Isabel's POV...
Sht! I'm doomed saan niya nakuha ang mga ebidensya nito laban sa akin.. at ano kaya ang mga ito? Sobra ingat namin Jan sa mga kilos namin.
Kaya paano nangyari yun?
"Hindi pa tayo tapos Isabel tandaan mo, nagsimula palang tayo, at sisiguraduhin kong lalabas din ang totoo" Banta ni Awit.
"Kahit kalkalin mo pa ang buong pagkatao ko Awit wala kang makikita sa akin" Tugon ko naman.
Kung ipapakita ko sa kanya na natatakot ako sa kung ano man ang hawak niya, mahahawakan ako nito sa leeg.
"Talaga ba? Kaya pala sinabi mo kay Diana na sa inyo yang batang nasa sinapupunan mo.. Kakaiba ka talaga" Nakakaloko nitong sabi.
"Anak namin ni Diana ang batang dinadala ko.. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga hinalang yan.. Bakit hindi ka nalang bumalik sa empyerno kung saan ka nanggaling at manahimik" Saad ko.
"Well.. Kung meron man dapat bumalik sa empyerno sa ating dalawa ikaw yun" Tugon nito. Napayukom naman ako ng kamay, kanina pa ako nagpipigil na masabunutan siya total nasampal ako nito kanina.
"Pwede bang umalis kana sa pamamahay ko at wag na wag ka ng babalik" Matigas kong sabi.
"Mommy?"
Parehas naman kaming napalingon ni Awit sa pinanggalingan ng boses.
"Anak, Kanina ka paba andyan?" Saad ko saka lumapit rito at niyakap siya.
"Hindi naman po, asan po si Mama?" Inosente nitong tanong.
"Ahh.. Nagpapahinga na siya Ysabelle, napagod sa biyahe ang Mama mo" Tugon ni Awit. Tinapunan ko siya ng isang masamang tingin pero hindi niya ito pinansin.
How dare is she sumabat sa usapan namin ng anak ko.
"Ikaw po Mommy Awit aalis ka na po ba?" Tanong nito kay Awit.
Para namang kinurot ang puso ko duon. Dahil hindi sinunod ni Ysabelle ang utos ko na ako lang ang tatawagin niyang Mommy.
"Ahhmm.. Yes, baby uuwi na si Mommy Awit, But don't worry I'll be back just call me anytime okay?" Tugon nito sa Anak ko saka ito niyakap at hinagkan sa noo.
"Okay po.." Sagot naman ni Ysabelle.
Tumingin naman si Awit sa direksyon ko.
Alam kong may mga gusto pa siyang sabihin pero dahil nandito si Ysabelle ay pinili niyang tumahimik nalang.
.
.
."Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Para ka namang dinaan ng limang bagyo" Bungad sakin ni Jus. Kakatapos lang ng check up ko kanina kaya niyaya ko ito na kumain sa labas.
"Wala ito.. Sobrang badtrip ako kagabi kasi nakita kong magkayakap si Diana at yung ex niyang si Awit" Tugon ko.
"Ay, Seryoso? Anong ginawa mo?" Mala marites nitong sabi.
"Nagfreak out ako syempre, like what the fck, magyayakapan kayo sa loob ng pamamahay naming mag-asawa" Sagot ko.
"Ahahaha. Oo nga naman.. Ano namang ginawa ng Asawa mo?" Tanong ni Jus.
"Wala.. Nag-walk out at hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon" Sagot ko.
Sinubukan kong kontakin si Diana pero out of coverage area hindi pa rin ito, at hindu pa ito umuuwi hanggang kanina bago ako umalis. Gusto ko pa mandin sana na siya ang sumama sa akin sa pag papacheck up ko. Total naman hindi makakapunta si Jan, kaso bigla ring nagchat si Doc na kung pwede I reschedule ang check up ko dahil may emergency raw.
"Nako! May mga ganyan talagang Ex na nanggugulo kasi hindi maka move-on. Nako! kapag nakita ko yan kakalbuhin ko yan para madala" Nanggigil na saad ni Jus. Naiiling naman ako sa sinabi niya lalo inakto pa niya ang posibleng pagsabunot niya kay Awit.
Napaisip naman ako pano kung malaman ni Jus na Tama ang bintang sakin ni Awit. Magagalit kaya siya?
"Basta wag ka nalang papa-stress, lalo at may Baby na kayo okay?" Paalala nito.
"Susubukan ko" Totoo kong sagot. Kahit hindi naman natin gustong mastress may mga pagkakataon talaga na maiistress tayo.
Sunod-sunod ang mga problemang dumating sakin ngayon idagdag mo pa yung kung saan nakuha ni Awit ang mga ebidensya laban sa akin.
.
.
.Diana's POV...
Dapat naba akong maghinala? Dapat ko bang paniwalaan ang mga sinasabi ni Awit?
"Ma'am 246 po lahat-lahat" Saad ng isang tindera, kinuha ko namang ang ₱500.00 peso bill ko sa wallet at binayad sa kanya.
"Miss keep the change na.. Dahil super sarap ng food niyo.. Tip ko na yan" Sagot ko naman.
"Salamat po Ma'am.. Balik po kayo" Masayang saad ng tindera.
"Sige" Sagot ko nalang bago lumabas ng karinderya.
Ring!
Ring!
Ring!
Marian Calling...
"Hello Marian?" Bungad ko.
"Gosh! Mabuti naman at sinagot mo na.. Diana Carlos! Asan ka!? Yung Anak mo hinahanap ka sa amin" Bulyaw ni Marian sa kabilang linya.
Hindi ko rin alam kung nasaan ako, basta pag-alis ko sa harap ni Isabel at Awit ay nagdrive lang ako ng drive. Gusto kong huminga at makapag-isip isip.
Sobrang pagod ko na nga sa biyahe kagabi nagkagulo pa bahay. Hay.
"Tinawagan ko na siya kanina" Tugon ko naman. Alam kong sobra ng nag-aalala sakin yun.
Narinig ko naman ang buntong hininga ni Marian sa kabilang linya. Alam ko kahit hindi ko sabihin ang nangyari ay si Awit na mismo ang magsasabi sa kanila.
"Payong kaibigan Diana.. Kung gusto mo talaga malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Awit o hindi.. better kausapin mo yung lalaki.. Kasi kung kay Isabel mo itatanong yan may possibility na itanggi niya para tumahimik na ang gulo diba" Payo ni Marian.
May point siya, kelangan kung makausap si Jaboneta para malaman ang totoo. I know him kasi isa siya sa mga investors sa company ng pamilya ni Isabel at siya yung nakita ko na kasama ni Isabel sa isang Cafe noon.
"I know.. Mahirap at nakakatakot ang gagawin mong ito pero kelangan mong malaman ang totoo para sa inyo yan, Diana tatagan mo lang ang loob mo" Dagdag nito
"Sige, para nalaman ko na kung ano ang totoo, kakausapin ko si Mr. Jaboneta" Lakas loob kong sabi.
It's now or never... Gusto ko naring malaman ang totoo. Para sa ikakatahimik ng lahat lalo na ng pamilya namin ni Ysabelle.
Ang tanong..
Handa na ba ako sa mga possibleng malaman ko?
___________________...
Thank you for reading.
![](https://img.wattpad.com/cover/112169263-288-k711962.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanfictionHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...