"What's wrong?" Anang malalim na boses ni Vaughn na nakadungaw na pala sa kanila ni Lee. Tiningala niya ito saglit bago nilingon si Lanie na kaagad ding dumalo sa kanila.
"Diyos ko! Ano'ng nangyari kay Lee." Nag-aalala nitong tanong.
"Lan, I need you to do me a favor. Kailangang madala nating agad si Lee sa pinakamalapit na hospital dito sa isla."
"Okay, tatawag ako ng ambulansiya." Anito na tumalima kaagad.
"Tol ano'ng nangyayari sa'yo?" Ani Ben na agad ding lumapit at dumalo sa kanila.
"Kung hindi ako nagkakamali ay inaatake si Lee ng malalang allergy."
"Are you sure?" Nagdududang tanong ni Vaughn.
Hindi niya ito pinansin sa halip ay hinarap niya si Ben.
"Hawakan mo muna saglit si Lee. May kukunin lang ako." Aniya na lumabas ng kusina at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Nang makuha ang kailangan ay nagmadali siyang bumalik sa loob. Kumuha siya ng isang basong tubig at dinala niya iyon kay Lee.
"Bakit nagpatawag ka agad ng ambulansiya? Paano kung okay lang pala ito si Lee, edi nasayang lang ang oras na ibinyahe ng ambulansiya papunta dito pati pabalik sa hospital?" Ani Melijah na nakatayo na sa gilid at nakapameywang.
"Hindi mo ba nakikita ang mukha ni Lee? Yan ba ang mukhang okay? Nawalan nga ng malay yung tao!" Pinanlakihan niya ito ng mata.
"I agree with Melijah. You should have-" Vaughn piped in and Elle gave him a death stare which shut him up.
"At kailan niyo gustong tumawag ng ambulansiya? Kapag naghihingalo na si Lee? Nawalan ng malay ang tao! Mabuti sana kung gising pa dahil pwede pa nating painumin ng gamot kontra allergy!" Inis niyang baling dito.
"Tsk! Ang OA mo rin ano? Humihinga naman yung tao. Gusto mo lang talagang makakuha ng atensiyon kaya ka nagmamarunong." Ani Melijah.
Humigpit ang hawak niya sa basong dala at matinding pagpipigil ang ginawa para lang huwag maisaboy dito ang laman. Snatching her hair and smashing her forehead on the wall was also temtping.
But she was faced with urgency. Saka na lamang niya bibigyan ng panahon ang babae kapag okay na si Lee. Tinapik niya uli ng mahina ang pisngi nito para alamin kung responsive na ba ito.
Isang mahinang ungol lang ang narinig niya mula rito. Medyo habol rin nito ang paghinga. Ganunpaman ay hindi siya sumuko. Tinapik niya itong muli at kinausap. Nais niya lang siguraduhin kung gising na bang talaga ang diwa nito.
"Lee, kaya mo pa bang lumulun? Kung oo, sikapin mong inumin 'tong gamot." Kumuha siya ng isang maliit na tableta ng antihistamine mula sa lalagyan na bitbit niya at pinainum kay Lee. Mabuti na lang at hindi siya nawawalan ng ganitong klaseng gamot. Minsan kasi ay inaatake siya ng shellfish allergy kaya parati siyang may dala-dalang antihistamine. Nilapatan rin niya si Lee ng decongestant para maibsan ang hirap nito sa paghinga.
Mabuti na lang at bahagya ng bumalik ang ulirat ni Lee. Kahit medyo nahirapan ay sinikap nitong lunukin ang gamot at tubig. Halata ang hirap nitong paghinga kaya di niya maiwasang hindi kabahan. Tiningnan niya ang kanyanf suot na relo. Kung hindi pa darating ang ambulansiya ay siya na lang ang magdadala kay Lee sa hospital. Hahanapin na sana niya si Lanie para itanong dito kung nakatawag na ba ito ng ambulansiya nang makita niya itong nagmadaling pumasok mula sa backdoor.
"Andiyan na ang ambulansiya." Anunsiyo ni Lanie na lumapit sa kinaroroonan ni Lee. Nakasunod sa kanya ang dalawang medic na may dalang stretcher.
"Salamat." Aniya rito.
BINABASA MO ANG
Drawn to You (Editing)
RomanceHaving been lost the family business due to unknown reasons, Edelweiss reluctantly leaves for Syracuse with her parents. But her heart craves where it truly belongs. She goes home years later to the Philippines aiming to find answers about their fam...