Chapter-12

1.4K 24 0
                                        


Someone's POV...

"Guys wala ba kayong napapansing kahinahinala sa relasyon ni Diana at Isabel?" Tanong ni Nicole kay Jesma at Maris.

Napagpasyahan kasi nilang mag-ikot-ikot para mamili ng pwedeng mga pasalubong. Habang yung iba naman ay naliligo sa may beach.

"Hah? Anong ibig mong sabihin dyan Ate Nics? Mukhang okay naman sila. Besides normal lang sa mag-asawa ang pagkakaroon ng misunderstanding" Tugon ni Maris.


Bumaling naman ng tingin si Nicole kay Jesma habang hinihintay ang sagot nito.

"May napapansin din ako Ate. Hindi ito simpleng problema lang pakiramdam ko may nagloloko na sa kanila at si Isabel yun" Sagot nito.


Nagulat naman si Nicole sa sinabi nito.

Pakiramdam niya may alam si Jesma sa nangyayari. Si Maris naman ay mukhang hindi pa nakukuha ang sinabi ni Jesma.

"May hindi kaba sinasabi sa amin Jes" Tanong ni Nicole.

Sa loob-loob naman nito ay nagdadasal siya na may alam nga si Jesma dahil kung sakaling may alam nga ito maaring makatulong ang mga nalalaman niya sa pag hahanap ng totoo.

"Ano kaba Ate Nics hula ko lang din yun Hahaha" Kinakabahang sagot naman ni Jesma.

"Jes, okay lang na sabihin mo sa amin ang nalalaman mo. Gusto kong tulungan si Diana at alam kung gusto mo rin siyang tulungan diba?" Pangungumbinsi ni Nicole.

Napabugtong hininga naman si Jesma. "Okay, sasabihin ko na pero pwede bang atin-atin lang to. Ayaw ko magsimula ng gulo" Request nito sa dalawa.


"Hala paano naman yung iba?" Tanong ni Maris.

Pasimple naman siyang siniko ni Nicole na parang sinasabi na Nag-agree nalang siya.


"Okay, I think may ka-affair si Isabel pero hindi ko kilala kung sino kasi one time nakita ko siya sa may parking lot habang naghahalikan na lalaki. Nagulat talaga ako noong nakita ko yun, iniisip ko baka nagmamalikmata lang ako kaya minabuti kong itanong si Isabel noong nakasama namin sila ni Marian noong nakaraan" Kwento nito sa dalawa.

"Ugh! Wag ka ngang pabitin Jes, come on! spill the tea!" Reklamo naman ni Maris, halatang nabitin sa rebelasyon ni Jesma.

"And sinabi niya namamalikmata lang daw ako at hindi siya yun. Mahal na mahal daw niya si Diana para lokohin niya. Pero alam ko siya ang nakita ko" Dagdag ni Jesma.


Natawa nalang si Nicole sa isipan niya.

"Napakasinungaling talaga!" Saad nito sa sarili.

"Salamat sa impormasyon malaki ang matutulong yan sa paghahanap natin ng totoo" Sagot naman ni Nicole.


"If ever man na totoo na nagloloko si Isabel kawawa naman si Diana at si Ysabelle. Grabe hindi ko alam na sa dami ng pinagdaanan nila sa huli magloloko lang pala si Isabel" Nanghihinayang na saad ni Maris.


Noong college kasi sila tinaguriang power couple ang dalawa hindi lang dahil sa lakas ng chemistry nilang dalawa kung hindi sa tatag din ng relasyon nila kahit pa all against the odd.


.
.
.



Sa kabilang banda naman ay nagmamadaling naglalakad si Diana pabalik sa cottage nila.


"Guys nakita niyo ba si Isabel" Tanong ni Diana kela Pia na nasa cottage.

Habang kumakain yung iba naman ay nasa dagat naliligo. 


"Hindi ba't mag kasama kayo kanina noong umalis kayo dito?" Sagot ni Kathy.

"Oo nga, nagpaalam kasi siya magbabanyo lang tapos hindi na siya bumalik kaya iniisip ko baka bumalik na siya dito" Tugon naman ni Diana.

"Oww.. Hanapin mo nalang baka nasa tabi-tabi lang yan" Sagot ni Pia.

Kaya umalis na si Diana at
Naglakad-lakad baka sakaling makasalubong na nito si Isabel at napatigil siya ng makita si Isabel sa isang shop kasama ang isang lalaki masaya pa silang nagtatawanan. Para may kutsilyong tumarak sa puso ni Diana ng makita ang kislap sa mga mata ni Isabel habang kausap ang lalaking iyon. Parang noon lang ganyan din ngumiti si Isabel sa kanya pero ngayon hindi na.

Napahawak naman si Diana sa may dibdib niya pinapakiramdaman niya ang puso niya na unti-unting nababasag muli. Hindi niya namalayan naglalakad na pala siya papalapit sa kinaroroonan ni Isabel kasama ang lalaki.

Bigla namang napatigil si Isabel ng napansin si Diana sa harapan nila.

"Love, kanina pa kita hinahanap saan kaba nanggaling" Tanong ni Diana.


Pilit niyang pinapanormal ang boses niya kahit gustong-gusto na niyang maiyak ngayon sa harapan ni Isabel.

"Ahmm.. Sorry nakasalubong ko kasi si Jan isa sa batchmate ko noon sa UP" Paliwanag ni Isabel.


"Hi I'm Diana Carlos, Asawa ni Isabel" Buong pagmamalaking pakilala ni Diana sa kanyang sarili.

Napangiti naman si Jan dahil proud pang pinakilala ni Diana ang sarili niya at sinabing Asawa ito ni Isabel kung alam lang nito na kabit ni Isabel ang lalaking nasa harapan niya. Sa kabilang banda naman ay sobrang kinakabahan ngayon si Isabel dahil baka biglang magsalita si Jan tungkol sa relasyon nila.


"It's nice to meet you Diana.. I'm Jan Jaboneta" Tugon nito saka nakipag kamay kay Diana.

"Nagugutom naba kayo? Kain tayo my treat kahit saan niyo gusto girls" Aya nito sa dalawa.

Sinamaan naman ng tingin ni Isabel.


"Sig---


"Hindi na Jan.. Salamat nalang sa pag-iimbita" Putol ni Isabel sa sasabihin ni Diana.


"Talaga? Mukhang gusto ng Asawa mo ang free breakfast Isabel" Saad ni Jan na may mapang-asar na tinig.

Pero hindi iyon pansin ni Diana.


"May pagkain kami sa cottage namin. Sige mauna na kami" Saad naman ni Isabel saka hinila si Diana.


"Sayang naman yung imbitasyon niya Love" Saad ni Diana. Napairap naman si Isabel dahil duon.


"Ibibili nalang kita ng kahit anong gusto mong pagkain basta wag lang tayong sumabay sa kanyang kumain" Sagot ni Isabel.


"Medyo naguguluhan ako sayo. Magkaaway ba kayo? I mean okay naman kayo naabutan ko nga kayong nagtatawanan pa tapos out of nowhere bigla kang maggaganyan" Naguguluhang saad ni Diana.


Pero minabuti nalang ni Isabel na hindi na sagutin si Diana. Baka kung ano pa ang masabi niya dito.

________________________...

Thank you for reading.

I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon