Chapter-38

1.4K 34 0
                                        




Isabel's POV...



"Oh, Anak hindi ba't may scheduled check up ka ngayon?" Tanong ni Mom nang maabutan ako nito sa may sala.


"Yes Mom, kaso hinihintay ko pa si Jan may usapan kasi kaming susunduin niya ako" Sagot ko, and for the 10th time hindi nito sinasagot ang mga tawag at text ko.


Ano ba Jan! Nasaan ka na!? Ang linaw linaw ng usapan namin noong nakaraan tungkol dito.



"Baka naman na traffic lang.. Pahatid ka nalang muna kay Mark at duon nalang kayo mag kita sa clinic nakakahiya kay Doktora kung late kayo" Saad nito.



Wala naman akong nagawa kung hindi magpahatid kay Kuya Mark, dahil hindi rin naman titigil si Mom kakakulit sa akin na mauna na sa clinic.



Pagdating ko naman sa clinic ay may mga nauna ng pasyente sa akin, so kelangan kong pumila. Halos lahat ng kasabayan kong buntis ay kasama nila ang mga asawa nila, at ako lang ang solo flight para tuloy akong single parent nito.



Bigla ko namang naalala noong pinagbubuntis ko si Ysabelle, lahat ng scheduled check-ups ko ay palagi kong kasama si Diana and sobrang consistent niya sa lahat from the 1st day na nalaman naming buntis ako, up until pinanganak ko na si Ysabelle. Well consistent naman talaga siya sa akin sa lahat ng bagay.



Nakakahinayang man ang lahat ng pinagsamahan namin ni Diana, pero pinili ko to mas pinili ko ang magiging pamilya ko kay Jan over them, para na rin sa ikakatahimik ng pride ko.



"Kayo na pong next Miss Molde" Tawag pansin sa akin ng isang nurse. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na ako na pala ang sasalang.



"Okay, Thank you" Sagot ko bago tumayo at pumasok sa loob.



Excited pa man din ako sa araw na to kasi malalaman na ang gender ng baby namin, pero wala siya ulit.



"Hello Miss Molde" Bati ni Doc pagpasok ko.



"Hi Doc." Masayang tugon ko naman.



"Hmm.. Kamusta naman?" Tanong nito.



"Okay lang naman Doc. medyo hirap ng magkikilos dahil ang laki na ni baby" Sagot ko.



"Bilis din ng panahon noh, di bale malapit niyo na rin siyang makita. Nga pala I thought kasama mo na si Hubby.. Since malalaman ngayon natin makikita gender ni baby" Saad nito.



"Ahh.. May biglaang emergency kasi Doc kaya ako nalang ulit" Pagdadahilan ko naman.



"Okie.. Sige po bihis na muna kayo para magproceed na tayo"



Inalalayan naman ako ng assistant niya mula sa pagbihis hanggang sa paghiga sa hospital bed dahil nga malaki na ang belly tummy ko kaya kelangan ko ng magdoble ingat sa bawat kilos ko.



"Miss Molde naniniwala kaba sa mga signs ng matatanda regarding sa gender ng baby?" Tanong ni Doc habang nilalagyan ng parang lotion ang belly ko.



"Medyo lang Doc. Sinasabi kasi sa akin ng Mother ko na lalaki si baby since hindi ako ganun ka haggard and then medyo mababa siya unlike sa panganay ko" Sagot ko naman. Even sila Manang ganun rin ang sabi, na mana na yung ganung paniniwala sa pinaka ninuno



I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon