Chapter-1

4.1K 52 2
                                    


A/N: To all readers bago man o hindi. Gusto ko lang sabihin sa inyo na under revision process ang story ko na ito, I will put extra scenes po but still I am sticking to the old flow of the story. I hope you'll understand. Ciao! Happy reading.

___________________***


Diana's POV...


"Hmm.. Hon?" Mahinang tawag ko rito, bago ito pinakiramdaman sa aking tabi pero nadismaya ako na wala na pala ito sa aking tabi.

Sunod ko naman siyang pinakiramdaman sa may banyo baka naliligo lamang ito pero wala akong naririnig ni-ano mang lagaslas ng tubig na galing duon ibig sabihin walang tao.

Maaring nasa baba lamang siya at naghahanda ng agahan.

Nakangiti naman akong bumangon sa aming higaan sa aking naisip, pero agad din iyong naglaho nang napansin ko sa may gilid ng salamin ang gamit na hair blower na nagsisilbing ebidensya na pumasok na ito sa trabaho.

Kilala ko si Isabel kakain muna iyon bago maligo para pumasok sa kanyang trabaho kaya siguradong-sigurado ako na umalis na ito, kaya napatingin ako sa desk clock it's already 7:57 am.

Ang aga nanaman ata niyang pumasok ngayon?

Napabugtong hininga nalang ako saka pumasok sa banyo para gawin ang morning routine ko.

Hindi naman ako manhid para hindi mapansin na napapadalas ang paggising ko sa umaga na wala na ito sa aking tabi dahil nga pumasok ito ng maaga sa trabaho.

Geez. Daig pa niya ang normal employee sa pagiging early bird niya.

"Good morning, Mama!" Masayang bati sakin ni Ysabelle Deanna our 6 years old daughter.

"Good morning din sayo Baby ko, Hmmm.. pakiss nga si Mama" Malambing kong sabi saka ito pinugpug ng halik sa mukha napahagikgik naman siya dahil duon.

"How's your sleep?" Tanong ko rito saka humigop ng paborito kong kape na timpla ni Manang.

"Ayos lang po.. Mama, ikaw po ba ulit ang maghahatid sa akin sa school? Kasi si Mommy na po ang nag-asikaso sa akin kanina at agad rin po siyang umalis kasi may emergency meeting raw sila ngayon" Sagot nito.

Aww... Buti pa itong anak ko maraming alam sa nangyayari sa Mommy niya. Samantalang ako na Asawa niya, walang kaalam-alam. Nangangapa na nga ako kung ano nabang nangyayari sa kanya at sa relasyon namin. Kasi wala naman akong naiisip na ginawa kong mali para bigyan niya ako ng cold treatment.

At emergency meeting? Ganito ka-aga?

"Kaya emergency diba?" Sagot ng inner self ko.

Napabugtong-hininga naman ako dahil duon. "Yes, baby just finish your breakfast first okay? Para maihatid na kita sa school" Sabi ko saka kami nagsimulang kumain.

I'm Diana Carlos CEO of Carlos Builders Inc. Bunso ako sa tatlong magkakapatid si Kuya Dion at Ate Donna both of them are also handling our family business. Another I'm 8 years happily married kay Maria Isabelle Molde-Carlos pero hindi ako tinatanggap ng family niya as part of their family. Hindi ko alam kung bakit, but simula palang ay ayaw na nila ako para kay Isa but nanaig ang pagmamahalan namin kesa sa pagtutol nila sa kung anong meron kami ni Isabel, Only her eldest sister Ate Yna ang tanggap ako para may Isabel. Masakit man isipin na kahit anong gawin ko para patunayan ang sarili ko na karapatdapat ako kay Isabel ay wala parin.


I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon