Chapter 19: Admit

14.7K 374 20
                                    

JILL'S P.O.V

"Do you really trust that man?" he asked.

"Nararamdaman ko na mapagkakatiwalaan siya. I can feel it."

Totoo ang sinabi ko. Sa pagkakita ko palang sa kanya naramdaman ko agad na hindi siya masamang tao. I encountered the Laelaps twice pero nung panahon nayun wala pa siguro siya sa grupo nun. Malakas sila at halatang  professionally trained.

"*sigh* I hope hindi mali ang pakiramdam mo. Ayoko na may magt-traydor na naman mula sa grupo natin." bumalatay sa kanyang mukha ang pag-alala but i only answered him with an assurring smile.

"Babalik na'ko sa loob at ako nalang magsabi kay Leah tungkol sa sinabi mo. Ikaw? Di ka pa ba papasok? Malamig dito." sabi niya at nagsimula nang maglakad papunta sa loob.

"Mamaya pa siguro ako papasok." nang nawala na siya sa akong paningin ay ipinagpatuloy ko nalang ang panunuod sa mga bituin sa langit.

They are beautiful. I always love to stare at the sky during night because of the twinkling stars. I love god's work of art. Nakakarelax silang panuorin at minsan iniisip ko na naging bituin ang parents ko at binabantayan lang nila kaya hindi dapat ako matakot.

Napalingon ako bigla sa aking likuran nang may biglang tumikhim.

"Hindi ka parin nagsasawa sa kakatitig jan? Baka matunaw sayang naman." si uncle lang pala.

"Gurang hindi yan matutunaw for your information. Hindi yan mga ice cream, okay?" pakikisabay ko sa biro niya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

Dumaan ang katahimikan at para bang sinamahan niya akong magstar seeing. Malamig simoy ng hangin pero baliwa lang yun saakin at sa halip ay mas nag eenjoy pa ako. Pero bigla ko na namang naalala ang anak ko. I miss him. Nakatulog kaya siya ng maayos ngayon? Knowing na hinahanap niya ako palagi sa pagtulog. Nasasaktan ako, para sa aking sarili at sa anak ko. Nahanapan naman siguro ni Tyrone iyon ng paraan.

Tyrone...

The name that can make my heart beat not in it's normal pace. Pero nanuot bigla ang dibdib ko pagkaalala sa mukha ng babae na kasama niya. Aaminin ko, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil m-mahal ko siya.

I breath deeply. Now that I completely admit it to myself. Mas masakit. Dahil alam ko na hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko dahil may mahal siyang iba. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang unrequited love.

'Mahirap pala ang ganito.' i bitterly smiled to myself. I never thought na aabot sa punto na mahulog ako sa kanya.

"Iha." mahinang sambit ni Uncle sa aking pangalan.

"Po?" i asked.

"I heard what happened between you and Leah. Sinabi niya saakin but don't get her wrong kasi ako mismo ang nagtanong sakanya tungkol doon. It is because I noticed the gap between the two of you. So I ask her dahil alam ko na hindi ka naman magsasalita at dahil may makulit powers ako. Wala siyang nagawa kundi ang sabihin saakin ang lahat." mahabang paliwanag niya.

"Aahhh..." sabi ko nalang at napatango-tango. Pero natawa ako sa part nang sinabi niyang may makulit powers daw siya. Hirap talaga magka-uncle na baliw at isip bata.

"You know, walang mawawala sa'yo kung susubukan mong magpatawad at lalong-lalo na hindi ka matsutsugi kapag papatawarin mo siya. Anong klaseng pormalin ba kasi ang itinurok sayo at ganyan ka kamanhid? Kita mo na ngang sising-sisi na yung tao." panenermon niya saakin.

It's good to feel na maynanenermon na ulit sa'yo pagkalipas ng maraming taon. Pero naisip ko, sino ba ang pamangkin niya? Ako o si Five? Parang mas kinakampihan pa niya si Five eh.

My Baby's Father is a Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon