Chapter 10: Pier

1K 47 2
                                    

Brent's POV

Nakarating na kami sa pier at andaming mga bangka at yachts na nakaparada sa daungan.

We parked our cars at pagkalabas ay sumalubong agad saamin ang simoy ng dagat. We scanned the whole place trying to find any signs of the undead pero thankfully wala naman kaming nakita. There are a few pero napakalayo naman nila saamin.

"Saan nakaparada yung yacht mo Gray? I wanna see!" excited na sabi ni Dashel who reminded me of a kid wanting to open his Christmas present.

"Follow me" sabi ni Gray at sumunod naman kami.

"Hoy! Kelan pa ko naging alalay mo?! Sabi mo pahawak lang, di mo na kinuha!" inis na sabi ni Jazer habang buhat buhat ang gamit ni Daniela.

"Ang heavy kasi. Kaya mo na yan. You're strong naman right?" nanunuksong sabi ni Daniela na mukhang walang balak buhatin ang gamit niya.

"Maghanap ka ng alalay mo conyo" nakairap na sabi ni Jazer at binaba lahat ng gamit ni Daniela sa lupa at nagsimula ng maglakad. Like a boss.

"You're so nakakairita talaga!" inis na sabi ni Daniela at pupulutin niya na sana ang mga bag niya pero may nauna na rito.

"Looks like my damsel is in distress again. Don't worry, I'll carry them for you" nakangiting saad ni Lance at kinindatan si Daniela na mabilis naman nagblush.

Oh God, please no. 

"T-talaga?" paninigurado ni Daniela

"Yeah, I don't mind" simpleng sagot ni Lance with a shrug and gave Daniela a small smile.

"Oh uhm thank you" nahihiyang sabi ni Daniela. Napairap na lamang ako. Ito talagang babaeng to' weakness mga gwapo eh.

Mukhang napansin ni Jazer sina Lance at Daniela. Shit away to'. Please lang naman Jazer, for once let it slide. Ako yung naririndi sa mga away nila. So childish. 

"Tsk. Pabibo" bulong niya sa sarili niya at mas binilisan ang lakad para makasabay kina Gray, Lux at Axum na nangunguna. Woah, himala. Nagkatotoo ata yung hinihiling ko.

Gosh, ang lalandi talaga ng mga nasa paligid ko. Buti pa ko. Tuluran niyo ako.

"Ouch!" bigla kong sabi nang may biglang nagpatong ng bag sa ulo ko.

"Oops" Hindi sincere na sabi ni Zafrina na 'accidentally' na binato yung bag niya saakin. Ang tamad talaga neto. Babatukan ko na sana siya pero agad itong lumayo at nauna na rin maglakad kasama sina Jazer.

Gosh!

"I can't believe this" inis kong saad at nahihirapang in-adjust ang bag ni Zafrina para mabuhat ko ito ng maayos.

Tsk! Pasalamat talaga yung babaeng yon at mabait ako, kung hindi itatapon ko talaga sa dagat yung gamit niya.

Napatingin ako nang may tumapik sa balikat ko, pagtingin ko si Kein pala. I think that was a sign of encouragement. Ngumiti na lamang ako sakanya as a thank you pero agad nawala ang ngiti sa labi ko nang magpatong din siya ng bag niya saakin making me carry her bag as well. I saw her smirk bago nauna na ring naglakad. 

Nakakaloka sila!

Napapikit ako ng mariin to contain my aggravation. 

"Inhale. Exhale." sabi ko sa sarili ko para kumalma. It's okay Brent, dagdag points sa heaven to'. Mabait ka at hindi mo pinag-iisipang kalbuhin ang dalawang babaeng yon. Yeah. That's it. Mabait ako.

Napailing na lang ako at inayos ko na rin ang pagkabuhat sa bag ni Kein. Tatlong bag tuloy dala ko with an extra bag kung nasan yung ibang science apparatus na kinuha nila. Damn, bait ko talaga.

Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon