Diana's POV...
"Diana, anak hindi naman po kayo nagsabi na dadalaw ka, para sana nailuto ko ang mga paborito mo" Salubong sa akin ni Manang Ester pagka pasok ko palang sa family house namin.
"Okay lang po Manang, pwede mo pa naman mailuto yan mamaya" Tugon ko.
"Sige ipapahanda ko na kela Mering ang mga rekados" Saad nito.
"Manang pahabol nalang ng kape at pandesal.. Paki dala nalang po sa garden" Pahabol kong sabi.
Agad naman akong dumiretso sa garden ni Mama, tuwing may problema at hindi ako makapunta sa hacienda ay dito ako nalalagi sa garden ni Mama.
Nasa Davao sila ngayon ni Dad, umattend ng wedding anniversary ng kaibigan nila.
Napabugtong hininga naman ako.
Napanaginipan ko kasi si Isabel ay may kasamang lalaki at isang batang lalaki at inilalayo siya sa amin ng anak ko.
"Anak ito na ang kape at paborito mong pandesal" Singit ni Manang saka nilapag sa lamesa ang kape at pandesal na may kasamamg butter.
"Ay.. Salamat po Manang" Saad ko.
"Ang lalim naman ng iniisip mo kanina pa ako sa tabi mo, hindi mo lang napansin, may problema po ba?" Nag-aalalang tanong ni Manang.
"Ahh.. Wala po ito, pagod lang napasobra na sa pagtratrabaho. Hehe" Pagdadahilan ko.
"Nako, anak wag masyadong subsub sa trabaho baka mapabayaan mo ang pamilya mo niyan" Bilin nito.
"Hindi naman po" Tugon ko. Pero sa loob loob ko. Hindi naman ako ang nagpapabaya kundi ang Asawa ko.
Gusto ko sanang sabihin yan.
"Kamusta naman ba ang mag-ina mo? Sigurado ako si Ysabelle malaki na" Tanong nito.
"Ayos lang naman sila Manang. Kunting taon nalang malapit na ako magkaroon ng dalaga" Sagot ko.
"Wala paba kayong planong sunduan si Ysabelle?"
"Syempre meron naman po Manang, sa katunayan nga nagdadalang tao na ulit si Isabel" Masayang tugon ko.
"Ay talaga ba? Magandang balita yan"
"Siya nga pala Manang.. Nagrerequest pala si Ysabelle ng pastillias" Saad ko.
"Sige, no problem igagawa ko siya ng marami" Tugon nito.
"Salamat Manang"
.
.
."Mama! Pasalubong ko?" Masayang salubong sakin ni Ysabelle kasunod naman nito si Awit.
Actually I was expecting na si Isabel ang sasalubong sa akin ngayon kaya medyo disappointed ako.
"Hi Baby.. mas hinihintay mo ata ang dala ko kesa sa akin eh" Nagtatampo kong saad. Mabilis pa sa alas kwatro ay niyakap ako nito.
"Hindi po Mama, miss rin po kita" Tugon niya.
"Hmm.. Ito na yung pasalubong ni Mama... Diba favorite mo yan? Si Manang pa mismo ang gumawa niyan para sayo" Sabi ko saka binigay yung pastillias na gawa mismo ni Manang.
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanfictionHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...