CHAPTER 2: Him

25K 622 4
                                    

JILL'S P.O.V

Pagka-uwian ay dumiretso na agad ako sa café. Nagmamadali akong sumakay dahil ilang minuto na lang malelate na ako. Iyong prof ko kasi sa last subject hindi kaagad kami pinakawalan. Pagkababa sa sinasakyang jeep ay tinakbo ko na patungo sa cafe. Pagpasok ko bumati agad sa akin ang mga katrabaho ko na busy sa kani-kanilang mga gawain. Tiningnan ko ang orasan ko at two minutes na lang ay late na nga ako. Nag-attendance muna ako bago nagpalit ng damit.

"Jill andyan ka na pala. Tulungan mo kami dito kasi napakarami nating costumer." tinanguan ko lang siya at dali-dali kong nilagay ang mga gamit ko sa locker at nagbihis.

"How's school?" Mich asked while placing the tray on the counter.

"Ayos lang naman. Maliban na lang do'n sa prof na hindi agad kami pinauwi. Sarap niya murahin." naiinis na ani ko.

"Ganyan talaga ang mga 'yan minsan," I grab the tray with the orders on it. "Come on. Marami pang costumer ang naghihintay." I followed her outside.

Tiningnan ko kung anong table ko iseserve ang order. Hinanap ko ito at nilapitan. "Sir, here's your order." nag-angat siya ng tingin.

Kumalabog ng malakas ang aking dibdib nang magtama ang aming mga mata. Ang kanyang magagandang mga mata, ang matangos niyang ilong at ang labi niyang kay pula. Napalunok ako dahil sa pamilyar niyang mukha na nakakahatak ng maraming kababaihan. I would never forget his face even if tried to. I've had many sleepless nights because that face would always hunt me in my dreams.

Nanginginig ang mga kamay na ibinaba ko sa mesa ang kanyang order. "Thanks miss."

Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. I mustered all my strength kahit na nangangatog ang mga tuhod ko.

"Teka! You look familiar." hindi ako huminto at nagpatuloy sa paglakad. "Saan ko ba siya nakita?" tanong nito sa sarili na narinig ko.

Pumasok ako sa kitchen at nakita ko doon si Chef Jhon na napatingin sa akin dahil sa bigla kong pagpasok.

"Ba't ka nandito? Diba dapat andun ka sa labas at tumutulong?"

"Ah, nagkamali lang po ako ng kwarto na napasukan. Segi po, labas na po ako."

Pumasok na lang ako sa comfort room. Kinalma ko ang aking sarili dahil parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng pagkabog nito. Bakit siya nandito? Sa pagkakaalam ko na sa US siya. O baka guni-guni ko lang iyong nakita ko. Baka rin kamukha lang niya iyong lalaking nandoon.

Siguro guni-guni ko lang iyon dahil sa biglaang pagtanong ni CJ kagabi tungkol sa ama niya. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis.
Napalingon ako sa may pinto nung may pumasok na dalawang babae.

"Girl ang gwapo nung fafabels! Ihhh!" tili nung isang babae na sa sobrang kapal ng make up na nagmukha nang clown.

"Oo nga girl. Dapat siguro magpunta tayo dito palagi." napailing na lang ako sa inasal nila.

Pagkatapos kong mapakalma ang aking sarili ay lumabas na ako sa cr. Kung siya man iyon at hindi ko lang imahinasyon, sana... sana hindi niya ako namukhaan. Kung sakali man- hindi pa ako handa sa maaaring mangyari.
Ipinagpatuloy ko ang trabaho habang iniiwasan siya at mabuti nalang hindi na rin niya ako pinansin.

Tinatanaw ko siya ngayon na may kausap na lalaki. Namukhaan ko ang kausap niya. 'Yung amo namin. Mukhang ang seryoso ng pinag-usapan nila.

"Sino ba yang tinitingnan mo?" iniwas ko ang tingin sa kanila.

"Wala." sagot ko at tinalikuran siya.

"Wala raw." inirapan niya ako.

Minsan napakachismosa niya talaga. Kadalasan na nagiging biktima ng pangchichismis niya ay iyong mga costumer namin. Iyong mga sawi sa pag-ibig at kung ano-ano pang isyu sa buhay. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumulong na lang ulit ako sa kanila.

My Baby's Father is a Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon