Isabel's POV..
"H--Hon?" Gulat na saad ni Diana ng makita ako sa kusina habang naghahain ng agahan.
"Hey, Good morning, mabuti naman at gising kana, si Ysabelle?" Bati ko sa kanya. Pero hindi ito tumugon at tahimik paring nakatingin sa akin, parang hindi siya nakapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon at naghahanda ng agahan.
"Tititigan mo nalang ba ako dyan? Baka mahuli ka sa trabaho mo niyan" Dagdag ko pa.
"Ahhmm.. I was just surprised na makita kita ngayon, preparing breakfast for us.. You know just like the old times" Tugon niya saka lumapit sa akin at masuyo akong niyakap.
"I miss you" She whispered.
"I miss you more" Tugon ko bago ito kumalas sa yakap ko.
"Hindi mo man lang sinabi sakin na uuwi ka para sana nasundo kita sa inyo"
"It's okay, Plano ko naman kasi talagang supresahin kayo na uuwi ako ngayon, kaya hindi kita sinabihan.. At nakita naman natin ang result" Paliwanag ko.
"I see.. Btw. as much as I want to spend quality time with you and Ysabelle, may kelangan akong asikasuhin importante sa Pampangga" Saad niya.
"Mga ilang araw ka duon?" Tanong ko naman.
"Hmmm.. 3 days I guess? Hindi kasi maasikaso ni Ate kaya ako ang sinabihan niya na ayusin ang mga bagay duon. Pero tatapusin ko lahat ng maaga para makauwi ako agad" Tugon nito.
"Don't worry hihintayin namin ni Ysabelle ang pag-uwi mo" nakangiti kong saad.
"Magbreakfast kana, gigisingin ko lang si Ysabelle" Dagdag ko pa.
.
.
."Uy. Isabel long time no see sayo" Saad ni Jema.
"Hi Jema, ikaw pala yan long time no see rin sayo" Tugon ko saka nakipagbeso sa kanya.
"Kamusta na? Ngayon lang kita nakitang sumundo kay Ysabelle, madalas si Diana or yung driver niyo" Tanong nito.
"Ahh.. Oo, busy rin kasi masyado. Ikaw ba kamusta?" Sagot ko naman.
"Ayos lang naman.. naninibago pa" Tugon nito.
"I'm so sorry sa annulment niyo ni Deanna" May simpatya kong sabi.
Sobrang nakakagulat talaga yung balitang hiwalay na si Deanna and Jema, kasi since high school sila na.
"It's okay.. Ganun talaga siguro ang buhay, hindi bale andyan naman ang kambal namin na nagbibigay sakin ng lakas" Nakangiting saad nito.
"Mommy! Mommy!" Masayang tawag sa akin ni Ysabelle.
"Andito na pala sila... Anak be careful" Remind ko sa kanya, baka kasi biglang madapa.
Ako muna ang sumundo sa kanya dahil pinagpa dayoff ko yung driver niya at kakaalis lang rin ni Diana kaninang umaga, gusto ko lang bumawi sa kanya.
"Mga anak bless muna kayo kay Tita Isabel niyo" Utos ni Jema sa kambal niyang si Sky and Raine.
Pina-mano ko rin si Ysabelle kay Jema.
"Mauna na kami Isabel" Paalam ni Jema."Sige, ingat kayo" Tugon ko at nagsimula na rin kami ni Ysabelle maglakad papunta ng kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/112169263-288-k711962.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanfictionHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...