JILL'S P.O.V
Everyone was busy on their own tasks inside the mansion and almost all are very occupied. A big event is happening today that we are going to celebrate. Lahat ng mga tauhan ni Luke ay may ginagawa. May mga bago ring kawani ang dumating upang tumulong sa magiging malaking okasyon na magaganap mamayang gabi.
Mamayang gabi ipagdidiriwang ang ika-dalawampu't tatlong kaarawan ng kambal. Kaya lahat ng tao sa mansion ay may sari-sariling ginagawa. Mayroon kasing mga bisitang dadating na kakilala ni Luke at Leah sa larangan ng negosyo. May-ari rin kasi ang kambal ng isang kilalang kompanya at si Leah ay isa sa mga board members na may malaking share sa kompanya. Namana nila iyon sa kanilang mga magulang at iyon ay minamanage ngayon ni Luke.
I am not surprised that the event would turn really pretentious. It is inevitable when you're in the business world.
Gusto ko rin sanang dalhin dito si CJ pero sinama raw siya ng kanyang lolo sa Cebu at bukas pa ang uwi nila. Hindi na kami palaging nagkakasama ng anak ko simula noong napunta siya sa poder ni Tyrone. The thought saddened me, but what can I do. Ipinagkait ko siya sa kanyang ama pati narin sa lolo at lola niya ng limang taon.
Ngumiti ako ng mapait at pinagmasdan ang mga abalang tao sa baba mula sa teresa ng aking silid. Hinahanda na nila ngayon ang lawn kung saan gaganapin ang party nina Luke at Leah. Halatang magarbo ang magiging pagdiriwang dahil sa mga palamuti na nabagay sa tema ng party. Tumulong ako sa kusina kanina ngunit sinita lamang ako ng mga katulong at ng mga nakatuka sa kusina. Pero hindi ako nagpapigil dahil lubos akong naiinip dahil wala akong ginagawa. Lalo't wala akong pasok ngayon kaya sa huli ay hinayaan na lamang nila ako. Nang natapos na naming lutuin ang mga main dishes ay umalis na ako roon at pinabayaan na sila na lamang ang magluto sa iba pang putahe dahil madali na lamang ang mga iyon. Tumaas ako sa aking silid at napagdesisyunang maligo dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako. Kaya heto ako ngayon at nakamasid sa mga abalang tao sa ibaba dahil kakatapos ko lang maligo at nakapagbihis narin ako ng komportableng damit.
Bumaba ako nang makita ang sasakyan ni uncle na kakarating lang. Hindi ko alam kung saan na naman ang isang iyon naglakwatsa. Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ang palagi niyang pag-alis sa mansyon at hindi man lang ito nagsabi kung saan ito pupunta.
Nang tuluyan na akong makababa ay nadatnan ko siya sa kusina ng mansyon at tumitikim ng mga pagkain. O tumitikim nga lang ba. Ang dami na kasing sinusubo. Sumandal ako sa bungad ng kusina at pinagcross ang aking mga braso. Pinaningkitan ko siya ng mata at pinanood siya. Makukonsimisyon ako sa isang to. Panlabas na anyo lang ang tumanda pero ang isip nanatili paring isip bata. Kulang nalang maisipan ko nang ipasok to sa mental.
Nagsalubong ang kilay ko nang nagpasubo siya kay aling Marta na tagaluto dito sa mansyon. Biyuda na siya at walang anak. Ngumiti-ngiti pa siya dito sabay kindat. Si alling Marta naman ay talagang namula ang buong mukha. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o mandiri. Nang hindi ko makaya ang kalandian nila sa harapan ko ay agad akong tumikhim.
Sabay silang napalingon sa gawi ko. Nanlaki ang mata nilang dalawa.
"Pamangkin! Kanina ka pa riyan?" bulalas nito nang makita ako. Hindi ko siya sinagot at tumingin sa kanyang tabi.
Nakayuko si aling Marta at para bang nahihiyang salubungin ang aking mga mata. Pilit nitong tinatago ang mukha na patuloy parin ang pamumula dahil sa hiya.
Bumaling ako sa pwesto ni uncle at ngumiti sa kanya ng may bahid ng panunukso. Tumalikod ako at mabagal na naglakad paalis.
"Buti pa yung iba, may love life. Samantalang ako, kawawa. Single habang buhay." paparinig ko.
"Pamangkin!" naiinis na sigaw ni uncle. Anumang oras ay handa na niya akong batukan, pero buti na lamang ay nakalayo na ako. Tamatawang muli akong tumaas sa aking silid. Nagtatakang tiningnan ako ng mga katulong na aking nadaraanan dahil sa pagsigaw ni uncle mula sa kusina. Ngumiti lamang ako sa kanila at nagpatuloy sa pag-akyat. Nakasalubong ko si Luke at agad akong huminto.
BINABASA MO ANG
My Baby's Father is a Mafia Boss
ActieJill Villareal was a kind of woman who would only think about herself ever since her parents died. She only have herself to worry about and she didn't need anyone in her life. She's alone and lonely but she don't mind. Jill don't want to drag other...