Chapter-20

1.5K 31 1
                                    


Diana's POV...

"Manang? Anong oras na bakit nandito kapa? At sino yang kausap ni Ysabelle? Si Isabel ba?" Tanong ko kay Manang Gina ng maabutan ko ito sa kwarto ni Ysabelle.

"Ahh.. Oo, Anak tinawagan kasi ako nito gusto niya raw makausap si Ysabelle" Sagot nito.

Lalapitan ko na sana si Ysabelle ng binaba nito ang cellphone indikasyon na binaba na tapos na sila mag-usap.

"Manang Gina, ito na po yung phone niyo binaba na kasi ni Mommy yung call" Saad ni Ysabelle bago inabot ang cellphone kay Manang.

"Ahh ganun ba, Sige Anak matulog kana" Paalam nito saka ito lumabas ng kwarto ni Ysabelle.

Tumingin naman ako sa anak ko na kakahiga lang ulit sa kama nito, kahit hindi niya sabihin ramdam ko ang lungkot niya.

"Anak, Anong pinag-usapan niyo ng Mommy Isabel mo?" Tanong ko rito nang tumabi ako sa kanya.

"Sinabi niya lang po na namimiss niya ako" Mahinang sagot nito.

Anak lang namin ang namimiss niya?

Bat hindi ako kasama at saka bakit naman kaya si Manang Gina tinawagan ni Isabel at hindi ako? Eh ako naman itong Asawa niya?

May nagawa nanaman ba akong mali para maging ganito nanaman kalamig ang pakikitungo niya sa akin? 

"Wag kang alala Anak, nararamdaman kong malapit ng umuwi dito ang Mommy Isabel mo. Kaya ang dapat gawin mo ay matulog na okay? Dahil may pasok kana ulit sa school bukas. Goodnight mahal ko, Mama will always love you" Malambing kong sabi bago ito hinalikan sa noo.


"I love you din Mama, Goodnight po" Tugon nito bago niya ipinikit ang kanyang mga mata. 

Mga ilang minuto rin ang nilagi ko sa tabi niya at nang masigurado kong tulog na ito ay dahan-dahan na akong bumangon bago inayos ang pagkakakumot nito at lumabas ng kanyang silid.

Paglabas ko ay agad akong dumiretso sa kusina para kumuha ng beer.

I baldy needed this tonight.

.
.
.


"Mama?"

Napalingon naman ako sa may pinto kung na saan si Ysabelle. Kinukusot pa nito ang kanyang mga mata halatang naputol ang kanyang tulog.

Mabilis ko namang pinahid ang mga luhang naglalandas sa  aking mga mata kanikanina lang at pasimpleng tinignan ang aking wrist watch, 1:32 am na pala, umalis ako ng kwarto nito ng 11:48 pm.

"Umiinom ka po ba?" Inosenteng tanong nito.

"Ahmm.. Nagpapatulog lang si Mama Anak. Ikaw ba, may nangyari at naputol ang tulog mo?" Tanong ko bago ito niyakap ng makarating ito sa tabi ko.

"Wala naman po. Pero hindi na ako makatulog ulit.. Mama can I sleep beside you po?" Tugon niya. 

"Oo naman Anak.. Halika na matulog na tayo" Aya ko rito. Saka kami pumasok na sa loob.

Hindi ko na inabala pang ubusin ang natitirang alak sa dala kong beer kanina. Dahil mas mahalaga sa akin ang anak ko, bukas ko na lang siguro aayusin ang mga naiwang bote ng beer sa may balkonahe. 

I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon