Epilogue

1.5K 50 19
                                    

Zafrina's POV

"Nasan si Lux?" tanong ko kay Dashel. Ngayon ko lang napansin na kanina pa siya nawawala eh. I wonder where that asshole went.

"Di ko alam eh. Si love din di ko makita. Gusto niya ata maglaro ng hide and seek" kamot ulong sabi ni Dashel habang nakapout tila namimiss na si Kein.

Nawawala rin si Kein?

"Zafrina have you seen Axum and Daniela?" curious na tanong ni Genevieve saakin. What the...

"Hindi. Nawawala rin ba?" tanong ko sakanya. Saan naman nagsipunta ang mga siraulong yon?

"Oo eh. Kanina pang umaga nung paggising pa lang natin" nag-aalalang sabi ni Genevieve kaya napakunot ang noo ko. Seriously?

"Hoy Gray! Asan yung iba?" tanong ko kay Gray na napadaan sa gawi namin.

"Hindi ko pa nga nakikita eh. Si Lance, Jazer at Brent nakita ko kanina kasama sina Elijah at Randylle." Saad niya saamin.

Saang sulok naman nagtago yung mga ugok na yon.

"Hayaan na lang muna natin. Baka nag-ikot ikot lang sila dito" sabi ni Genevieve kaya tumango na lamang ako. Yeah, let's not jump into conclusions.

Parang ayaw pang pumayag ni Dashel dahil mukhang nag-aalinlangan ito pero tinapik ko siya sa balikat and gave him an encouraging smile. Alam niyo naman ang sensitive nito.

"Ok lang yan. Lilitaw din mamaya yung mga gagong yon" sabi ko kaya nginitian ako ni Dashel at tumango.

"Zafrina! Genevieve! Tara dito" tawag saamin nila Jaira na kasama sina Valerie at Romae.

Lumapit na lang kami doon ni Genevieve at tinanggal ko muna ang earphones ko at nagpalipas na lang muna kami ng oras. Wala pang update saamin tungkol sa formula.  Everything was oddly silent.

Mabilis lumipas ang oras at gabi na ngunit hindi pa rin namin nakikita kung nasaan sina Daniela, Kein, Axum at Lux. I'm starting to have that same bad feeling. Sumasama nanaman ang kutob ko. Something's wrong.

Pumunta muna kaming lahat sa cafeteria para kumain ng dinner. Nang makaupo na kaming natitira sa grupo ay agad nagsalita ang iba.

"Asan na ba kasi yung conyo na yun? Pati si Brent di ko na rin makita. Kanina kasama ko pa yun eh" naiinis at naguguluhan na tanong saamin ni Jazer na kakadating lang sa pwesto namin.

"What?! Pati si Brent?!" di makapaniwalang tanong ni Genevieve.

"Saan ba kasi pumunta yung mga yon? Wala namang masyadong malilibutan dito dahil bantay sarado tayo." nagtatakang tanong ni Lance na halatang nag-aalala na rin.

"It's been hours. Ni-anino nila di natin nakita" saad ni Gray na napamasahe naman sa sentido niya.

"I'm really worried. Asan na sina love? I miss her" lukot mukha na sabi sa amin ni Dashel.

"It's pass seven already. May curfew tayo ng eight." saad ni Genevieve with worry dripping in her voice.

"Something is definitely wrong." naiiling kong sabi na ikinitango naman nila. Ang tanong, ano yung mali?

After naming kumain ay lahat kami pinabalik na sa sarili naming tent dahil magc-curfew na.

We all did our night routines at nahiga na and waited for dream land to take over. Nakatulog na ang iba ngunit gising na gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako kung nasaan na yung iba.

Napatingin ako sa maliit na siwang ng labasan namin at nakikita ko ang mga ilaw sa labas ngunit wala ng tao dahil lahat nasa tent na nila. Pinasadahan ko naman ng tingin ang mga kaibigan kong mahihimbing na natutulog.

Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon