CHAPTER 5: Stranded

20.6K 543 14
                                    

JILL'S P.O.V

Napaigtad ako nang biglang kumidlat sa labas at napatakip sa tenga.
Isa sa mga kinakatakutan ko ay ang kulog at kidlat. Hindi ko alam kung bakit pero, ayaw na ayaw ko talaga sa mga kidlat lalo na 'pag ako lang mag-isa natatakot ako.

Bahagya akong napahiyaw dahil sa lakas ng kulog.

"Shhh... Calm down. I'm here so no need to be afraid." pagpakalma saakin ni Tyrone sabay hagod sa likuran ko. Medyo kumalma na ako pero nakatakip parin ang mga kamay ko sa tenga.

Nang timigil na sa pagkidlat ay nakahinga ako ng malalim pero sya namang bumagsak ang napakalakas na ulan.Napalingon ako kay Tyrone na may pag-aalala.

"Paano na 'yan. Makaka-uwi ka pa kaya? Baka mapa'nu ka sa daan." nag-aalala kong tugon sa kanya.

"I've been facing so many risk for
many times so this is not new to me."
Sabi niya habang nakatingin sa labas saka hinigop ang kape na tinimpla ko.

Mas lalo pang lumakas ang ulan. Sinara ko ang bintana at nakita kung bumabaha na naman sa labas.
Napabuntong hininga ako at tiningnan si Tyrone na umiinom ng kape.

"Sa tingin ko, dumito ka muna kasi bumabaha sa labas. Bukas ka nalang sa umaga umalis." hindi ako napipilitan na sabihin iyon kasi nag-aalala talaga ako sakanya at baka mapanu pa siya sa daan.

Tinitigan muna niya ako bago sumagot.

"Are you sure?" nag-aalangang tanong niya.

"Oo at anung gusto mong gawin ko? Hahayaan kitang magdrive habang umuulan at kung may mangyari sayong masama sa daan. Konsensya ko pa." I rolled my eyes.

"Mapilit ka eh. Edi segi."

"Mom...." napalingon ako kay CJ na kakalabas lang sa kwarto habang kinukusot-kusot pa ang mata.

"Baby, what is it? Gusto mo balik tayo tulog? Hmm?..." malambing na tanong ko sa kanya habang nilalapitan siya.

Lumuhod ako sa harapan niya at binuhat ko siya at nagtungo sa lamesa saka umupo. Inupo ko naman si CJ sa kandungan ko.

"Mom, tabi po tayo tulog." sabi niya habang humihikab.

Napalingon siya sa gawi ni Tyrone at kumunot ang noo. Nagpababa siya saakin saka lumapit dito.
Hinawakan niya si Tyrone sa laylayan ng T-shirt nito.

"You are the Mr. I.dont.know.your.name who help us a few hours ago, am i right?" bahagyang umawang ang bibig ni Tyrone saka siya tumango.

"Why? Is there any problem little kiddo?" CJ shrugged at lumingon saakin.

"Mom can we sleep beside him?" he turned to him again.

"Mr. Whoever.you.are can you sleep beside us just this time. Pleeeaaseee...
I never experienced na may daddy na katabi matulog kaya pleeeeaassseee. *puppy eyes*" napanganga naman ako sa sinaad niya.

For pete's sake! Sabi ko lang pwede siyang magstay dito, pero ang matulog ng magkatabi!?
Godness Gracious!
Aangal na sana ako pero nang makita ko ang nagmamakaawang mukha ni CJ ay napatikom nalang ako.

"I-if it's okay to your mom." may pag-aalinlangang sabi niya habang nakatingin saakin.

Wala sa sirili ay napatango ako.

"I-it's o-okay for me." nag-aalangang tugon ko.

Kinuha ko ang tasa kay Tyrone at hinugasan ito. Napalingon ako sa gawi nila Tyrone at nakita kong buhat-buhat niya si CJ. Kinuha ko si CJ mula sa kanya at pumasok sa kwarto.
Inihiga ko si CJ sa kama.

My Baby's Father is a Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon