Chapter 11

31 6 0
                                    

"Oh, that." anito na natigilan.

"Yes, that."

"Let me clear things up to you my dear, Edwelweiss. I did send you a notice.

"Wasn't I proficient enough to keep my job? Hiring and training new kitchen workers were part of my job. What happened?"

"Calm down. We knew it was your job to hire and train new staff but since you already got a lot on your hands, Jai and I took the initiative to look for a new qualified chef to temporarily fill Justin's post. Isa pa, the one we got didn't need to be trained." halata sa boses nito na nakangiti habang sinasabi iyon pero wala siya sa mood na makipagbiruan dito kaya hindi na iyon binigyan ng pansin.

Na-touched naman siya sa narinig. Concerned lang naman pala ang mga ito kaya nila iyon ginawa. Kung sabagay, sila ang boss, magagawa nila kung ano ang gusto nilang gawin dahil sila naman ang may-ari at namamalakad dito sa resort.

"Hindi naman sa ayaw ko sa bago kong posisyon ngayon pero I signed for the EC position and...and-" hindi niya nagawang ituloy. She just realized that she sounded like a whiny kid.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Ani ni Stephen.

"Iyon na nga ang sinasabi ko, I didn't get a memo that I will be demoted. At nasaan na nga ba ang notice na sinasabi mo?"

"Wait, wait. Wala naman akong sinabi na ibinaba namin ang position mo and I put the memo myself on your mini-desk the day before yesterday."

"Well, I just became a sous chef today." napaubo si Stephen sa sinabi niya.

"Hmmm...Hindi ko alam ang tungkol diyan. Siguro sila ng pinsan ko ang nag-usap. Don't worry, I'll ask Jai about it." Ani Stephen na bahagyang natigilan. Mukha ngang walang itong alam sa naging palitan ng posisyon.

"Huwag na, I'll just wait for the next two months to be over then I'll be off this island before you know it."

"Elle, I'm sorry."

"Okay lang. Wala namang problema. I just thought you knew about it but didn't bother to send me a memo."

"Hindi ko alam." he paused and said, "Will you be okay?"

"Yes, I'll be fine."

Nanghihina siyang naupo sa kama. So si Carrillo na talaga ang EC hanggat hindi pa nakakabalik si Jun. Ang ikinainis lang ni Elle ay ang mapangahas nitong ginawa kanina. Ito lang pala ang nagdesisyon na palitan siya sa kanyang posisyon. Ang lakas ng loob porket pinsan niya ang isa sa may-ari ng resort na'to.

Ughh! I hate you to the moon and back, Carrillo!

WORKING in a kitchen had always been fun lalo na kung kasundo mo ang mga katrabaho mo. Pero hindi rin maiiwasan ang mga araw na mahihirapan ka sa mga komplikadong recipe. Sanay na siyang lumagari. Sanay rin siya sa init at tumayo buong shift. Pero nitong nakaraang araw ay napag-isip-isip niya kung tama nga ba ang propesyon na kinuha at pinasok niya.

Nararamdaman niya ang tila mabagal na pag-usad ng oras pati na rin ang pagdaan ng mga araw. Habang tumatagal siya dito sa El Cielo ay parang unti-unti rin siyang nawawalan ng gana sa kanyang propesyon na pinili.

Back then, she was inspired to be a chef because she loved cooking and the fact that they used to own a fine dining restaurant. Ngunit sa araw-araw na nakakasalamuha niya si Vaughn ay unti-unti siyang nawawalan ng ganang magtrabaho sa kusina. It saddened her. Sa tagal na niya sa kanyang propesyon ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Heto siya ngayon, parang intern na nagtitiis sa mga pang-aalipusta ng senior staff.

"What's this? Masyadong malabnaw itong soup na ginawa mo. Isalang mo uli at timplahan mo rin uli. Ang pangit ng lasa. Haven't you tasted it? My God, Miss Fontanilla!" umalingawngaw ang malalim na boses nito sa buong kusina.

Drawn to You (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon