Chapter 3: Mansion

1.6K 60 4
                                    

Brent's POV

"I'm Nanne Gavilanes" pagpapakilala niya. Gwapo ah.

"I'm Jazer Estropia tas yan si Brent Alvarez. You can come along with us" saad ni Jazer at inabutan ng bag si Nanne para punuin din ng pagkain.

"What's with the bag?" tanong naman saamin ni Nanne. I explained to him kung anong nangyayari. Ang lakas din ng tama neto eh. Sa lahat ng gulong nangyari, nakuha niya pang matulog?

"If that's the case. I need to find my sister!" nag-aalala niyang sabi.

"Sino ba yung kapatid mo?" tanong ko sakanya.

"Kein Gavilanes" he answered at biglang nagsalita si Jazer.

"Ah! Kapatid mo pala yon? Kaya pala hawig kayo." sabi ni Jazer. I mentally rolled my eyes. Magkapatid nga eh.

"Yeah. You know her?" tanong ni Nanne at naglakad na kami palabas ng cafeteria with careful steps.

"Yep. Naging kaklase ko siya dati. She's really cold. Di ako pinapansin" nakasimangot na sabi ni Jazer which made Nanne chuckled.

"That's her personality. But she's really nice, to me I guess" he laughed.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong niya.

"Parking lot, doon kasi kami magkikita ng mga kaibigan namin." I answered at tumango naman siya. Walang zombies banda dito kasi nasa likod ito ng EU at may gate na nakaharang. We need to jump over some fence bago pa kami makapasok dito sa parking lot na 'to.

"I hope I can find my sister" he said and we tried to encourage him.

Habang papalapit na kami sa sasakyan para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at napangiti knowing that they're safe when we noticed Zafrina and Daniela na paparating na rin. Sakto lang.

Kumaway ako sakanila and they saw me and gave me a thumbs up. They got curious kung sino ang kasama namin.

Napataas naman ang kilay ko when we saw them with someone new. Hindi lang isa, dalawa pa.

"Noona!/ Nanne!" tumakbo si Nanne papunta dun sa babae at niyakap siya nang mahigpit. Noona? Isn't that a korean term for ate?

Nakalapit na kami kina Zafrina at Daniela at yung isang babae na nakasalamin.

"Brent si Genevieve Heartorn nga pala. Parehas naming hinahanap yung formula sa lab. She claims to know how to reverse the formula" sabi ni Zafrina at tinanguan ko naman si Genevieve. Yeah I know her. Siya lagi yung nananalo sa mga quiz bee at academic competitions. No wonder she can help us. She's a genius. Isa siya sa mga top students dito sa Empire University. Nagiging apprentice din siya ng mga scientist at professors.

"Genevieve tulungan mo nga ako dito" utos ni Jazer na parang close agad sila ni Genevieve na napailing na lang pero tinulungan din si Jazer.

"Paano niyo nakilala yan?" tanong ko kay Zafrina na katabi ko at nginuso si Kein, naglalagay kami ng gamit sa trunk ng kotse niya.

"We bumped into her nung tumatakbo kami kasi hinahabol kami ng zombies." Saad ni Zafrina at sinara na ang trunk.

"Yeah. She was making hanap of her brother kase. Good thing that kasama niyo yung brother niya" dagdag naman ni Daniela na biglang sumulpot sa gilid namin.

"Zafrina ang handsome niya shet!" mahinang tili ni Daniela habang inaalog ang balikat ni Zafrina. They were glancing at Nanne.

Zafrina chuckled at napatango naman siya dahil hindi niya makakaila na gwapo talaga yung binata.

Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon