Zafrina's POV
Lahat kami nasa third deck lang at tahimik. Wala si Kein, nagkulong sa kwarto niya. We understand, it must have been really hard for her.
Lahat kami wala sa sarili.
She lost it a while ago. Nawala yung cold facade niya and we saw her soft side for Nanne. It was such a heart breaking scene for all of us.
I still can't wrap my head around the fact that Nanne is gone. Of all people, siya ang pinakahuling inaasahan ko na mawawala. He doesn't deserve to die like that, that kid has a good heart more than anyone of us in this fucking yacht. Kung sa totoo lang eh mas karapat dapat siyang mabuhay kesa saamin.
Hindi na kami nakabalik sa pagtulog. Syempre. After all that? Mukhang hindi na kami makakatulog.
"I should've not let him drive" biglang sabi ni Lux na mukhang malalim ang iniisip.
"Come on man, it's not your fault" sabi ni Gray at tinapik sa balikat si Lux.
"Wag mong sisihin sarili mo" saad ni Jazer.
Si Daniela tahimik lang at namumugto pa rin ang mga mata.
"What do we do with Nanne?" tanong ni Axum at napabuntong hininga.
"Just throw him in the ocean. He's dead anyways" sabi ni Lance na nakatanggap ng malakas na sampal mula kay Daniela na katabi niya lang na ikinagulat niya.
"Ano bang nangyayari sayo?! You're nakakainis na ah?!" galit na sabi ni Daniela ngunit natahimik na lamang si Lance at walang sinabi. We all gave him death glares.
Ang lakas ng loob niyang sabihin yon ng ganun ganon lang? Nakakabastos.
"Dapat sinapak mo" mahinang bulong ni Jazer kay Daniela
"He may be dead but show some respect. Gago" sabi ko kay Lance at binulong ko na lang sa sarili ko yung huling parte pero mukhang narinig din naman nilang lahat.
"I saw a wooden box at the basement. It can serve as a coffin I guess?" pag suggest ni Dashel na napansin kong nawala ng kaunti ang pagiging childish niya ever since those horrible things happened.
"Ay oo, napansin ko din yon. That could actually work" sabi naman ni Brent.
"Kunin niyo na sa baba" saad ko at narinig ko nanamang humirit si Lance.
"Bakit kami?" tanong niya kaya napataas kilay ko.
"O edi kami na lang ni Dani kukuha. Nakakahiya kasi sainyong mga lalaki eh" nakairap kong sabi. Ako pigilan niyo ko, siya yung mababaon ko dun sa box na yon. Nakakairita na siya.
"Tsk. Lalaki ka, yung mga babae pa ang papabuhatin mo. Just shut up Lance. Kunin na natin" iritang sabi ni Axum at bumaba na sila nina Dashel, Gray, at Lux. Naiwan naman kami nila Brent, Daniela, Jazer at Lance dito sa taas.
"Ikaw nga Del Firo umamin ka, bakit ka wala kagabi?" Seryosong tanong ni Jazer na nakapukaw ng atensyon namin.
Wala siya kagabi?
"A-Anong wala? I was a sleep the whole time it happened!" pag depensa niya sa sarili niya at napansin ko na nag-iiwas siya ng tingin and he's saying it with hand gestures at napansin ko rin ang pag-angat at baba ng lalamunan niya.
Nagkatinginan kami ni Brent na mukhang napansin din ang mga iyon.
He's lying.
"Who said I was referring to the incident?" nakangising tanong ni Jazer
"Tinutukoy ko yung oras na bago pa mangyari lahat ng yon. Wala ka sa study room at gising pa ang iba saamin. Nasan ka?" pagpapatuloy ni Jazer.
"I-I was at the kitchen..." saad niya at nakita ko namang kumunot ang noo ni Daniela.
BINABASA MO ANG
Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]
Ciencia Ficción[HR: #11 in Science Fiction ✨] It started as a joke, but ended in an apocalypse. Papanindigan niyo ba ang kalokohan ng mga kaibigan niyo? Can you risk everything for something that's only formulated? I Melted The Demon's Heart SPIN OFF! A/N: You do...