

"Dwight! Dwight tama na!!" pag aawat ni Ella pero hindi ko siya pinansin.

Binuhat ko yung lalaki habang kapit ko sa sa kaniyang polo. Inihagis ko siya at dumaing ng bumagsak. Dumura ito ng dugo. Tinadyakan ko siya ng tinadyakan sa gigil ko.

"Dwight tamana! Ano ba!!!" napatigil ako ng sumigaw si Ella. Naniningkitan ko itong tinignan.

"What the f*ck are you? Ha?! For how many months I court tapos ito ang isasagot mo sa akin? F*ck!" natatawa kong sabi pero hindi mapagkakailang galit ako.

"Hindi ko lang masabi sayo na hindi kita mahal dahil ikaw ang may ari ng school mo. Natatakot ako na baka magwala ka at ipa kick out mo ako. Natatakot ako na baka kung anong gawin mo sa akin kung hindi kita masasagot!"

Napangisi ako at natawa, "What the heck?"

"Kaya tama na.. Please.. Lubayan mo na ako at ng boyfriend ko." tumungo siya.

"I'm tired.. I'm tired for all those I do for you! Dapat ay sinabi mo nalang ng maaga para hindi ko nakayo naabutang naglalampungan dito! Nandidiri ako sayo! Akala ko pa man din marunong kang magpahalaga sa pagkatao mo! Pero hindi.. Nagkamali ako! Magsama kayo! Mga walangh*ya kayo! I don't f*cking see your face!" nanggigigil na saad ko.

'Boyfriend? Wtf! Kailan pa?! *smirk*' saad ko sa isipan ko at napangisi nalang na parang natatawa tss.

Niloloko lang pala ako ng babaeng pinagpapaguran ko araw araw! P*t*ngina lang talaga eh noh? F*ck it! D*mn it! D*mn this f*cking sh*t!

[End ng nangyari kay Dwight kahapon]

Pagpapanggapin kong girlfriend si stealer para mapagselos ko ang hayop na yon!  

When I Kiss A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon