Isabel's POV...
"Isabel.. Anak gising na, nasa baba si Jus hinihintay ka"
Nagising naman ako sa sunod sunod na katok ni Manang sa labas ng kwarto namin.
Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog pero ang alam ko nakatulog ako sa pagod kakaiyak. Mabuti sinamahan ako ni Manang hanggang sa makatulog ako.
Halos hindi ko na nga maidilat ang mga mata ko sa sobrang hapdi dahil nga sa kakaiyak ko kagabi.
Im so broke right now..
"Susunod na ako Manang" Inaantok ko pang sabi bago kumuha ng lakas para bumangon. Nahihirapan na nga akong bumangon ngayon dahil na rin sa laki na nitong tyan ko.
Ginawa ko muna ang mga morning rituals ko bago ako bumaba. Naabutan ko naman si Jus na nagkakape sa may kusina.
"Hey.. Good morning" Bati nito.
Hindi ito naka office dress ngayon at typical na shirt at tokong shorts lang suot nito. Wala ata itong pasok o baka nag-AWOL since Thursday palang naman ngayon.
"Good morning rin.. Ang aga mo ata" Saad ko naman.
"Umabsent ako today dahil gusto kitang kamustahin"
"Sus! Tinamad ka kang pumasok eh" Sagot ko naman.
"Parang ganun na nga" Gatong niya.
Napa-iling nalang ako.
"Wow! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dyan o hindi" Sarcastic ko namang saad.
Aba! ginamit pa talaga ako para sa katamaran niyang pumasok.
"Matuwa ka dapat girl" Pamimilosopo nito.
"Ewan ko sayo.. masakit ang mata ko ngayon sa kakaiyak kagabi" Sagot ko nalang.
"Halata nga malapit na ngang maging hiwa ng pwet yang mata mo sa sobrang maga" Saad naman nito at humagalpak ng tawa.
"Siraulo ka Jus!" Natatawa kong saad habang napapailing.
Ang loko talaga kahit kelan.
"Nga pala.. Buo na ang desisyon kong paimbestigahan pa si Jan" Pag-iiba ko ng usapan.
At oramismo naman nag iba ang aura nito from jolly kanina ngayon ay seryoso na.
"Sigurado ka naba dyan?" Naniniguradong tanong ni Jus.
"Oo, kelangan kong malaman ang lahat Jus.. Baka hindi lang ito ang tinatagong baho ni Jan" Sagot ko naman.
Mas mabuti ng sigurado.
Kasalanan ko rin naman ang nangyayari ngayon na hindi ko siya kinilala ng lubusan. Kaya ngayon sisiguradihin kong kahit pinaka lumang kwento niya alam ko.
"Okay.. Nakausap ko na si Ivan kagabi and ang sabi niya meron itong kaibigan na makakatulong sa atin" Bangit nito.
"He also said na pwede siyang maging middle man mo.. Para na rin sigurado tayo"
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanficHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...