Diana's POV...
"Mama.. okay ka lang po ba, bakit po dito ka sa guess room matutulog?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ysabelle na kasunod ko lang pumasok dito sa guess room.
After ko kasi itong sunduin galing school ay dumiretso agad ako sa guess room para dito magpahinga, ni-hindi na nga ako nakapag bihis sa kagustuhan kong mahiga na. On a daily basis palagi ko itong katabi matulog pero ngayong hindi maganda ang pakiramdam ko ay pinili ko na munang lumipat ng kwarto baka kasi mahawaan ko ito ng sakit.
"Yes.. Anak masakit lang ang ulo ni Mama at tulog lang katapat nito" Pilit ngiting sagot ko pa kahit sobrang hilo at bigat na ng talukap ng mga mata ko. Mabuti nga nakayanan ko pang magmaneho pauwi at walang nangyaring masama sa amin.
Hindi naman ito umimik at nanatiling lang itong nakatingin sa akin na para bang may malalim na iniisip.
"Are you hungry naba? Order ka nalang ng food sa online.. Hindi kaya ni Mama magluto ngayon" I added.
Hindi parin ito umimik, nagulat nalang ako ng bigla itong lumapit sa akin at pinakiramdaman ang noo ko.
"Hala! Mama sobrang init mo po!" Nagpapanic nitong sabi para na nga itong maiiyak ngayon.
Mabilis ko namang hinawakan ang kamay nito at marahang pinisil.
"Ysabelle relax.. It's just a headache, walang mangyayari sa aking masama okay?" Alo ko naman sa kanya, pero hindi iyon sapat dahil kusa ng nagsibabaan ang mga luha nito.
Mga ilang minuto rin itong umiyak sa tabi ko hanggang sa tumahan siya, inutusan ko naman itong umorder ng pagkain online para makakain na ito ng hapunan at makagawa na din ng mga assignment niya. Ayaw pa nga sana nitong sundin ang inuutos ko dahil gusto niya lang nasa tabi niya ako pero syempre hindi pwedeng siya ang masunod sa aming dalawa, mas mahirap naman kasi kung dalawa pa kami ang magkakasakit dito.
Hindi ko na matandaan kung anong oras na ako nakatulog, ni hindi na nga rin ako nakakain ng hapunan at nakainom ng gamot.
Na-alimpungatan nalang ako ng may maligamgam na tela na dumadampi sa balat ko. Narerelax naman nitong ang buong katawan ko dahil duon.
"Hmm..." Mahina namang ungol habang sinubukang buksan ang aking mga mata para makita kung ano ito.
"Huwag mo munang pilitin ang sarili mong magkikilos Diana" Isang malambing na boses ang bumungad sa akin bago muling dinampihan ng towel ang katawan ko.
Sing bilis naman ng kidlat na rumehistro sa utak ko kung kaninong boses iyon.
"C-Celine?" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas dahil napabangon talaga ako sa pagkakahiga. Bumungad naman sa harapan ko si Celine, bakas aa mukha nito ang pag-aalala or ako lang ang nag-iisip nun?
Nanaginip ba ako?
"Yes ako nga toh.. Nauuhaw kaba ikukuha kita ng tubig" Alok nito.
"Pa-ano?" Nagtataka kong tanong kahit naman may hint na ako kung paano siya napunta dito pero para makasigurado kung totoo ba ito o isang panaginip pasimple ko namang kinurot ang braso ko. Baka kasi kinukumbulsyon na pala ako in reality at nakikita ko siya ngayon.
Nakaramdam naman ako ng kirot sa pag kurot ko na yun kaya nakahinga ako ng maluwag dahil totoong nasa harap ko siya at okay pa ako.
"Ysabelle called me last night na umiiyak dahil may sakit ka raw kaya napapunta ako dito para iassist kayo" Sagot naman nito bago ako inabutan isang baso ng tubig, kinuha ko naman iyon at saka tinungga sobrang uhaw na din ako at tuyong tuyo ang lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
Hayran KurguHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...