Chapter 7: Ideas

1.2K 55 4
                                    

Zafrina's POV

"Ang dami niyong nadadampot na tao eh no? Ay yung iba di pala tao—aray!" angal ni Jazer nang pingutin siya ni Dani kasi habang sinasabi yung 'iba di pala tao' ay masamang nakatingin siya kay Lance.

Nandito kami ngayon lahat sa parking lot. Tama ang calculations ni Genevieve na it's either siya mauna dumating or si Nanne. Si Nanne ang naunang dumating since nag-solve pa yung dalawa ng mga equations. Sira ulo talaga.

"Wait let me see if kabisado ko na pangalan niyo. So you're Gray Arevalo" turo ni Brent sa lalaking nakasandal lang sa kotse habang nakapamulsa na katabi si Lux na mukhang kasundo niya na agad. He nodded. Nakita kong parang namula ng kaunti si Brent at parehas namin nakita yon ni Daniela at sabay kaming napangisi bago umiwas ng tingin.

"You're Lance del Firo" turo naman ni Brent kay Lance na katabi si Daniela at ngumiti naman siya saamin ng matamis causing his eyes to vanish. He's cute. Nagpeace sign pa ito saamin kaya natawa ako ng bahagya.

"And you're Axum Rivero" saad naman ni Brent at tinuro si Axum na nakatabi na rin sina Gray, Jazer at Lux. Umirap lamang ito. Bipolar talaga. He's another brain in the group. Halatang matalino rin.

"Right! So kami naman" sabi ni Lance habang nakangiti.

"You're Brent Alvarez, she's Daniela Maxwell and you're Kein Gavilanes" saad ni Gray at nag-thumbs up naman si Dani showing Gray that he was right.

"You're Genevieve Heartorn and Jazer Estropia, and Nanne Gavilanes" saad naman ni Lance at tumango si Genevieve habang nakangiti habang umismid naman si Jazer na mukhang ayaw talaga kay Lance.

"He's Lux Zalor and you're Zafrina Chua" saad naman ni Axum at tumango ako.

"So isang dozen tayo" sabi ni Daniela with an amused look. Ang dami pala namin.

"So ano na plano natin?" tanong naman ni Axum.

Lahat kami napatingin kay Lux na tahimik lang nakapamulsa at nakamasid sa lugar. Mukhang napansin niyang nakatitig kami kaya lumingon ito habang nakakunot ang noo.

"What the fuck are y'all staring at?" 

"Ano na plano natin?" tanong pa ni Lance.

"Eh kung mag-isip ka rin kaya—aray! Ano ba?! Nakakadalawa ka na ah!" inis na sabi ni Jazer kay Daniela na kinurot naman siya.

"Hotel" malamig na sabi ni Kein na katabi ko kaya napatingin kami rito.

"Kayong magpinsan di uso gumamit ng sentences eh no?" sarcastic kong sabi kay Kein na sinamaan ako ng tingin habang inirapan naman ako ni Lux.

Inakbayan ako ni Nanne habang natatawa.

"I think noona meant that we should first check in a hotel. The raid lasted longer than we expected, it's quarter to 4 already." nakangiting saad ni Nanne saamin.

"Hotel? May apocalypse na at lahat-lahat maghohotel pa tayo? Gaguhan?" di maintindihan na saad ni Brent. He has a point.

"It's better than barging in someone's house." saad ni Gray at nagkibit balikat.

"Free hotel!" excited na saad ni Jazer.

Nakangisi naman si Kein dahil mukhang iyon nga ang ipinupunto niya. Aish. Lalakas ng topak.

"Galing galing talaga ng my love ko! Do you want me to give you a kiss dahil very good ka?" parang bata na saad ni Dashel habang nakayakap kay Kein mula sa likod habang nakasampa siya sa hood ng sasakyan niya and Kein was forcefully leaning against him.

"I'm already letting you hug me. Don't ask for your early death" malamig na saad ni Kein kaya narinig namin napa "aww" si Dashel like a little disappointed kid.

Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon