Chapter-19

1.3K 23 1
                                    


Diana's POV...


"Anak, Anong gusto mong kainin?" Tanong ko rito habang nagtitingin kami ng pwedeng kainan dito sa mall.


Nilabas ko muna si Ysabelle para maibsan naman ang pangungulila nito sa Mommy niya at para magkaroon din kami ng bonding time.


"I miss Mommy na.. Kasama sana natin siya dito ngayon" Malungkot na tugon nito.


Napabugtong hininga nalang ako dahil duon. 


Ako rin anak miss na miss ko na rin ang Mommy mo.


"Diana?"


Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.


"Awit? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.


Pero parang gusto kong bawiin yun dahil sobrang dumb naman ng tanong kong iyon.


"Hmm.. I didn't know na private mall na pala ito ngayon" Biro nito.


"Sorry.. Nagulat lang ako na makita ka dito" Tugon ko naman.


"Mama, sino po siya?" Kalibit naman sa akin ni Ysabelle.


"Ahh.. Baby siya nga pala ang Tita Awit mo kababata ko siya. Say Hi to your Tita Awit" Pakilala ko kay Awit.


"Hi po, Tita Awit ako nga po pala si Deanna Ysabelle Carlos" Magalang na pakilala naman ng anak ko.


"Hi! Ysabelle ang cute cute mo naman. Asan ang Mommy mo?" Tanong nito sa anak ko.


Na caught-off guard naman ako sa tinanong nito.


"Ahh.. Hindi po siya kasama ni Mama ilang araw na at sobrang namimiss ko na rin po siya" Malungkot na tugon ni Ysabelle.


"Ow.. I see, gusto mo ba ako muna ang maging Mommy mo habang wala siya?" Offer ni Awit.


Nagulat ako sa sinabi nito pero kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Ysabelle sa sinabi nito.


Ayaw ko namang sirain yun..


"Talaga po?!" Masaya pagkumpirma ni Ysabelle.


"Oo naman, para hindi kana mag-alinlangan pa simula ngayon tawagin mo na akong Mommy Awit" Tugon ni Awit.


Sa sobrang tuwa ni Ysabelle ay mabilis niyang yakap si Awit.


Para naman akong ewan na nanunuod sa kanila ngayon.


Bigla namang pumasok sa isip ko na paano kaya kung hindi nag-migrate ang pamilya ni Awit sa Canada noon at kami ang nagkatuluyan? Mararanasan ko kaya ang ganitong sakit na nararamdaman ko ngayon kay Isabel?



Maybe not.



"Mama? Your spacing out. Tara na po kain na tayo sa Jollibee I want Chicken Joy!" Saad ng anak ko saka ako hinala papunta sa may Jollibee.


"Hindi ba kami nakakaabala sayo Awit?" Nahihiya kong tanong ko rito.


"Nah.. Okay na rin tong may kasama ako ngayon mamasyal dito sa Mall" Tugon niya bago kami nakapasok ng Jollibee.



I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon