Chapter 36: Another Letter

9.9K 264 5
                                    

JILL'S P.O.V

"Ma'am, I think this will suit the bride. Based on your descriptions, this one will suit her better than the other designs. What do you think?" I said while eyeing the designs placed on the table.

"I like your suggestion. I am thinking the same but contemplating because I still need someones opinion. Ate, we'll go with this. The others are also extravagant. Infact whoever wear your designs will look ten times better."

Napagawi ang tingin ko sa kapatid ni ma'am at may pag-alinlangang ngumiti nang makita siyang sa akin nakatingin. Muntik nang tumabingi ang ngiti ko sa mga titig niya. Inalis niya ang tingin sa akin at bumaling kay ma'am.

"Allright, but no need for your complement because I am confident with my ability. When I'm done, I'll personally send this to your home." tumayo siya at kinulekta ang mga designs na nakalapag. Ibinalik niya ito sa folder na kinalalagyan ng mga ito pero hindi isinali ang design na napili namin. Sa ibang lalagyan niya ito inilagay.

Nagpaalam na si ma'am sa kanyang kapatid na aalis na kami. Tinanguan siya nito at tumayo upang ihatid kami palabas ng pinto. “Mag-iingat kayo sa daan. Hanggang dito ko nalang kayo ihahatid. Marami pa kasi akong trabaho.” humingi ito ng paumanhin at bago kami nito talikuran ay tumingin muna ito sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam din. "Bye ma'am Lucy. Until next time."

"Ba-bye po grandma Lucy!" nakingiting paalam ng anak ko. Kumakaway-kaway pa ito bilang pamamaalam.

"Bye-bye rin sayo apo! I'll visit you next time okay? I'll bring you a gift. Ano ba ang gusto mo?" umupo ito sa harap ni CJ.

"Hmmm... Cookies po."

"Allright, I'll remember that." she ruffled my sons hair. Lumingon ito sa mesang kinaupuan ng kanyang sekretarya. "Ihatid mo sila pababa." utos nito.

Nang marating namin ang sasakyan ni ma'am ay muli na naman kaming bumyahe. Sunod naming pinuntahan ay ang florist para sa mga bulaklak sa wedding. Hindi masyadong malayo ang shop na pinuntahan namin dahil inabot lamang ng sampong minuto ang byahe.

Tumingin tingin din ako sa mga bulaklak at paminsan minsan ay tinatanong ni maam ang opinyon ko. Maraming klase ng mga bulaklak akong nakita kaya mahirap pumili. Sa huli ay pink rose ang napili namin. As for the bouquet, pink rose siya na napapalibutan ng puting mga bulaklak.

Nang matapos ay inasikaso narin namin ang iba. Sa foods ay madali lang namin natapos dahil kabisado ni ma'am ang gusto ng bride. Pero sa invitations kami natagalan dahil kahit hindi ganoon kadami ang invited, sobrang layo naman ng kanilang mga tinitirhan. Ang iba ay nasa overseas at pinadala nalang daw niya ito, sabi ni ma'am.

Gabi na nang matapos namin ang pagbigay sa mga invitations kaya nang pauwi na kami sa mansyon ay bagsak na bagsak na si CJ. Nakakalong siya sa akin habang nakasandig sa dibdib ko. Sinusuklay ko ang kanyang buhok tulad ng nakagawian nang napagawi ang tingin ko sa labas ng bintana.

Nahigit ko ang aking hininga nang may nakita akong lalaking nakamotorsiklo at may hawak na baril. Nakasentro ang baril sa gawi ko. Awtomatikong hinarang ko ang aking sarili sa bintana para protektahan si CJ nang makitang pinihit niya ang trigger. Pero sa halip ay may narinig lamang akong isang malakas na pagsabog sa may bintana. Lumingon ako dito at napansin ang maliit na gasgas sa bintana. Hinanap ng mga mata ko ang lalaking nakamotorsiklo at napansing walana ito.

"Oh my... What was that for? Manong bilis bilisan mo ang pag maneho! Baka maabotan tayo nun!" naghehestirikal na utos ni ma'am sa driver.

"Huwag po kayong mag-alala ma'am. Umalis na po iyon pagkatira nung bala."

My Baby's Father is a Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon