Chapter 30: Formula

1.1K 44 0
                                    

A/N: Last chapter. Please vote and comment. Epilogue is next. Thanks for reading!

Third Person's POV

"Ang galing talaga ng mga batang iyon ano? They managed to create a reverse formula" manghang sabi ng isang scientist.

"Yes. Kakaiba. May mararating ang mga batang iyan" pagtango ng isang doctor.

They were currently inside a tent kung saan ginawa nilang laboratory. May isang zombie na nakalagay sa isang kulungan ngayon.

"Start the test. Para malaman natin kung effective ba talaga" sabi ng isang doctor at iyon nga ang ginawa nila.

They ran a few test bago nila nilagay sa isang syringe ang formula.

Rinig nila ang ungol at tunog ng chains na pilit hinihila nung zombie. Nakakadena kasi ang zombie para siguradong ligtas silang lahat. Dahil kapag nakawala ito, siguradong di mo na matatawag na safe zone ang Batanes.

"Here you go doc" saad ng isang scientist at inabot kay Dr. Stan Jimenez ang syringe. Nagpasalamat na lamang ito bago lumapit sa zombie na pilit siyang gustong sakmalin pero dahil sa chains hindi makagalaw nang malaya ang zombie.

Tinusok niya na ang syringe sa leeg nung zombie as he pushed the device para pumasok ang formula sa loob ng katawan. Medyo nahirapan siya dahil malikot ang ulo nito tila napapaso sa formula na kakatusok lang.

He retreated his hands along with the now empty syringe as they all observed what would happen to the zombie.

The groaning sound got louder at parang isang sinasapian na nilalang ang zombie ngunit napansin nila ang unti-unting pagbago ng maputlang kulay nung zombie. Unti-unting nawala ang mga visible na ugat sa balat ng zombie and the pupil of his eyes started to get more visible. He's slowly turning back to his original form.

It's working...

And with one final blood curdling scream of the zombie ay nanghihina itong napaupo habang hinahabol ang hininga.

"W-where am I?" nanghihinang tanong nung zombie na ngayon ay isang tao na muli.

"Oh my God..." manghang sabi nila at agad nilang tinulungan ang lalaki na makawala sa chains at ipinaupo muna. They ran a few test para siguraduhin wala na itong side effects and hindi na muli ito babalik sa pagiging zombie.

It worked. It actually worked.

Hindi pa rin makapaniwala ang mga doctor at scientist dahil buong akala nila ay papalpak at sayang lang sa oras itong formula na binigay nung mga teenagers sakanila. Katunayan hindi na sila teenagers dahil nasa 20 na sila. They underestimated them. Talagang nakagawa nga sila ng reverse formula on their own.

"We have a cure!" they were all happy except for a few souls dahil hindi nila matanggap na natalo sila ng mga bata.

"Call the president! We have a cure!" tuwang tuwa na sabi ng isang doctor ngunit may tumutol.

"Ano naman sasabihin natin sa buong mundo?" saad ng isa na halatang ayaw ipaalam sa president and to the rest of the world's population.

"Na may cure na tayo! Obviously. Para maipagaling na natin ang mga nainfect!" sabi nung scientist.

"What I mean is, sasabihin natin may cure na pero hindi tayo ang nakagawa? The world is counting on us dahil tayo ang pinakamagagaling na doctor at scientist sa buong mundo. Then what? Malalaman nila that a bunch of teens that doesn't even have the right knowledge, made the formula? Kahihiyan yon saatin!" saad nung isang scientist na halatang naiinsulto dahil sila na may sapat na pinag-aralan ay wala man lang nagawa about sa formula.

Natahimik naman silang lahat.

"He's right. Mapapahiya ang pangalan natin sa buong mundo" pagsang-ayon naman ng ibang doctor at scientist.

"Pero pinaghirapan ito ng mga bata! They deserve the credits" paglalaban naman ng isang babaeng doctor.

"Eh tayo? Ilang panahon natin pinaghirapan para makagawa ng cure then suddenly these kids shows up na naunahan pa tayo." saad naman ng isa.

They started realizing na, mapapahiya nga sila sa buong mundo. At kapag nangyari yon maaring humina ang credibility nila bilang isang doctor o scientist.

Sisikat sa buong mundo ang mga bata na iyon at masasapawan sila.

"Hindi maaring sila ang lumabas na creators ng formula" desidido na sabi ng isang doctor.

"Then what are we supposed to do? Aangal ang mga batang iyan once the news is out at malalaman nilang nagsinungaling tayo" sabi ng isa pang scientist na nag-aalala.

"Wala namang aangal kung wala sila diba?" nakangising tanong ng isang doctor na ikinatigil nila.

"W-what do you mean?" tanong ng scientist.

"Kill the kids" seryosong sabi ni Dr. Stan Jimenez.

Other's eyes widen in shock habang ang iba naman ay mukhang inaasahan na iyong sagot na iyon at sang-ayon pa sila.

"But sir! These kids don't deserve to be killed! Sila na nga ang nakabuo ng formula, sila pa ang mamatay?!" hindi makapaniwalang tanong ng isang doctor.

"We have no choice. Tayo ang mapapahamak sa dulo kapag nalaman ng buong mundo na sila ang nakagawa at hindi tayo" seryosong sabi ng isang doctor.

"Mga hayop! Makakagawa kayo ng ganyang klaseng katarantaduhan para lang sa reputasyon niyo?! We're talking about lives here!" gigil na saad ng isang scientist.

Agad nahati sa dalawang party ang mga doctor at scientist. Yung mga sang-ayon at di sang-ayon sa plano.

"Hindi makatao itong plano niyo!" saad ng isang doctor

"Nagsalita na si Dr. Jimenez at majority ang sumang-ayon sa plano!" pilit ng isang scientist.

"Kapag di kayo sumang-ayon kayo rin ang mapapahamak. These kids are the only one in the way. Kapag nalaman ng buong mundo na nakahanap tayo ng cure we'll be more famous, rich and most of all. Respected" saad ni Dr. Stan Jimenez na ikinatahimik ng lahat.

Isang malaking temptasyon para sakanila iyon, at nangyari na nga ang ikinatatakutan.

"Deal. Let's kill the kids"

Power and greediness took over them. Hindi nila hahayaang mapahiya sila at ang mga bata ang makakuha ng rewards na dapat ay para sakanila. Ang mga mabubuting loob kanina na tumatanggi pa sa plano, ngayon ay pumayag na.

Papatayin nila ang mga bata at ipapalabas nila na sila ang nakabuo ng formula. Tutal alam na nila ang mga components ng formula at kung paano ito gawin.

Wala naman kasing magsusumbong o aangal kung patay na. Easy silence. They are willing to do bad things for reputation and supremacy.

"Those kids better enjoy their last moments alive. It won't be long till they inahale their last breath." nakangising sabi ni Dr. Stan Jimenez.

Isasagawa na nila ang plano. Then soon everything will fall on the right places. Mas lalong yayaman at sisikat sila sa buong mundo.

They'll be treated as gods dahil nakahanap sila ng cure over this crazy apocalypse, and that's exactly what they want.

Walang kaalam-alam naman ang mga binata at dalaga na nakabuo ng formula na darating na ang oras nila dahil sa mga scientist at doctor na ito.

They may have survived the apocalypse, but they'll die in the hands of the greedy.

Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon