JILL'S P.O.V
Naghihintay ako sa waiting area ng school ni CJ. Mayroon din akong kasamang mga parents at yayas sa waiting area. I checked my watch and it's already 3:55 pm. Five minutes before sila papalabasin.
While waiting, I entertained myself in playing games on my phone. I flinched when little hands suddenly sneak from behind. I turn around and saw CJ with his school bag. Ang ibang mga bata ay nagsilabasan na rin sa gate ng paaralan at masayang tumakbo sa kani-kanilang mga magulang.
Nakatingala siya sa akin at halatang masaya na makita ako. “Hello mommy.” Napangiti ako at dali-dali kong isinilid ang celphone sa bulsa.
Agad ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. I missed him kahit walong oras lang naman kaming nagkahiwalay.
“How's my little boy? Did you behave? Hmm?..” I noticed ang pag-alinlangan siyang ngumiti, “Why do I smell trouble? Can my baby tell me what actually happened?”
“Mommy, it was not actually a fight and I didn't hurt anyone,” sabi niya habang nakayuko at umiling-iling.
“CJ, you're not answering my question. Tell mommy kung bakit ka napaaway? And I'm not asking if you hurt someone because mommy knows you too well,” I said in a warning tone.
“I-it's b-because my classmate was teasing me about me not having a father. So I told him that daddy is just far away, working, for my future but he won't believe me and keeps on teasing me until dumating po si teacher,” pangatwiran niya habang pinipilit na pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala.
I hugged him closer to me at tuluyan na siyang umiyak. Napakagat ako sa ibaba kong labi. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking puso nang marinig ang mumunti niyang nga hikbi. Nasasaktan rin ako dahil nasasaktan siya. Masakit isipin na umiiyak ang anak mo at wala ka namang magagawa para rito.
“Baby,don't listen to them. It's okay, as long as you know the truth there' no need to be affected.” tumango-tango naman siya.
Totoo nga ba? I suddenly felt guilty because alam ko sa sarili ko na walang katotohanan ang lahat. Pinahiran ko ang luha niya gamit ang panyo ko.
“Mabuti pa, hmm... Punta tayo ng EK, gusto mo? Wala namang work si mommy ngayon kasi day-off ko.” Napatigil naman siya sa pag-iyak at tiignan ako habang kumikinang-kinang ang mga mata.
"Really?" Tumango ako at sinukbit ang kanyang maliit na bag.
Tumungo na ako sa sakayan at pumara ng jeep habang karga siya.
....
“Pagod na ang baby ko? Gusto mo uwi na tayo?” Tumango siya habang humihikab at pumikit.
Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Halatang pagod na talaga ito dahil sa mga pinaggagawa namin kanina. I chuckled silently. Kani-kanina lang ay ang hyper niya. Halos natry na nga namin lahat ng rides sa araw na'ato kaya ito ngayon drain na drain. Madilim na rin ang paligid at kumain na kami sa isang fast food restaurant.
Tumayo ako mula sa pagkaupo at binuhat siya. Medyo malayo pa ang sakayan mula rito kasi nasa isang plaza kami nakatambay. Gusto raw kasi niyang makipaglaro sa ibang mga bata. Habang naglalakad ako ay bahagyang kumilos si CJ.
"Bakit baby?" tanong ko sa kanya.
"Mom, put me down. I want to walk." Napailing na lang ako at ibinaba siya.
Hinawakan ko siya sa kamay upang makasigurado na hindi siya mawawala. Kailangan pa naming tahakin ang daan kung saan walang masyadong tao para makapunta sa sakayan.
Habang naglalakad ay nabigla ako nang may biglang yumakap sa amin sa likuran at dinala kami sa madilim na bahagi. Pilit akong kumawala pero masyado siyang malakas at nung akma akong sisigaw ay tinakpan naman niya agad ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
My Baby's Father is a Mafia Boss
AksiJill Villareal was a kind of woman who would only think about herself ever since her parents died. She only have herself to worry about and she didn't need anyone in her life. She's alone and lonely but she don't mind. Jill don't want to drag other...