Chapter 20: Truth

902 49 4
                                    

Genevieve's POV

Pagkagising na pagkagising namin, Axum called everyone para magtipon sa third deck.

Tahimik lang akong nakayuko, naka-hoodie na ako ngayon para matakpan ang itsura ko sa ngayon.

"Bakit mo kami pinatawag? May surprise ba?" tanong ni Dashel.

Surprise? Oo, masu-surprise ka talaga.
"May problema ba?" tanong ni Zafrina.

"Meron. Malaking problema" saad ni Axum na katabi ko.

"Ano?" tanong ni Gray. Axum motioned his hands towards me kaya lahat sila napatingin saakin.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Time to show them.

Tulad kahapon, unti-unti kong inangat ang sleeves ng hoodie and once that's done, I pushed my hoodie away from my face at inangat ko ang mukha ko para salubungin ang expressions nila.

"Woah. Nice make up" nakangiting sabi ni Dashel na binatukan naman ni Lux.

Sana nga make up lang 'to. Kaso hindi.

"Oh my God" Daniela breathed out habang lahat sila ay nanlalaki ang mga mata at nakanganga.

"G-Genevieve..." nauutal na sabi ni Zafrina.

"Jusko..." di makapaniwalang sabi ni Brent.

"H-how?" Kein spoked. Naguguluhan at hindi makapaniwala ang mga itsura nila.

They were all staring at me. Yung maputla kong kutis at sobrang visible na mga ugat ko sa katawan, then my eyes, I noticed earlier this morning when I was looking through the mirror, the pupil was almost gone. Kaya ang paningin ko ngayon ay sobrang labo na. I can barely see them dahil may mga puti puti na ang paningin ko.  It was like the whole place was covered in fog.

"Y-you're a zombie!" takot na takot na sabi ni Lance na lumayo saakin. That hurt me a little bit.

"Paano? Wala ng zombie dito sa yacht" saad ni Gray na mukhang ayaw maniwala.

"Genevieve kung nagbibiro lang kayo, hindi nakakatawa" seryosong sabi ni Jazer pero napakagat lamang ako sa labi ko at unti-unti nanamang tumulo ang luha.

"W-what happened to you?" hindi makapaniwalang sabi ni Nanne.

I'm being such a cry baby pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. The thought of me being a zombie, the thought of me forgetting about everything including my friends once the virus reach my brain is breaking my heart. The thought of me having the chance na ipahamak ang kaibigan ko dahil sa virus na 'to ay nakakabaliw.

"This is not a joke..." Axum mumbled at siya na lang ang nagkwento ng lahat dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga kaya.

Moments later after ikwento ni Axum ay nakita kong naiyak ang iba.

"Tangina mo talaga! Ang tanga tanga kasi" inis na sabi ni Zafrina at nagulat ako nang yakapin niya ako bigla ng hindi man lang nandidiri o natatakot. Imbis na mainsulto ako dahil minura niya ako, ay natuwa pa ako.

"You're so nakakairita. I thought you're valedictorian? Asan yung brain mo ha?!" naiiyak na sabi ni Daniela habang pinupunas ang luha at yumakap din siya sakin. God I'll miss them.

"Gosh babae ang shunga mo! Sino nagsabi sayo na gawin mo yon?! God paano ka na?! Ito yung napanaginipan ko noon nung ginawa natin yung electrocution. I didn't expected it to come true" nag-aalalang sabi ni Brent at niyakap rin ako.

"Jusko Genevieve! Sa sobrang talino mo nagiging tanga ka na" pagbibiro ni Jazer pero kita ko ang pag-aalala at lungkot sa mga mata niya. Niyakap niya rin ako.

Formulated Love •BOOK 1[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon