Zafrina's POV
Napatingin ako kay Brent ng bigla niya akong tapikin. He was mouthing unreadable words kaya napabuntong hininga ako at tinanggal ko ang earphones ko para marinig ang sasabihin niya.
"May gagawin ako today" nakangiti niyang sabi at tinaasan ko lamang ito ng kilay.
"Pakialam ko?" tanong ko sakanya which made him frown.
"You're suppose to be supporting me!" angal niya habang inalog alog ang balikat ko pero hinamapas ko ang kamay nito.
About our theory yesterday napag-isipan naming isantabi muna iyon dahil wala naman kaming evidence. We're still observing things.
"Moral support. Meron naman" I shrugged at muling sinalaksak ang earphones ko at magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa ko ng libro ngunit kinuha niya ito at tinapon kung saan man kasabay ng paghila niya ng earphones ko.
Did he just...
"Puta ano ba?! Suntukan na lang oh?!" galit kong sabi sakanya at inis na tumayo para sana balian siya ng buto ng itinaas niya ang palad niya signing me to stop at doon ko lang na realize na napapatingin saamin ang ibang napapadaan. Si Brent kasi eh! He knows how much I treasure my books and earphones!
"Hep! Babae ka. Babae. Kalma girl" saad niya saakin kaya napapikit ako ng mata and took a deep breath para pakalmahin ang sarili ko.
"Yeah. Babae ako." pagsang-ayon ko at nagflip pa ng hair para dama ko na kailangan ko ng lady like attitudes.
"Anyways. Girl aamin na ko kay Gray. Desidido na ko!" kinikilig na sabi saakin ni Brent na halos mangisay na.
Agad naman napataas ang kilay ko at napangiti.
"At bakit mo naman napag-isipan yan?" Taas kilay kong tanong pero pinipigilan ko ang pagtawa ko.
"Ito kasi oh! Lookie look!" kinikilig niyang sabi as he fished out his phone from his pocket at may pinakita saking picture which made me burst out of laugher.
"Paano mo siya napilit gawin yan? AHAHAHA! Mukha kayong mga nene" Tawa ko at napahawak ako sa tagiliran ko ng bigla itong sumakit. Lux was even sleeping behind them in the picture.
Napapoker face si Brent at mahinang binatukan ako.
"Ang cute kaya namin!" angal niya kaya mas lalo akong natawa.
"Hmp! Bahala ka nga dyan!" nagtatampo niyang sabi kaya pilit kong kinakalma ang aking sarili para hindi tumawa.
"pfft. O-okay na AHAHA--Hmm. Okay na talaga ako. Ano ba plano mo? Pfft" nahihirapan kong sabi sabay akbay kay Brent na ngayon ay nakangiti na ng malapad.
"Watch and learn" nakangiti niyang sabi at nagflip siya ng imaginary hair niya.
Napakunot naman ang noo ko at naiiling na napasandal nang may inilabas itong rosas. Pfft. Oh God.
BINABASA MO ANG
Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]
Science-Fiction[HR: #11 in Science Fiction ✨] It started as a joke, but ended in an apocalypse. Papanindigan niyo ba ang kalokohan ng mga kaibigan niyo? Can you risk everything for something that's only formulated? I Melted The Demon's Heart SPIN OFF! A/N: You do...