Diana's POV...
After that long and passionate kiss namin ni Celine ay pareho kaming walang imik na pumasok sa loob ng bahay. Nagpapakiramdaman lang kami sa isat-isa pero ako na itong hindi nakatiis at nagdesisyong magsalita na..
"Celine.. I--I'm sorry" May sensiridad kong sabi. Hindi naman sa pinagsisihan ko yung ginawa ko pero nararapat lang na humingi ako ng sorry.
Tumingin naman ito sa gawi ko bago nagsalita. "Okay lang Diana.." Tipid ngiti nitong sabi.
Sa sinabi niyang iyon ay kahit papaano nakahinga ako ng maluwag na ganon pa rin kami sa walang magbabago sa amin after that. Actually iba ang inaasahan kong mangyayari pero mukhang mga kabaliktaran nito ang lumalabas. Kinabukasan ay gaya nga ng sinabi nito normal lang kami parang walang nangyari something sa pagitan namin kagabi.
Everything goes smoothly hanggang maihatid namin siya ni Ysabelle sa tinitirahan niya, binati nga ako nila Kyle ng belated happy birthday and nagpasalamat naman ako sa pa surprise cake nila. Kaya wala akong ideya kung bakit ngayon ay iniiwasan niya na ako or should I say pinagtataguan, kasi even sa school at halos hindi ko na ito mahagilap hindi tulad ng dati na palagi ko itong nakakasalubong.
"Ano ba kasing ginawa mo at iniiwasan ka?" Naguguluhang tanong ni Marian. Kausap ko ulit ito thru video call, wala kasi akong masyadong ginagawa ngayon sa trabaho kaya naisipan kong maghanap ng makakausap.
Napatitig nalang ako ng taimtim sa monitor habang nag-iisip kung dapat ko bang ikwento sa kanya ang nangyari dahil malamang sa alamang aasarin ako nito. Pero kaya nga ako naghanap ng makakausap para mavent out itong thoughts ko. So, wala dapat akong filter sa kanya.
"I kissed Celine.. noong gabi ng birthday ko" Pag-amin ko. Natigilan naman ito sandali sinabi ko.
"You what!?" Bulalas nito parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napa-iling nalang ako as if hindi niya na naintindihan yung sinabi ko.
"Paulit ulit? I kissed her nga!" Pag-uulit ko.
Kung kanina ay nagulat ang reaksyon nito ngayon naman ay tawang tawa siya.
"Ahaha! Shems sinasabi ko na eh! Congrats muna dude! nalagpasan mo na phase mo kay Isabel!" Para itong nanalo sa lotto sa sobrang tuwa niya.
Napa-irap nalang ako sa sinabi niya. Dapat ata sila Ate Nicole o Ate Kath ang tinawagan ko eh, kesa sa mokong na to.
"You are not really helping" Mataray ko namang sabi.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko at patuloy parin ito sa pagtawa. Napa-irap nalang ako ulit sa kanya.
"Sorry naman.." Habang pinipigilan na ang pagtawa. "Eto na, seryoso na baka nabigla siya sa ginawa mo o hindi kaya nabastos kaya niya iniiwasan"
"Pwede? Pero nagsorry naman ako after noon" Depensa ko naman.
Kung nabastos naman siya sa ginawa ko pwede niya naman akong sampalin that o magalit siya sa akin on the spot pero yung akala ko okay kami pero hindi duon ako nasasaktan.
"Do you really think sorry was enough huh? Na yun ang palaging remedy sa lahat ng bagay?" Siya naman ang nagtaray.
Hindi naman ako nakaimik sa sinabi nito. Inaanalisa ko kung saan ba ako nagkamali na possibleng rason kung bakit niya ako iniiwasan bukod duon sa paghalik ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanfictionHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...