JILL'S P.O.V
Magkasabay kaming lumabas ni Belle sa campus habang pinag-uusapan ang mga projects na kailangan naming ipasa bago matapos ang buwan na 'to. Namo-mroblema siya sa project na kailangan niyang ipresent na ibinigay ng prof niya sa isang subject.
"Nakakainis rin eh! Waahh!!! Jill my dear, please help me! Jebalyo." tapos na papacute pa siya sa harap ko.
"Naadik ka na sa koreans na 'yan. Bago ka mag-aral mag korean, mag-aral ka muna ng tagalog. Eh hindi ka nga marunong magsulat ng baybayin eh." sita ko sa kanya.
Narinig ko itong parang may binubulong habang nakasimangot. Tinawanan ko lang siya dahil sa inasal niya. She bid her goodbye and head to the opposite way. She informed awhile ago that she applied as a waitress in a small restaurant. Luckily she got a job with a night shift.
Sumakay ako ng bus para puntahan ang anak ko. Ilang minuto lang ang naging byahe dahil walang traffic. Pagbaba ko sa bus ay lumapit ako sa mga gaurd na nakabantay sa gate ng village. Ito talaga ang pinakaayaw ko dahil kailangan ko pang lakarin ang entrance ng village hanggang sa masyon nila Tyrone.
Napakalayo pa naman ng agwat ng bawat bahay dito tapos ang mansyon nila Tyrone ay nasa pinakadulo.Pinapasok ako ng mga gwardiya dahil nagkaroon na ako ng access dito simula noong nakaraang araw. Sisimulan ko na sana ang paglalakad nang may sasakyang biglang huminto sa harap ko. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni maam pagkabukas ng bintana ng kotse.
"Sumabay ka na sa akin. Susunduin natin si CJ." nakangiting sabi nito pagkatapos ay binuksan ang pinto ng sasakyan.
Pumasok ako at tumabi sa kanya sa backseat. Binati ko siya pati narin ang driver. Kinausap ako ni maam tungkol sa wedding ng kaibigan niya at nagpasalamat narin.
"Is there anything I can give you as an exchange sa pagtulong mo, ija?"
"Wala po. Ang gusto ko lang ay ang kaligtasan ni CJ."
Pagkarating namin sa paaralan ni CJ ay kasama na niya ang kanyang yaya sa labas ng school. Binuksan ko ang pinto pero bago pa man ako makalabas sa kotse ay mayroong van na biglang pumarada sa harap ng sasakyan. Tatlong armado at nakaitim na lalake ang nagsibabaan. Nahigit ko ang aking hininga pagkakitang lumapit sila sa pwesto na kinatayuan nila CJ.
Dali-dali akong lumabas at tumakbo papunta sa pwesto nila, pero mayroong dalawang panibagong lalake ang sumulpot at hinarangan ako. Sumulyap ako kay CJ at nakita kung paano siya hinila ng mga lalakeng nakaitim mula sa kanyang yaya. Sinuntok ng isa sa kanila ang tiyan ng yaya ni CJ. Madali kong pinatumba ang isang lalakeng nakaharang sa daraanan ko. Umatras ako ng kaunti bago sumipa gamit lahat ng pwersa sa tiyan ng isa pang lalakeng akma akong sasapakin.
"Mommy!!!" narinig ko ang malakas na pagsigaw ng anak ko.
Nang muli akong lumingon sa pwesto ni CJ ay nakita kong bitbit na siya ng mga ito at ipinasok sa sasakyan. Umandar ang sasakyan kaya natatarantang tumakbo ako papunta rito. Naramdaman kong may sumunod sa akin pero hindi ko ito pinansin. Binuhos ko ang lahat ng aking lakas para maabotan ang van na dumukot kay CJ pero unti-unti na itong lumalayo sa paningin ko. Sinulyapan ko ang plate number ng van at sinaulo bago pa ito tuluyang lumayo sa paningin ko.
Naghahabol-hiningang napasalampak ako sa kalsada.
"H-ha.. Haa.. Maam, ayos ka lang?" tanong sa akin ng driver nang makahabol na ito.
"A-ang anak ko." mahina kong usal bago ako nagsimulang umiyak.
Humahagulhol ako nang malakas at walang pakialam sa paligid, kahit pinagtinginan na ako ng mga taong dumadaan. This is what I feared the most. This is also my fault, because I let my gaurd down. I expected too much on the Frost's ability of protecting him. I am such an awefull mother.
BINABASA MO ANG
My Baby's Father is a Mafia Boss
ActionJill Villareal was a kind of woman who would only think about herself ever since her parents died. She only have herself to worry about and she didn't need anyone in her life. She's alone and lonely but she don't mind. Jill don't want to drag other...