Diana's POV...
Nakalipas pa ang ilang mga araw ay nag semi back to normal na kami although hindi pa ako fully recover need pa ko paring mag-grind dahil natambakan na ako ng trabaho pero dahil nga winter season dito ngayon some of the industry here ay disabled dahil sa tindi ng snow storm so naka work from home setup ako at wala ding pasok sila Ysabelle. Kaya tuwang tuwa ang bata.
"Wow! Sobrang bango naman po niyang niluluto mo Mama!" Natutuwang saad ni Ysabelle na kakapasok lang ng kusina.
Nagluluto kasi ako ngayon ng carbonara.
Yun nalang din ang available na stocks ko sa ref dahil matagal na rin since huling nag grocery ako."Do you think magugustuhan ng Mommy Celine mo ang hinanda natin for her?" Tanong ko naman, as a token of appreciation sa ginawang nitong pag-aalaga sa amin ay naghanda ni Ysabelle ng simpleng dinner eto na rin ang nagsisilbing first date namin.
Yes, pumayag siyang magdate kami pero meron itong isang hiling sa akin yun ay ang hanggat maari dito nalang kami sa bahay magdate. Actually noong una tututol sana ako dahil I found a place na pwede kong pagdalhan dito pero, pinaliwanag naman nito na iniisip niya ako na baka raw mabinat ako kung lalabas pa kami plus the fact na winter season dito ngayon so in the end pumayag I agree with it. Marami pa namang possible date na maidala ko siya duon.
"Yes Mama! 100% sure she gonna love this.. trust me" Confident na sagot nito napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang anak ko, ang layo na ng Ysabelle noong unang dating namin dito sa Canada sa Ysabelle na kaharap ko ngayon.
Bumabalik na yung dati niyang sigla, which is good pero it doesn't mean na hahayaan kong malayo ang loob ni Ysabelle sa Mommy nito, we both need to heal first sa pain na ginawa sa amin.
"How about the place is it okay na rin ba?" Muling tanong ko.
"Its all set na po.." Sagot nito, nagpresinta kasi ito na siya na raw ang bahala sa theme ng date na to, hindi ko alam kung bakit may pa theme pa pero since si Ysabelle naman ang sabi pumayag na rin ako.
"Okay okay.. Aayusin ko nalang ito saka mo tawagin ang Mommy Celine mo, okay?" Utos ko, nasa kwarto kasi si Celine mayroon silang meeting nila Ate Pons ngayon.
Hindi pa ito nakakauwi sa apartment nila since pumunta siya dito. Mala girl scout din ito dahil may dala siyang mga damit pero pangdalawang araw nga lang kaya pinapahiram ko siya ng ibang damit ko.
Dinala ko na yung hinanda kong pagkain sa sala at sobra akong namangha sa ginawang setup ni Ysabelle. Isa itong maliit na tent na gawa sa kumot tapos may mga unan and stuff toys sa loob medyo dim rin ang ilaw kaya ramdam ang camping vibes.
"Wow! Ang galing galing naman ng baby ko.. Pakiss nga si Mama" Proud na proud kong sabi bago ito pinugpog ng halik sa magkabilang pisngi.
"Gusto ko po kasi maranasan magcamping sa loob ng bahay gaya ng nakwekwento ng classmates ko so ito ang ginawa ko" Kwento nito.
May sasabihin pa sana ako pero sakto naman dumating na si Celine.
"Ay wow naman! Talagang pinaghandaan niyo itong date na ito ha" Katulad ko ay sobrang namangha rin si Celine sa theme at setup.
"Did you like it Mommy?" Tanong ni Ysabelle.
"Yes naman baby.. A+ for effort talaga kayo" Natutuwang sagot sa kanya ni Celine. Masaya namang napayakap ang bata sa kanya.
"Talaga po!? I'm happy na nagustuhan mo po yung hinanda namin Mommy Celine"
![](https://img.wattpad.com/cover/112169263-288-k711962.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanfictionHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...