Taguig City, Metro Manila
NAWALA ang ngiti ni Edelweiss nang maabutan sa sala ang mga kasambahay pati na ang kanilang family driver na nakabihis at kausap ang kanyang mga magulang. May ilang mga maleta rin na nakahilera sa sahig na hinuha niya ay pag-aaari ng mga kasambahay.
Hindi niya maipaliwanag ang kaba at tensiyon na nararamdaman sa mga sandaling iyon. Their living room looked gloomy as she stared on the empty walls. With the paintings and family portraits gone, the off-white wallpaper looked strange and desolate. Ang ibang muebles ay may nakatakip ng puting tela. Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng sala at napansing taning ang grandfather clock na lang ang walang takip.
The scene that greeted her made her wonder what was going on. She spent the whole week in Tagaytay with her cousins and enjoyed the break so much that she almost forgot she had to report to work the next day. She didn't expect to go home and to be greeted by this.
"Ma, ano'ng nangyayari?" kabado niyang tanong sa kanyang inang si Evelyn nang sa wakas ay matagpuan ang kanyang boses. Her mother looked sophisticated in her beige slacks paired with army green long sleeves. Napalingun sa gawi niya ang kanyang ina na halata ang pamamaga ng mga mata.
Bakas din ang mga luha sa mga pisngi nina Nana Midel at Yaya Ayda na matagal ng naninilbihan sa kanilang pamilya. Nang mapansin siya ng dalawa ay kaagad na lumapit ang mga ito sa kanya para yakapin siya.
"Mami-miss kita, hija. Mami-miss namin kayo."Umiiyak na turan ni nana Midel sa kanya.
"Ma, Pa bakit niyo po sila pinapaalis?" naguguluhan niyang tanong habang tinatahan ang dalawa.
Huminga ng malalim ang kanyang amang si Arthuro. "I'm sorry, anak. But we have to let them go. Hindi namin sila pinapaalis ng Mama mo." He paused before declaring, "Tayo ang aalis."
Her father looked drained and tired. He was still wearing his business suit, she noticed.
"Papunta saan? How long?" Nalilito at sunod-sunod niyang tanong. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ng dalawang kasambahay at lumapit sa mga magulang.
"We're leaving for Syracuse. Doon na tayo titira." Hayag ng kanyang ina.
"You're kidding , right?" Iyak-tawa niyang tanong. She hoped and prayed that this was just a joke but the looked on her father's face confirmed something. Agad na nagbadya ang luha sa kanyang mga mata.
"Pero bakit po? Kakabukas lang natin ng bagong branch. Paano ang Fleur? Iiwan na lang ba natin ang lahat ng ganun-ganun na lang. Isa pa, I've just started managing one of our branches and I'm enjoying it." Aniya na tinutukoy ang family business na isang fine-dining restaurant. They just opened Fleur's twenty-sixth branch in Metro Manila. "I'll stay. Ayoko pong umalis ng Pinas. This is our home."
"I'm sorry, hija. Pero wala ka ng ima-manage dahil wala na ang Fleur-de-lis." Her father said bleakly.
Lumaylay ang kanyang mga balikat sa narinig. "Paanong wala na? Hindi naman ito palugi. Ibinenta niyo po ba?"
"Hindi ko ibinenta. I would never sell it. Not in this lifetime. But the future of Fleur is not our hands anymore." Matigas nitong tugon.
"Pa, that's impossible." Aniya na hindi matanggap ang sinabi ng ama. Bumaling siya sa ina at pagkuway lumapit dito. Excited pa naman sana siyang simulan ang linggong ito. She already planned and prepared the whole week's menu. She was appointed as an executive chef and she loved the position. "Paano po itong bahay natin?" Hindi niya napigilang itanong.
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...