4 years later
"Can you give me one good reason why we left Leiria in such desperate haste, Vaughn?" Tanong ni Vivienne na pinakabunso sa tatlong magkakapatid na Carrillo kay Vaughn. Nakataas ang kilay nito habang hinihintay ang kanyanf sagot. Lulan sila ng ferry ngayon papunta sa Belleza. Ang isla na kinalakihan nila at ng kanilang ina. Ilang minuto na lang at dadaong na sila sa pier ng isla.
"Vivi, hindi kita pinilit na sumama pauwi ng Pinas. "
He missed the island but this wasn't his actual plan. He wanted to stay in Manila for a couple of months before going home but his sister persuaded him to head straight to the island and she wouldn't take no for an answer.
"Kilala kita." mariin na turan ng kanyang bunsong kapatid. "Magsabi ka nga ng totoo."
Napabuntong-hininga siya. "Hiwalay na si Carina at Vince–"
"So?! Bakit parang sinilaban iyang puwet mo't nagmamadali kang umuwi dito?" anito sa malakas na boses. Ni wala itong pakialam na may makarinig sa kanilang usapan.
"Kailangan bang may mabigat na dahilan para lang makauwi ako sa isla? Wala na ba akong karapatang umuwi?"
"Huwag mo nga akong gawing tanga, Vaughn. I knew what was between you and Carina years ago. Hindi ko alam kung anong nakain niyo ni Vince at talagang nahumaling kayo sa babaeng yon. Hindi ba kayo marunong kumilatis ng babae? Thank goodness! Vince is finally freed from that wicked woman. I never really liked her and she was never good enough for Vince. He should have married Azalea instead." Mahabang litanya nito. Pero hanga siya dito. He couldn't deny his sister's good instinct.
"At sino si Azalea?" ngayon niya lang narinig ang pangalan ng babae.
"She was one of the nicest people I was lucky enough to meet. Sa lahat ng babaeng ipinakilala ni Vince sa mga magulang natin ay si Azalea lang ang walang bahid ng pagpapanggap at kaartehan. She was perfect for Vince. Hindi ko lang alam kung anong nakain ng kapatid nating iyon at nakipagbalikan pa talaga sa Carina'ng 'yon!"
"Anong nangyari? I mean, ano'ng nangyari sa relasyon nila ni Vince?" Bakit wala siyang alam tungkol dito?
"Long story." Anang kapatid na mukhang tinatamad magkwento. Iidlip na sana ito nang may bigla itong naalala. "Please don't tell me that you dropped everything in Leiria for Carina."
"Teka nga muna, wala na ba talaga akong karapatang umuwi? Hindi ko sinabing siya ang dahilan and I didn't drop everything. Si Cristovao muna ang bahalang mamahala sa negosyo." Tugon niya na tinutukoy ang iniwang chain restaurant sa Leiria.
"Sure, Vaughn." Inirapan siya ni Vivienne. "Bakit hindi mo dinala si Larissa?" Larissa was his on and off girlfriend in Leiria.
Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tanong nito.
"I broke up with her for good."
"Ano?" gulat nitong reaksiyon. "Ganun nalang ba iyon, Vaughn? Mahal ka ng tao tapos iiwan mo lang ng basta-basta? Dahil ba kay Carina?"
"For the nth time Vivienne, it was not about Carina and how many times do I have to tell you that I don't like settling down? Larissa is pretty and kind but I don't like it every time she mentions about wedding bells. She should be thankful, you know? I just saved her from serious heartaches." He said in a detached tone.
Vivienne knew he was a swine but she thought he stopped womanizing when he met Larissa. No. He won't even think of settling down with any woman. Again.
"Edi sana pala hindi mo nalang siya pinaasa sa simula pa lang. Ano ba, Vaughn?"
"She knew her place from the start. Ganito naman talaga ang nature ng pakikipagrelasyon. Di porke't kayo na ay magiging kayo pa rin hanggang sa dulo. Pero tama ka. Sana ay hindi ko nalang siya pinaasa." Sang-ayon niya para matahimik na ito. "What's her name again?" hindi niya napigilang itanong.
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...