Isabel's POV
"Hon, are you sure na ayaw mo talagang samahan kita sa bahay niyo?" Nag-aalalang tanong ni Diana habang nagmamaneho.
"Yeah. Wag ka ng mag-alala dyan, magulang ko pa rin sila hindi nila ako sasaktan. Okay?" Tugon ko.
Papunta kami ngayon sa bahay ng magulang ko para sabihin ang magandang balita.
"Nag-aalala lang ng sobra ako, lalo na buntis ka bawal na bawal sayo ang mastress. Alam mo yan" Saad nito.
"I know, don't worry Hon. Alam kong nanduon si Ate Yna ngayon para incase na may nangyari sa akin huwag naman sana ay masasabihan ka niya agad" Pag-aassure ko rito.
Napabugtong hininga naman siya, sign of defeat.
"Okay. Basta tawagan mo ako kung susunduin na kita. Take care" Sagot nito saka ako hinagkan.
Nasa tapat na rin kasi kami ng bahay ng mga magulang ko..
"Ikaw rin. Ingat sa pagmamaneho" Tugon ko bago bumama ng kotse.
Agad rin naman akong pinagbuksan ng gate ni Kuya Leo guard namin.
"Isabel, Anak mabuti naman at napadalaw ka dito" Salubong ni Mommy saka ako niyakap. Kasunod nito si Ate.
"May gusto po sana akong sabihin sa inyo kaya napadalaw din ako dito" Tugon ko naman.
"Ganun ba.. Tara sa garden anduon ang Daddy mo" Saad nito.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba habang papalapit kami sa garden kung asan si Dad.
Akala ko ready na akong sabihin sa kanila na hindi na ako makakaramdam ng ganitong kaba.
"Wag kang kabahan dyan Isabel. Magiging okay din ang lahat, for sure matatangap at matutuwa sila yan sa binalita mo" Bulong ni Ate.
Ito kasi ang unang nakaalam sa pamilya ko tungkol sa pagdadalang tao ko.
"Mabuti naman naisipan mo pang dumalaw dito" Saad ni Dad habang nakatuon ang atensyon nito sa dyaryo.
"May gusto po akong sabihin sa inyo" Tugon ko naman.
Napaangat naman ito ng tingin.
"Nagising ka naba sa katotohanan? Na mali na inasawa mo si Carlos?" Tanong nito.
"Hindi po.. Dad, Mom buntis po ako" Mahina kong sabi.
Biglang napatigil ang mga magulang ko sa sinabi ko.
"Damn it Isabel! Nagpakasal ka na nga sa kanya kahit hindi namin gusto, ngayon nagpabuntis ka pa!?" Galit na galit na saad ni Dad.
Kitang kita ko sa mga mata nito ang sobrang pagkadismaya sa akin.
"Dad huwa--
"Wag kang mangialam dito Yna, may kasalanan ka rin dito kinunsinti mo yang kahimbangan ng kapatid mo!" Hindi na pinatapos ni Dad ang sinabi ni Ate Yna.
Kelan ba siya naging proud sa akin? Since bata ako I always do my very best para maging proud naman ito sa akin but I always end up a looser.
![](https://img.wattpad.com/cover/112169263-288-k711962.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanfictionHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...