Diana's POV...
All this years ng pagsasama namin ni Isabel, burden pala ako sa kanya.. kami ng anak namin.
Ang sakit...
Ang sakit.. sakit..
Hearing those words from her.. Parang pinapaso ng sigarilyo ang puso ko nang dahan dahan. Kaya mas pinili ko nalang umalis dahil hindi ko na kayang pang humarap sa kanya magbrebreakdown na ako ng sobra.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta nito ngayon.. Ayaw ko naman munang dumiretso sa amin dahil mas lalo lang akong malulungkot, maalala ko lang ang matatamis naming pinagsamahan ni Isabel sa bahay na yun at ayaw ko rin makita ng anak namin ang sitwasyon ko.
Wala ring tigil ang cellphone ko sa pagtunog it's either si Ate Kath ang caller or si Ate Nicole. Marahil iniisip nila baka kung ano ng ginawa ko after kong nalaman ang ginawang kalokohan ni Isabel.
Wala akong galit sa kanila or kahit ano man for hiding this to me, and may point kasi sila baka masamain ko pa kung sila mismo ang magsabi knowing na mahal na mahal ko si Isabel, and I believed na hindi niya ako magagawang lokohin..
Pero mali pala ako..
Pagkatapos ng mga mahigit isang oras na pagmamaneho ay napahinto ako sa tapat ng isang hindi gaano kalakihang establishimento.
Maybe this place can help me..
"Uy.. Long time no see Diana" Masayang bati sa akin ni Ate Aly pagkapasok ko palang, halata ngang nagulat ito nang makita ako.
"Uy.. Hindi na nakikita ni Diana" time no see rin sayo Ate Aly.. Himala, ikaw muna ata nagbabantay dito?" Saad ko naman.
"Ahh.. Oo, hinihintay ko kasi yung bagong stock ng mga baril galing
U.S" Sagot nito."Ayun! Sakto naman pala ang pag punta ko.. May masusubukan akong bago" Excited kong sabi, sakto naman lumabas isang room si Ate Den.
"Uy... Diana, Ikaw pala yan" Bati nito pero agad ding kumunot ang noo nito.
"Ayos ka lang ba? Bakit sobrang mugto ang mga mata mo, at bakit ka may sugat sa labi?" Nag-aalalang tanong pa ni Ate Den habang sinisipat ang mukha ko.
Sumingit naman si Ate Aly para tignan ako.
"Ay. Halah! Oo nga, hindi ko napansin yan" Segunda nito.
"Excite ka kasi nung nakita mo ako Ate Aly"
"Siguro nga.. Pero anong nangyari dyan?" Pang-iintriga nito.
"Habang kwento... and kaya ako naparito, kasi gusto ko maglabas ng hihinakit" Tugon ko naman.
Mamaya na ako magkwekwento sa kanila para isang buhusan nalang ng sakit.
"Sige, ipapahanda ko na yung isang room.. exclusive lang sayo, Love ikaw na muna bahala dyan, gamutin mo muna si Diana" Saad ni Ate Aly, mukhang alam na nito ang kelangan ko.
Tumango lang si Ate Den bilang tugon.
"Halika na dito Diana.. Gamutin na natin yang sugat mo" Saad nito bago ako inaya sa opisina ni Ate Aly.
![](https://img.wattpad.com/cover/112169263-288-k711962.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanficHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...