Chapter 14

30 5 0
                                    

Natigilan siya sa narinig. Ito ang matagal na niyang kinakatakutan. Ang malamang sangkot ang pamilya niya sa katiwalian. Sana nga lang ay mali ang hinala niya.

"If my family really did something unacceptable to you, have you ever thought if it was proper to take your frustrations out on me?"

"Yeah, I should have. Alam kong nagkamali ako. I was starting to castigate myself for what I did to you." Anito sa seryosong tono.

"Did...did my father swindled money from you?" Halos pabulong niyang tanong dito. Ni hindi na niya makuhang tumingin dahil sa hiyang nararamdaman.

Hindi uli kumibo si Vaughn. It frustrated her that he neither confirmed nor denied. Masyado sigurong malaki ang nagantso ng kanyang ama kung ganun na lang ito magalit sa kanya na kailangan pang umabot sa pamamahiya nito sa kanya sa harap ng mga kitchen crew. Pero kilala niya ang kanyang ama at hindi ito isang mangagantso!

"Ask your father."

"Kung may balak sabihin sa'kin ng ama ko ang tungkol diyan edi sana noon ko pa alam ang ipinagpuputok ng butchi mo! Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi gayong may alam ka naman."

"Baka hindi mo kayanin kapag nalaman mo ang totoo."

Natawa siya ng pagak.

"Oo nga pala. Isa nga pala akong mahinang nilalang." Sarkastiko niyang turan.

"Why did you quit?"

"Tinatanong pa ba yan? Sawa na kasi akong makita yang pagmumukha mo. And I'm tired of dealing with your shit."

"I'm sorry." Ulit nito.

"Grovel hard Carrillo cause I'm not going to be swayed by your mere sorry. I'm tired. Gusto ko ng magpahinga."

Iniwanan niya si Vaughn na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. Hirap man sa pagbalanse ng mga pinamili ay sinikap niyang makarating sa patio na hindi nalalaglag ang mga ito.

"I want you to be there."

Hinanap niya ang switch ng ilaw sa patio para balikan at mahanap niya agad ang iba pang nalaglag na groceries. Bahagya siyang nagulat nang paglingon niya ay nalaman niyang nakabuntot pala ito sa kanya.

"Look. Pagod ako. I'm not interested in attending any parties tonight. You can celebrate without me dahil hindi naman ako ang celebrant." Diretsahan niyang tanggi.

Namataan niya ang isang pack ng Korean spicy noodles at dalawang lata ng Spam sa bandang unahang gulong ng sasakyan kaya kaagad niya iyong pinuntahan para pulutin.

"Can you at least stop being mad at me just for tonight? You can be mad at me again tomorrow."

"Yeah, sure." Wala sa loob na tugon niya habang binubuksan ang main door. Diretso siya sa loob at hindi na nag-abala pang imbitahan si Vaughn na pumasok. She was hoping he would finally leave this time.

"Hinihintay nila tayo." Saad nito na di na nahiyang pumasok sa loob.

Tiningnan niya ito ng masama. "I didn't invite you in."

"I know. That's why I decided to do the honor and invited myself in." Taas-kilay nitong sagot at kampanteng naupo sa sofa.

Inirapan niya ito at iniwan sa sala mag-isa. Nagpunta siya sa kusina para tingnan kung hindi pa ba sira ang tirang kanin na sinaing niya kaninang umaga. Pagbukas niya ng takip ay natuwa siya nang makitang meron pang saktong kanin. Kasya na iyon para sa kanyang hapunan. Sobra pa nga dahil medyo marami-rami pa pero alam naman niyang mapaparami siya ng kain dahil sa ulam na niluto ng nanay ni Lee. Inamoy niya muna ang kanin para siguraduhing hindi pa panis at tiningnan kung okay pa ba ang gilid at hindi namamasa. Minsan kasi madaling mapanis ang kanin sa sobrang init ng panahon.

Drawn to You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon