JILL'S P.O.V
Nakatitig lamang ako sa mga numero na umiilaw ng pula sa tuwing lumalagpas ang elevator sa bawat floor ng building. Huminga ako nga malalim bago lumabas pagkabukas ng elevator door.
Pagkalabas ko sa private elevator ay bigla akong nilapitan ng dalawang malalaking tao. Pareho silang nakasuot ng suit at may ear transmitter na nakakabit sa kanilang tenga."Ikaw ba si Jill Villareal?" tanong nung isa pagkalapit saakin. My forehead creased when they suddenly approached me.
"Oo. Bakit? Ano ang kailangan niyo saakin?" nagtatakang tanong ko.
Ano naman ang kailangan nila saakin at bigla nila akong nilapitan? Wala naman akong natatandaan na may atraso ako sa mga lalaking ito.
"Kailangan mong sumama saamin. Kakausapin ka ni madaam." kumunot muli ang noo ko dahil hindi ko naman kilala ang tinutukoy nila.
Malalaki silang tao at halata ang kanilang nakakatakot na aura ngunit hindi ako nagpatinag.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo kaya aalis na ako." napapailing na tinalikuran ko sila pero bago pa man ako makahakbang ay dinakma agad nung isang lalaki ang braso ko.
I winch in pain. His grip is very tight. What's they're problem? I doubt they're Pxmir's men or another enemies' underling.
"Kailangan mong sumama saamin." aangal pa sana ako ngunit kinaladkad agad nila ako.
Nagpupumiglas ako at binabalewala ang sakit nang pagkahigpit ng pagkakahawak nila sa mga braso ko.
Nakalabas na kami ng building at patuloy parin nila akong kinakaladkad patungo sa maitim na sasakyan na nakaparada sa harap ng building. Huminto kami sa harap ng kotse at akmang sisikmurahin ko ang dalawang lalaki nang bumaba ang bintana ng itim na sasakyan.
Madilim sa loob ng sasakyan kaya nahirapan akong makita ang tao sa loob.
Nang tuluyan nang bumaba ang bintana ay nagulat ako nang masilayan ko ang mukha ng ina ni Tyrone. Seryoso itong nakatingin saakin at walang bahid na anong emosyon ang kanyang mukha."Ipasok niyo siya dito sa loob." umusbong ang kaba sa aking dibdib dahil sa paraan ng pagbigkas niya sa bawat salita.
Hinila nila ako papalapit sa kabilang pinto ng sasakyan. Binuksan ng isa sa kanila ang pinto at tiningnan ako na para bang sinasabing 'pumasok ako, kung hindi ay makakatikim ako mula sa kanila' kaya hindi na ako pumalag at pumasok nalang. Hindi ako takot sa kanila ngunit ayaw ko na ng marami pang satsat.
Pagkaupo ko sa loob ng sasakyan ay agad nilang sinara ang pinto mula sa labas. Nagdadalawang isip pa ako kung lilingunin ko ba ang ina ni Tyrone. Pero hindi ko nalang tinuloy ang balak. Lumipas ang ilang sandali nang sa wakas ay binasag na niya ang katahimikan sa pagitan namin.
"I don't want to beat around the bush. Hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi kita kilala kaya hindi ko alam kung malinis ba ang intensyon mo kay Tyrone." napayuko ako dahil sa sinabi niya.
"Naiintindihan ko po kayo. Alam ko pong isa lamang akong estranghero para sainyo na biglang sumulpot sa buhay ng inyong anak. Pero matitiyak ko po sainyo na wala po akong masamang hangarin sa inyong anak. Gusto ko lamang ipakilala ang aking anak sa kanyang ama." nakatuon lamang ang aking mga mata sa aking mga daliri na nasa ibabaw ng aking binti.
Huminga siya ng malalim at marahang hinawakan ang aking kamay na kanina ko pa tinitigan. Ako ay napagitla sa biglang paghawak niya sa aking kamay.
"Iha,look at me." nabawasan ang kabang kanina ko pa nararamdaman dahil sa biglang pagbago ng tono ng kanyang boses.
Naguluhan ako dahil sa pagbago ng kanyang kilos. Nawala bigla ang kanyang pagiging malamig at mataray. Nag-aalangan pa akong mag-angat ng tingin at tingnan siya sa mata. Ngunit sa huli ay nagawa ko parin.
BINABASA MO ANG
My Baby's Father is a Mafia Boss
ActionJill Villareal was a kind of woman who would only think about herself ever since her parents died. She only have herself to worry about and she didn't need anyone in her life. She's alone and lonely but she don't mind. Jill don't want to drag other...