Chapter-30

1.4K 28 2
                                    



Diana's POV...
 


"Diana, sino ba yang tumatawag sayo, sagutin mo na nga kanina pa yan"  Naiiritang puna ni Awit, kanina pa kasi nagriring ang cellphone ko.


At gaya nga ng ipinangako ko kay Ysabelle lumabas kami kasama si Awit, para na rin maghanap ng ideas sa nalalapit na birthday nito. Super hands on nga sa mga preparation si Awit kahit sinabi ko na rito na isang simpleng birthday party lang ang gusto ni Ysabelle. Dinaig pa nito si Isabel sa pagiging hands on sa aming mag-ina, speaking of Isabel hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na balita kay Isabel o hindi pa rin kami nito kinocontact. Hay.


"Sorry, ito na sasagutin ko na" Paalam ko bago naman lumayo sa kanila.


Wala sana akong balak sagutin ang mga tawag ni Cesca, pero mukhang wala din itong balak tigilan ako.


"Hello Cesca, napatawag ka?" Bungad ko nang sagutin ko na ang tawag nito.


"Gosh Finally! sinagot mo rin, Busy ka ba?" Tanong nito.


"Yepp.. Nasa mall ako kasama ang anak ko" Tugon ko naman.


Alam na nito na pamilyada na ako, sinabi ko na rin sa kanya dahil akala ko titigil na ito sa pangungulit nito sa akin pero magkamali ako.


..


"Grabe, namiss mo ba ako agad, kaya ka nandito?" Natutuwang tanong ni Cesca nang pagbuksan ako nito ng pinto.


Sinadya ko kasi itong puntahan sa condo ngayong hapon.


"Ahh.. Ma--may gusto lang akong aminin sayo" Nauutal kong sagot.


Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa aaminin ko, magagalit sigurado pero kelangan na naming itigil kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa.


"Hmm.. What is it?" Tanong nito.


"Cesca gusto ko lang sabihin sayo na may Asawa't anak na ako.. Kung ano man yung mga nangyari sa atin. Please kalimutan nalang natin yun. Sorry" Lakas loob kong pag-amin dito, kelangan kong gawin ito para na rin hindi na dumami pa ang kasalanan ko kay Isabel.


"Paano kung ayaw ko? Paano kung ayaw kong kalimutan ang mga nangyari sa atin, paano kung gusto pa rin kita kahit may Asawa't Anak ka na?" Nanghahamon na sagot nito sa akin.


"Cesca naman, please wag mo ng gawing mahirap ito para sa ating dalawa" Pakiusap ko naman sa kanya.


"Mahirap? Parang hindi naman kita nakikitang nahihirapan tuwing magmakasama tayo" Tila napapaisip nitong tugon.

Sht! Ano bang gagawin ko, para matigil na to?


Nagulat naman ako ng hinawakan niya ang baba ako at pinatingin sa direksyon niya.


"Look as long as tayo lang ang nakakaalam nito, pwede nating gawin lahat ng gusto natin, okay? So chill"


..


"Oww.. I see, malapit na pala ang birthday ni baby girl.. Mas lalo akong natuturn on sa pagiging responsible Mom mo niyan."  Natutuwang saad nito.


I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon