Chapter 27: Batanes

927 47 1
                                    

Lance's POV

"Explain. Now" seryosong sabi saakin ni Kein pagkatapos namin makapasok sa study room. Sina Dashel, Daniela at Genevieve ang naiwan sa labas at tinutulungan pa nila si Genevieve para makarecover ng maayos. I'm glad she's finally back. They will inform her about Nanne. She deserves to know.

"Magsasalita ka o magsasalita ka?" pagbabanta saakin ni Jazer kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay sa ere lalo na nung itinapat saakin ni Axum yung laptop niya showing me the series of footage of me being the traitor.

"Okay I admit, ako yung traydor" saad ko. There's no use in lying. Time to tell the truth.

"How about telling us something that we don't know? Sounds fun?" sarcastic na saad saakin ni Zafrina and offered me a fake smile bago ako tinaasan ng kilay. Napabuntong hininga na lamang ako. Ang sungit niya talaga.

Dapat naman niya akong sungitan eh.

"Lagi kong minamali yung mga chemicals tuwing tulog na kayo or masyadong busy, para hindi niyo maitama yung formula. Ako yung nagtapon nung mga baril at flashlights sa dagat para mahirapan kayo sa pagpatay nung zombie. Sinadya kong i-lock yung pinto nung tumakbo ako palabas. Lagi ko kayong prinoprovoke. At kaya lang naman naging successful ang formula niyo ngayon at napagaling si Genevieve dahil napagdesisyunan kong wag ng mangialam at tigilan na ang pagiging taydor ko" saad ko sakanila na nakikinig naman saakin.

"How about Nanne's death?" sobrang lamig na tanong saakin ni Kein at naramdaman kong tumaas lahat ng balahibo ko.

"And the zombie that was in the basement bago pa mahawa si Gen?" dagdag pa ni Axum while raising an eyebrow at me.

Pero napakunot agad ang noo ko.

"Sinasabi niyo ba na kasalanan ko yon?" medyo naiirita kong tanong.

"Nasabi na nga diba?" pambabara naman ni Brent kaya napabuntong hininga ako.

"No. Kahit traydor ako, hindi ko kayang patayin si Nanne at ipahamak si Genevieve. They've been really nice to me at hindi nila deserve yon. Kaya nga hinayaan kong matapos niyo na ang formula para gumaling na si Gen at makabawi ako para kay Nanne. Narealize ko na mali lahat ng perspective ko" sabi ko naman at nandoon ang lungkot sa boses ko. Tanga din kasi ako. Selfish ako sa totoo lang. Kaya ko sigurong nagawang itraydor sila, but I'm ready to make it up to them and make things right.

"Then what's with your stupid stunt in the first place?" tanong naman ni Lux tila naguluhan.

"Oo nga, bakit ka ba nagtra-traydor ha? Edi sana ang tagal na natin natapos yung formula!" inis na sumbat ni Brent saakin.

"Kasi ang isip ko noon, kapag natapos niyo yung formula magiging greedy na kayo. Biruin niyo? A bunch of teens manage to make a cure para sa apocalypse na to'? Malamang mag-aaway away lang kayo dahil sa credits na makukuha. Isa pa, pagdating natin sa Batanes, anong mangyayari saatin kapag nalaman nila yung dahilan kung paano nagsimula yung apocalypse? Lahat tayo madadamay." Nag-aalala kong sabi sakanila.

It's true though. Hindi ko alam kung ano na mangyayari saamin kapag dumating na kami sa Batanes.

"Wag mo kasing pangunahan" inis na sabi ni Jazer saakin kasabay ng isang batok kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Pero yung inis ko kay Jazer, yon totoo yon. This guy just won't let me live in peace.

"We're not that immature para pag-awayan kung kanino mapupunta yung credits. We all helped, kahit ikaw may natulong ka. We're fucking adults" saad saakin ni Axum.

"I know. That's why I'm apologizing. Narealize ko na lahat. I'm sorry." guilty kong sabi habang nakayuko.

"Wait. Last question. Bakit lagi ko kayong nakikita ni Gray na nagkakatinginan tsaka parang may hidden agenda kayo?" biglang tanong naman ni Zafrina kaya lahat sila napatingin kay Gray na kanina pa tahimik.

Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon